Midnight Date

466 23 0
                                    

Ami's POV:

"We're here." Excited niyang saad habang ako heto nanlalamig ang kamay at pinagpapawisan.

"Hmm.. Mr. Song." Lumingon ito sa akin at seryoso ang ekspresyon nito.

"Hanggang kailan mo ba ako tatawaging Mr. Song?Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na. Bakit hindi mo ako tawaging Bae, Babe, o kaya Hon o Love? What do you think?" Hindi ko maiwasan ang mapanganga sa mga sinagest niyang endearment.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Wait. Wag mong sabihin na hindi mo pa ako tinuturing na boyfriend mo?" Aniya.

"Hindi mo pa naman ako nililigawan ah?" Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila namangha ito sa sinabi ko.

"Wow. We've already kissed. Wala lang ba yun sayo? Woah." Aniya na tila nagpipigil ng inis. Naririnig ko din ang mahina nyang pagmumura sa hangin dahil sa sinabi ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa sa reaksyon niya.

"Yah! Ami!" Pinigilan ko naman kaagad iyon at pinilit kong sumeryoso.

"Ano tingin mo sa akin? Easy to get? Ligawan mo muna ako bago kita sagutin." Saad ko dito. Napatango naman ito.

"OK. Tignan natin kung Hindi kita mapa Oo sa gagawin ko." Aniya at bumaba na ito ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko ay sabay kaming pumasok sa loob ng building.

Naramdaman kong muli ang kaba sa dibdib ko ng buksan niya ang pintuan ng kanyang tinutuluyan.

"T-teka? A-akala ko ba liligawan mo ako? Ba-bakit mo ako dinala dito?" Ngumisi ito ng nakalaloko.

"You know that I am impatient person Ami. At ayoko ng Hard to get." Aniya at tinulak ako papasok sa loob. Narinig ko pa ang paglock nya ng pintuan na tila naninigurado siya na hindi ako makalalabas ng apartment na tinuluyan niya.

"Soundproof naman itong room ko kaya walang makakarinig ng ingay natin." Lalong dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Te-teka Bae. Baka pwede naman nating pag usapan ito. Oo gusto din kita. Inaamin ko pero wag tayong magmadali? Huh? Bata pa naman tayo di ba? May mga pangarap.Hehe." I did my best para hindi maging awkward ang sitwasyon pero bigla niya akong binuhat patungo ng sofa.

"What do you want? Hard or soft?" Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko dahil sa tanong niya.

"Ba-bahala ka" Takte! Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko?

"Ok. Wait. May kukunin lang ako sa kwarto. Be ready." Kumindat pa ito at tumungo sya sa kwarto niya. Mabilis akong napaupo. Hindi ko mapigilan ang mapangatngat ng aking kuko.

Ano ba yung kukunin niya sa kwarto?

Hindi kaya..

ay! Erase!

Ang dumi naman ng utak na ito.

Ilang saglit lang ay lumabas na ito at may hawak na gitara at sinimulan nading kumanta.

Heto ba yung gusto niyang gawin?

Nasa tono naman ang gitara pero yung boses niya ang wala sa tono.

"Pft!" Kanina pa talaga ako nagpipigil ng tawa dahil sa boses niya.

Mabuti nalang talaga soundproof itong tinutuluyan niya kung hindi baka dinemanda na siya ng mga katabing tenant dahil sa basag niyang boses.

"Sabi ko na nga ba hindi talaga ako pang music." Aniya matapos niyang kumanta.

"Oo na. Hindi na ako magaling kumanta. Sige na. Ilabas mo na yang tawa mo baka sa iba pa lumabas iyan." At tulad ng sabi niya ay tumawa na nga ako.

"Sorry. H-hindi ko mapigilan. Haha." At hinayaan niya na lang akong tumawa.

"Ang tawag don effort." Aniya at tumungo siya sa kusina at nagsuot ng apron. Tumigil na ako sa pagtawa at sinundan siya sa kusina.

