FINALE

532 23 1
                                    

Ami's POV:

This is it. Our big day.

Matapos naming magdebut two years ago, heto na ang pinakahihintay namin.

Ang concert.

Noon, kabilang lang ako sa libo-libong audience pero ngayon, ako na mismo ang pinapanood nila.

At lalo akong natuwa nang makita ko na narito sila Mama at ang pito kong tatay para suportahan ang Concert ko. Ganun din ang parents nina Bora, Minji, Young at Seung ay narito din para suportahan sila.

Binigay namin ang best namin hanggang sa huli ng aming performance.

Masarap sa pakiramdam na pinapanood ka at naaaliw sila. Hindi ko mapigilan na maiyak kapag naiisip ko ang lahat ng pinagdaanan ng aming grupo.

Mahirap pero masaya.

"Maraming salamat. Salamat po sa pagpunta ninyo sa aming Concert. At bago kami magpaalam ay may iiwan lamang akong isang kwento sa inyo." Saad ng aming leader.

Lumapit kami sa kanya at humilera kaharap ang aming mga tagahanga.

"Alam niyo ba yung kwento ng limang daliri?" Panimula niya. Tumingin ako sa audience at lahat sila ay walang ideya sa sinasabi ni Seung.

Kahit kami ay wala ding ideya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa audience.

"Si Kalingkingan o Little finger, siya yung mahilig mang iwan ng pangako. " Aniya habang itinuturo ang hinliliit niya.

"Paborito itong gamitin ng mga nag iiwan ng pangako sa isa't-isa at kung minsan ay napapako pa ito." Paliwanag niya.

"Si Palasingsingan naman, siya yung mapagmahal. Tanda din siya ng pag iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan." Itinuro niya ang kanyang ring finger habang pinapaliwanag iyon.

Napapangiti kami sa bawat eksplenasyon niya sa daliri. Para kasi syang Kinder Garten teacher habang nagkukwento sa amin.

"Si Hinlalato naman, ginagamit siya kapag may kagalit kang tao o hindi mo gusto ang pag uugali niya. Sa madaling salita, isa siyang bitch." Dumagundong ang tawanan ng lahat ng sabihin niya iyon. Naintindihan naman namin ang gusto niyang sabihin tungkol sa middle finger.

"Si Hintuturo, pinakamatapang sa lahat. Madalas siyang gamitin ng mga tao." At kunwari ay nagturo ito ng mga audience.

"At ang huli, si Hinlalaki. Siya ang pinakapositive sa lima." At pumorma ito ng Thumbs up. Simbolo din iyon ng okay sign.

"Sa kanilang lima, sino ang madalas niyang gamitin?" Tanong niya sa audience. May kanya-kanya silang gusto sa lima.

"Kayo?" Tuon niya sa amin.

"Little Finger"-Bora.

"Index Finger."-Young.

"Middle Finger."-Minji.

"Thumb Finger." Sagot ko.

Matapos naming sumagot ay humarap muli ito sa audience.

"Sa kanilang lima, sino ang tingin niyo ay madalas na inaaway?" Parang bata niyang tanong. Kanya-kanya ulit sila ng sagot.

"Yah, ginagawa mo kaming bata sa tanong mo e." Biro ni Minji at nagtawanan na naman kami dahil sa pambabasag nito ng momento ni Seung.

"Wag kang KJ, Minji." Aniya. At pinagpatuloy muli ang kwento niya.

"Ang madalas na binubully ay si Hinlalake dahil sa height nito.." Yun pala yun.

"Madalas siyang mabully ng apat dahil naiiba ito sa kanila." Biglang sumeryoso siya sa kanyang kwento.

"Kung mapapansin niyo, nakahiwalay siya sa apat. Nag iisa lang siya. Loner." Tinuro niya ang hinlalaki niya.

Minsan pala isipan din sa akin kung bakit nahihiwalay si Hinlalake sa apat na daliri. Bakit hindi nalang sila pagdikit-dikitin? Pero narealize ko hindi ang pangit tingnan kung magkakadikit silang lima.

"Pero kahit ganun, naging matatag siya at positibo sa buhay." At muli ay pumorma ito ng thumbs up sa audience.

"At kahit inaaway na siya ay nagagawa pa din niyang yakapin sila." Pumorma na ang kanyang kamay na kamao na tila niyayakap ng hinlalake ang apat na na daliri.

"Hindi mo din mahahawakan ang isang bagay kung wala siya. Sa madaling salita, malaki ang naitutulong ni Hinlalaki sa apat." Tumingin siya sa akin.

"At ikaw iyon Ami. Ikaw ang sumisimbolo ng hinlalaki namin. Wala kami dito kung wala ka. Hindi namin maabot ito kung hindi ka kasama. Ikaw ang tinutukoy ko sa kwento." Naging emosyonal ako ng sabihin niya iyon. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I am sorry. Sorry kung hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo noon." Katulad ko ay umiyak na din ito. Hindi alintana sa kanya na naka-on ang mic niya at naririnig siya ng lahat ng tao.

Tila nahawa na din ang audience sa kadramahan namin dahil nakiiyak na din sila.

Kumalas ako at humarapbsa kanya.

"May kulang sa kwento mo." Saad ko dito.

"Si Middle finger kahit masama siya sa mata ng lahat hindi nila alam na importante sya sa lima. Hindi niya iyon nakikita dahil natatabunan siya ng  insecurities niya. Pero hindi niya alam na siya ang pinaka importante sa lima. Pinakamatangkad siya at Kaya nga nasa gitna siya dahil siya ang tumatayong leader. At ang leader ay tinitingala ng lahat ng miyembro at pinakamatapang sa lima." Naputol ko pa ang sasabihin ko dahil sa luhang tumatahak sa aking pisngi at mumunting hikbi ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.

"Seung, ikaw ang leader namin at kami ang miyembro mo. Importante ka sa amin. Wag mong isipin na balewala ka. Mahalaga ka katulad ni Middle finger." Napuno ng emosyon ang buong paligid.

Niyakap niya akong muli.

"Bakit ba kayo nagpapaiyak ng audience!" Ani Young. Umiiyak na din ang tatlo dahil sa amin.

"Lahat naman ng daliri importante ah. Kayo talaga! " Biro ni Minji at nakiyakap na sa amin. Ganun din ang ginawa ng dalawa. Sa madaling salita ay nakagroup hug na kami.

Ilang minuto din ang tumagal ng aming yakapan bago namin naisipan na humarap sa aming audience.

"Salamat. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa amin. Sana hanggang huli ay suportahan niyo kami." Ani Seung at sabay-sabay kaming nagbow sa harap nila bilang pasasalamat.

Pero hindi basta-bastang bow iyon dahil lumuhod pa kami at halos halikan ang lupa sa aming pagbow sa mga tao.

This Moment of my life.

I will treasure it, Until the end.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon