Ami's POV:
"Ami." Papasok na sana ako sa loob ng practice room nang mapalingon ako sa lalakeng tumawag sa akin.
Napabuntong hininga ako at tipid na ngumiti sa kanya. Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"Ami. I am sorry. Hindi ko iyon sinasadya. Maniwala ka sana sa akin." Marahan akong kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Tumingin ako sa kanyang mata at hindi ito mapakali.
"Itigil mo na ito Seu. Madami ng nasasaktan at nadadamay dahil sa kalokohan mo." Heto na din siguro ang tamang oras para tumigil na siya sa ginagawa nya.
"Hindi ito kalokohan Ami. Gusto talaga kita. Totoo ang nararamdaman ko sayo. May gumugulo lang sa akin pero maayos ko ito. Magtiwala ka sa akin." Aniya.
"Sue. Pinagbigyan na kita ng isang linggo. Sapat na iyon at ayoko na. Itigil mo na ito. Please?Huh?" Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Naroon na din ang mga kagrupo ko at si Mr. Song na may kausap sa kanyang Cellphone.
"Ami. Let me explain please?" Napatalon pa ako sa gulat nang pumasok ito sa loob. Bakas din sa mukha ng mga tao sa loob ng kwarto ang gulat dahil sa presensya nya.
"Oppa, Anong ginagawa mo dito?"-Bora.
"Di ba bawal pumasok ang bisita dito practice room?" -Young.
"Aish! Pasaway talaga!"-Seung.
"Yah! Bawal ka dito. Labas."-Minji.
"Ami. Mag usap pa tayo. May sasabihin pa ako." Tila hindi niya naririnig ang sinasabi ng mga kasamahan ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakikiusap sa akin.
"Ji Sue. Please, Tama na. Huh?" Saad ko dito. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Sakto namang lumapit sa amin si Mr. Song at nagulat kami sa sunod niyang ginawa.
"Sue!" Sigaw ni Sueng ng mapahiga ito sa sahig dahil sa malakas na pagsuntok ni Mr. Song dito.
"Omo! Mr. Song!" Lumapit sa amin sina Bora.
"Mr. Song, bakit niyo po sinuntok si Oppa." Tumingin ako kay Mr. Song na nakasalubong ang kilay at nakakuyom ang kamao na parang pinipigilan niya ang sarili niya. Bakas sa mukha nito ang galit.
Inalalayan namang tumayo nina Seung at Minji si Sue. Sa lakas ng pagkakasuntok ni Mr. Song dito ay dumugo ang labi nito. Agad namang niyang pinunasan iyon at ngumisi kay Mr. Song.
Parang hindi si Mr. Song ang kasama namin ngayon dahil iba ang kinikilos nito.
At dahil sa pagngisi ni Seu ay mabilis siyang kinuwelhuyan ni Mr. Song at isinandal ng pwersa sa pader.
"Tumigil na nga kayo!" Suway namin sa kanila habang sinusubukan na awatin.
"Lalake ka ba talaga? Paano mo nagawang sabihin iyon kay Ara? Kalimutan na lang ang lahat? Wow." Sarkastiko nitong saad at saka binitawan.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito. Sa palagay ko ay si Ara ang kausap niya kanina sa phone ng pumasok ako dito.
"Bakit ka ba nangengealam ha? Nag usap na kami at okay na kaming dalawa. At anong sabi mo? Tinatanong mo ako kung lalake ba talaga ako? Tss, Kung magsalita ka akala mo kung sino ka. Baka nakakalimutan mong may fiance ka na pero umaaligid ka pa din kay Ami.Ano to? Two timing?" Nararamdaman ko ang tensyon ng dalawa. Agad na sumugod ng suntok si Mr. Song dito at bumawi din ng suntok si Sue sa kanya. Sa madaling salita ay nagpapalitan na sila ng suntok sa isa't-isa.
"Tumawag kayo ng guard. Bilis!" Ani Seung. Agad namang lumabas ang tatlo.
"Mr. Song! Sue! Tama na yan!" Sigaw ko sa kanila pero parang wala silang naririnig. At dahil kaming dalawa lang ni Seung abg narito ay kulang pa ang lakas namin para pigilan sila.
"Ano ba! Tama na sabi!" Pilit na naming pinaglalayo ang dalawa subalit malakas talaga sila.
"Oh! Bro! Stop!" Buti na lang at napansin kami ng grupo nina Loxe sa labas at mabilis nilang naawat ang dalawa.
"Salamat Loxe." Sambit namin ni Seung nang sa wakas ay napigilan na ng grupo nila ang dalawa.
"Ano bang nangyayari?" Tanong nila sa amin pero wala ni isa ang sumagot. Kahit kami ni Seung ay hindi namin alam kung bakit ganun ang naging aksyon ni Mr. Song kay Sue.
"Baliw na yata itong instructor niyo at nanunugo nalang basta-basta. Sabat ni Seu. Susugudin pa sana ni Mr. Song ito subalit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng miyembro ng Xtar.
"Ano ba Sue! Manahimik ka na nga lang ok?" Sigaw naman ni Seung sa kanyang kapatid.
"Ahm.. guys..." Sabay-sabay pa kaming napalingon sa may pinto ng ituro ni Bok Chul ang tao na nasa pintuan ng kwarto.
Si Papa iyon na seryosong nakatingin sa amin.
"Mr. Song, Mr. Ji. In my office, Now." Kalamadong saad ni Papa. Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa aking sentido.
Kahit gaano ito kakalmado, alam kong galit na ito.
Patay.
Matitikman nila ngayon kung paano magalit ang isang Mr. Kim Namjoon.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...