Seung's POV:
"Seung. Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, kumakain na sila doon. Tara na." Saad ni Mr. Shin. Napasarap yata ang tulog ko sa lilim ng puno at hindi ko namalayan na gumagabi na.
Nakakapagod ang laro kanina kaya naman nakaidlip ako sa pwesto ko.
"Sige na. Pumunta ka na sa table mo at ako na ang kukuha ng pagkain mo." Ani Mr. Shin. Tumingin ako sa paligid upang hanapin ang pwesto namin. Agad akong lumakad papunta sa mesa nang mahagilap ko sina Minji.
Mukhang nagsisisi na ako sa aking paglapit. May namuong inis sa aking isip nang makita ko si Ami at sinusubuan sya ng pagkain ni Loxe.
"Unnie, kain ka na." Lumingon ako sa pinakabatang miyembro ng aming grupo.
"Busog ako." Yun lamang ang nasabi ko at nagpasyang bumalik na lamang sa aming kwarto.
Masakit sa mata ang nakikita kong eksena. Nakakawalang gana.
"Sige na. Wala namang tao dito. Tayo lang." Malapit na sana ako sa amin kwarto ng may marinig akong boses.
"Hindi nga pwede. Baka mahuli tayo! Ano ba!" Saway ng babae. Sumilip ako upang malaman kung sino iyon. Siya yung babaeng binuhusan ko ng juice at kasama niya ang isa ding trainee na lalake.
Napangisi ako.
"Kung gagawa kayo ng milagro, huwag dito." Sabay silang nagulat dahil sa prisensya ko.
Mabilis namang umalis ang lalake sa kanyang pwesto. Taas kilay akong humarap sa babae na kung makatingin sa akin ay parang handa na akong patayin.
"Hindi ka pa sikat pero gumagawa ka na ng ikakasira mo. Good luck sa magiging career mo." Tumalikod ako dito at hahakbang na sana papalayo ng bigla niyang hablutin ang buhok ko.
"Alam mo kanina pa ako nagtitimpi sa iyo pero ngayon hindi ko na kayang magtiis pa!" Aniya. Mabilis ko siyang iniharap at sinabunutan ko din ito gaya ng ginawa niya.
"Kaya walang kang kaibigan ay dahil diyan sa pag uugali mo! Masama kang babae!" Aniya.
"Hindi naman ako katulad mo na malandi!" At nang magkaroon ako ng pagkakataon ay itinulak ko ito ng malakas.
Nakita ko ang pagkatumba niya sa sahig at tila nawalan ng malay dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya.
"Yah..." Lumapit ako dito at tinapik ang kanyang pisngi pero hindi pa din ito nagigising.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa ginawa ko.
"Yah! Gumising ka!" Sigaw ko dito at pilit na niyugyog ang kanyang katawan pero ayaw pa din nitong magising.
"Oh My God! Tae Ah!" Napalingon ako sa dalawang babae.
"Anong ginawa mo?" Tinulak ako ng isa at pilit din niyang ginigising ang babaeng tinawag niyang Tae Ah.
"Tulungan niyo kami!" Sigaw ng isa at may bell boy naman na umalalay sa babae.
"Napakasama mo talagang tao." Saad ng kasamahan nito at sumunod na sa babaeng nakaalitan ko.
Napatingin ako sa paligid ko. Pinagbubulungan ako ng mga staff ng lugar na nakakita ng nangyari.
Hindi ko sila pinansin at diretsong tumungo sa kwarto na aming tinutuluyan. Agad akong sumalampak sa kama at doon humagulgol ng iyak.
Nakaramdam ako ng Inis at kaba dahil sa pangyayaring iyon. Naiinis ako dahil sa mga mata na tila ay laging humuhusga sa aking pagkatao at Kaba para naman sa nagawa ko sa babaeng iyon.
Napatigil lang ako sa aking pag iyak ng marinig ko ang aking cellphone na tumunog. Tinignan ko iyon ay remehistro doon ang numero ng aking kakambal.
"[Seung.]" Kinalma ko muna ang aking sarili bago ito kausapin.
"Bakit?"
"[May shooting ako malapit sa lugar niyo...]"
"Ano ngayon?" Putol ko dito. Paniguradong mangungulit lang siya dito.
"[Pwede ba akong...]" Alam ko na ang sasabihin nito na gusto niyang pumunta dito kaya naman binabaan ko na siya ng tawag.
Wala pang Isang segundo ay tumawag ulit ito.
"[Nandito na ako sa labas.]" Sa tono ng kanyang pananalita ay parang nang aasar pa ito.
"Pwede ba? Umalis ka na? Wag mong susubukan na pumasok sa loob kundi lagot ka sa akin!" Sigaw ko dito.
"[Pero nasa loob na ako.]" Aish! Gumagawa talaga siya ng paraan para mainis ako!
Bwisit!
Bakit ko ba siya naging kapatid!
Isipbata!
Palabas na sana ako ng kwarto nang may kumatok. Pinagbuksan ko ito at bumungad sa harap ko ang isang lalake.
"I am Mr. Hyun, manager ako ni Tae Ah. Pwede ba kitang makausap?" Mukhang nakarating na sa manager niya ang nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...