"Alam kong fail ako sa pagkanta kaya naman lulutuan nalang kita." Aniya. Kumuha siya ng kaserola at nilagyan iyon ng tubig at sinalang sa kanyang electric stove.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko dito.

"Tadaa!" Aniya at inilabas ang dalawang pakete ng instant noodles.

"Ramen?" Akala ko naman kung ano.

"Akala ko naman kung ano. Kahit five years old kayang lutuin iyan. Isa pa, hindi ba ayaw mo ng ganyang klase ng pagkain? Akala ko ba health concious ka?" Ang lakas ng loob niyang sawayin kami na wag kaming kakain ng mga instant noodles tapos siya pala itong may ganito sa bahay.

"Binili ko talaga ito para sayo. Napansin ko kasing sarap na sarap ka sa noodles na binili natin sa convience store nung nakaraang araw kaya naman bumili ako ng isang box. Para kapag pumunta ka dito ay may kakainin kang noodles." Napakagat labi ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam na may ganitong side pala sya.

"Luto na." Kumuha siya ng chopstick. Hinalo niya muna iyon bago kumuha ng noodles. Hinihipan niya iyon bago isinubo sa akin.

"Hmm.. Ang sarap." Saad ko dito.

"Syempre ako ang nagluto." Aniya.

"Tss, Nagpakulo ka lang naman ng tubig." Pang aasar ko dito.

"May halong pagmamahal kaya yan."

Sabihin niyo nga kung paano ba magpigil ng kilig?

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko dito ng mapansin ko na ako lang kumakain ng niluto niyang noodles. Hindi ito sumagot bagkus ay ngumanga lang ito na tila hinihintay niya na subuan ko siya.

"Nakakangalay naman." Reklamo pa niya kaya naman sinubuan ko na siya. Kumuha din ako ng noodles at sa hindi inaasahan ay magkarugtong pa ang pasta na kinakain namin.

Puputulin ko sana pero pinigilan niya ako at sa halip ay kinain niya iyon habang papalapit ang mukha niya sa akin.

Nang marating niya ang labi ko ay hindi na nya ito pinakawalan pa. Hinalikan na niya ako. Naramdaman ko ang kamay niya na gumapang papunta sa aking bewang at iniupo ako sa mesa nang hindi natatanggal ang kanyang mga labi sa akin.

Bakit ba parang naadik ako ngayon sa mga halik niya?

Ilang sandali lang ay kumalas na ito. Pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa ginawa namin.

"Apple or Pineapple?" Tanong niya sa akin. Napakunot noo ako sa tanong niya.

"Para saan?"

"Basta." Medyo iritable niyang saad. At kahit hindi ko alam kung para saan ay sinagot ko na lang iyon.

"Apple." Bigla itong nagbuntong hininga. At kinalma ang sarili.

"Para saan ba kasi iyon?" Pangungulit ko dito.

"Apple for Kiss Only and PineApple for Sleep with me." Napahawak ako sa aking bibig.

Oh my Goodness!

May ganito pala siyang side.

Tumaas ang kilay nito at tinanggal ang aking kamay sa aking bibig. Hahalikan niya sana ulit ako ng may narinig kaming katok mula sa labas.

"May bisita ka yata." Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

"Baka sa kabilang kwarto iyon." Aniya at magtatangkang muli na halikan ako nang lalong lumakas ang katok. Itinulak ko siya ng bahagya upang makababa ako sa mesa na inuupuan ko at ako na mismo ang lumapit sa pinto.

"Istorbo." Narinig ko pa ang pagsinghal niya at sumunod na ito sa akin. Siya na din ang nagbukas ng pintuan.

"Bae." Sambit ng babae na nakatayo sa labas at may bitbit na maleta.

"Ara? Anong ginagawa mo dito?"  Bigla na lamang itong umiyak sa harap ni Bae. Niyakap naman niya ito upang pakalmahin sa pag iyak.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang sumikip ng kaunti ang dibdib ko dahil sa pagyakap ni Bae dito.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon