Hand

515 26 1
                                    

Ami's POV:

"Unnie..." Gabi na ng makabalik sina Bora mula sa kanilang game. At dahil sa insidente ay nanatili lang muna ako sa aming kwarto.

"Ok lang ako Bora. Malayo ito sa bituka." Saad ko dito ng makita kong may namumuong luha sa kanyang mata.

"Pasensya na kung ngayon lang kami nakabalik, sabi kasi ni Mr. Song kailangan pa din naming magparticipate kahit wala ka." Saad naman ni Minji.

"Naiintindihan ko. Wala namang may gusto ng nangyari sa akin."

"Alam niyo yung eksena kanina, parang sa pelikula ko lang nakikita iyon. Yung tipong isasave ni guy si girl kyaah!" Napangisi ako sa sinabi ni Young.

"Oo nga. Ang lakas maka knight and shining armour si Mr. Song. May buhat pang nalalaman kahit kamay naman ang nasugatan at hindi paa." Natawa naman kami sa sinabi ni Minji tungkol doon.

"Tinalo pa yata ni Mr. Song si The Flash sa sobrang bilis ng takbo papunta sa pwesto mo kanina. Halatang alalang-alala sa iyo." Dagdag naman ni Young.

"Alam mo Unnie, feeling ko may gusto sayo si Mr. Song. Iba kasi ang tingin niya sayo." Sumeryoso ako matapos sabihin iyon ni Bora.

"Kanina si Loxe, ngayon naman si Mr. Song? Kayo ah, tigilan niyo ako sa feeling feeling na iyan. Wag niyo ngang lagyan ng malisya yung ginawa ng tao. Siguro kung kayo din ang na injured paniguradong gagawin din niya sa inyo iyon." Natural na iyon sa tao. Ayokong bigyan ng kahulugan ang ginagawa nilang kabutihan sa akin.

"Siya nga pala, nasan si Seung?" Napansin ko na silang tatlo lang ang bumalik dito sa tinutuluyan namin.

"Tss, wag mo ng hanapin ang wala. Hayaan mo yun, wala namang pakialam sa atin iyon. Sarili lang niya ang iniisip niya." Ani Minji.

Habang nagkukwentuhan kami ay pumasok naman si Mr. Shin.

"Pinapatawag na kayo sa labas para sa hapunan." Aniya.

Agad naman kaming nagtungo sa labas at parang fiesta ang dating dahil sa mahabang buffet table doon at mga lamesa na nakalatag.

"Nasaan si Seung? Bakit hindi niyo kasama?" Tanong sa amin ni Mr. Shin.

"Hindi po namin alam Mr. Shin." Ani Bora.

"Oh,sige kumain na kayo at hahanapin ko muna siya." Saad ni Mr. Shin at iniwan kami para hanapin si Seung.

"Tara na. Cheat day natin ngayon kaya pwedeng kumain ng madami." Mabilis namang kumuha ng pinggan si MinJi. Sumunod kami sa pila para kumuha ng pagkain.

Cheat day ang tawag namin sa araw na pwede kaming kumain ng kahit ano. At dahil nakakapagod ang activities ngayon ay pwede kaming kumain ng madami.

Nasabi iyon ni Mr. Song sa amin dati sa training pero once a month lang iyon dahil importante pa din ang balanseng pagkain.

"Yah, Bora. Kaya mong ubusin iyan?" Ani Minji. Napatingin ako sa laman ng plato ni Bora na halos maging bundok na sa dami.

"Oo naman. Ako pa."

"May anaconda ka ba sa tiyan? Sa payat mong iyan, san mo ilalagay ang pagkain?" Natawa kami sa sinabi ni Young dito.

"Mga Unnie, mabilis ang pantunaw ko kaya keri lang ito. Isa pa, bata pa naman ako." Napataas kilay lang ang dalawa sa sinabi nito. Napailing na lamang ako.

Matapos namin kumuha ng pagkain ay tumungo na kami sa aming lamesa. May pangalan ng grupo ang bawat lamesa kaya hindi kami nahirapan na makaupo.

Bakas sa mukha nila ang tuwa habang kumakain sila.

"Unnie, Bakit hindi ka pa nagsisimulang kumain? Baka lumamig yan. Ikaw din, hindi na yan masarap." Tipid akong ngumiti dito at hindi alam kung ang sasabihin ko sa kanya.

May benda ang kamay ko ay nahihirapan akong gumamit ng kubyertos.

"Ami!" Napalingon ako sa lalaking umupo sa bakanteng upuan na malapit sa akin.

"Ok ka na ba? Patingin nga ng kamay mo? Aigo, masakit pa ba? Nilagyan mo na ba ng gamot iyan? Huwag mong babasain ng tubig iyan ah? Baka magkaroon ng impeksyon." Dire-diretso nitong saad.

"Boyfriend ka ba ni Ami? Kung makapag alala ka naman wagas." Napakamot ito sa ulo at medyo nahiya dahil sa sinabi ni Minji.

"Ayan na naman kayo." Saway ko sa kanila.

"Hayaan mo na sila, wala lang silang magawa. Wag ka ng mag alala, okay lang ako." Saad ko dito at tinuon ang pansin sa plato ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Paano ko ba ito kakainin?

Ilang sandali ay kinuha ni Loxe ang plato ko at hinimay ang pagkain ko.

"Ahh." Aniya at naka abang na ang pagkain sa aking bibig.

"A-ano ba yang ginagawa mo?" Nakita ko ang mga mata nila Bora na tila ay tinutukso ako.

"Susubuan ka. Alam kong gutom ka na at hindi ka makakain dahil diyan sa benda sa kamay mo. Sige na. Kumain ka na." At dahil nagugutom na nga ako ay tinanggap ko na iyon.

"Ako muna ang magiging kamay mo ngayon." Aniya at sinubuan niya ako na para akong bata.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon