Pregy

513 21 3
                                    

Ami's POV:

"Sorry kung naistorbo kita." Aniya.

"Oo. Istorbo ka. Nandito ang girlfriend ko at nagbobonding kami." kaswal niyang saad dito. Agad naman akong nilingon ni Ara at ngumiti ng tipid sa akin.

"Sorry sa istorbo pero wala na talaga akong ibang mapuntahan." Aniya.

"Halika. Tuloy ka." Ako na mismo ang humila sa kanya papasok sa loob at pinaupo ito sa couch. Mukhang malaki ang problema nya at nagawa niyang magbitbit ng gamit.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Bae dito at binigyan muna niya ito ng maiinom.

"Wala akong gana." Tipid niyang saad.

"Aish. Dapat kumain ka kahit konti. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang kumakain sa katawan mo. May kasalo ka. Hindi mabuti sa bata yan." Nagulat ako sa sinabi ni Bae at napalingon ako kay Ara.

"B-buntis ka?" Medyo nahihiya pa itong tumango.

"Alam ba ito ni Seu?" Nang banggitin ko ang pangalan niya ay bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Please. Wag mong sasabihin kay Seu ang tungkol dito. huh? Ami." Bakas sa mukha niya ang pagmamakaawa sa akin.

"Pero kailangan niyang malaman na magkakaanak na kayo." Saad ko dito. Hindi maganda sa bata kung lalake itong walang ama.

Alam ko ang pakiramdam ng walang ama dahil naranasan ko iyon at ayokong mangyari din iyon sa magiging anak ni Ara.

"Dapat talaga binugbog ko na siya ng husto." Sinikuhan ko naman si Bae dahil sa sinabi niya. Yun pa talaga ang naisip niya.

"Ok lang ba na dito muna ako sa apartment mo? Wala kasi akong mapuntahan na iba. Pinutol ni Mommy ang mga credit cards ko tapos nagresign na ako sa airlines dahil sa sitwasyon ko." Aniya.

"Itanong mo sa girlfriend ko." Ani Bae at tumingin sa akin.

At kailangan sa akin talaga manggaling ang permiso?

"Pansamantala lang naman Ami. Aalis din ako kapag nakahanap na ako ng matutuluyan." Aniya.

"O-oo naman. Pwede." Saad ko nalang dito. Parang may choice ako. Isa pa. May tiwala naman ako kay Bae.

At isang-isa pa, Buntis siya.

"Medyo late na. Bae, uuwi na ako." Saad ko dito. Baka biglang magtaka ang mga kasamahan ko sa dorm dahil ilang oras na akong nasa labas.

"Sige na Bae. Ihatid mo na si Ami." Ani Ara dito.

Bago ako umalis ay niyakap kong muli si Ara.

"Ara. Magpakatatag ka. Huh?" Saad ko dito bago ako ihatid ni Bae sa dorm.

---***---

"Ok Girls. Last shot. One! Two! Great. Congratulations girls and good luck sa inyong debut." Bati sa amin ng aming photographer matapos naming magphotoshoot. Heto na daw ang huling shedule namin dahil sa makalawang araw na  ang debut namin. Ang bilis ng panahon.

Ipinakita din niya sa amin ang mga picture na kinunan niya sa amin.

"Mr. Shin." Napalingon ako sa staff na bumulong kay Mr. Shin na tila may hindi magandang balita ito na ipinahatid.

Mabilis namang lumabas ng studio si Mr. Shin. Lumapit ako sa staff at tinanong ko kung ano ang sinabi nya kay Mr. Shin.

"Si Mr. Ji Sue po kasi nasa labas at nagwawala po. Tingin ko po ay lasing siya. Isa pa wala po dito si Mr. Kim kaya kay Mr. Shin ko na lang po sinabi." Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis akong lumabas. Nadatnan kong kinakausap ni Mr. Shin ng mahinahon si Ji Sue. Napalingon sa akin si Ji Sue at base sa itsura nito ay mapapansin mong nakainom nga ito.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon