Ami's POV:
"Ami, ok kalang? Kanina ka pa tulala." Puna ni Minji sa akin habang kumakain kami sa Canteen.
Balik na kami sa normal na training. Madalas din akong natutulala dahil naiisip ko padin ang nangyari sa akin kahapon.
Pilit kong iniisip kung sino yung lalakeng humalik sa akin. At ni isang clue ay wala akong hawak.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang problema kong ito dahil paniguradong aasarin nila ako at isa pa, nakakahiya iyon. Baka sabihin nila kung kani-kanino lang ako nagpapahalik.
"Omo!" Bulalas ni Bora.
"Totoo ba itong nakikita ko?" Katulad ni Bora ay tulala din si Young. Napatingin ako sa paligid at tila nanigas ang lahat ng tao dito sa Canteen.
Ilang saglit lang ay may nakatayo ng lalake sa gilid ko at inabutan ako ng bulaklak.
"Ji Seu." Ani Bora.
Kaya naman pala.
"Hi." Nakangiti niyang saad sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
"Flowers." Aniya.
Napatulala ako sa presensya niya.
Pero bago pa man ako makapagsalita ay mahinang tadyak ang natanggap niya kay Seung na katapat ko lang sa upuan.
"Aw!" Mahina niyang sabi habang napaluhod dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.
"Hindi ba ang sabi ko wag kang magpapakita sa akin? Mahirap bang intindihin iyon?" Mahina niyang saad. Halata sa boses niya ang pagkairitable sa kanyang kapatid.
"Ano ba! Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito! Si Ami." Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Yah, alam na namin yung tungkol sa inyo ng kapatid mo kaya tigilan mo na ang acting mo." Ani Minji dito.
"Pwede bang magpa autograph?" Mabilis namang inilahad ni Bora ang Piraso ng tissue at ballpen. Number o e fan nga itong si Bora ng lalakeng ito. Kahit tissue, hindi pinatawad para lang makahingi ng pirma.
Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Pinagbigyan niya ang hiling ni Bora.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Medyo iritable kong saad.
"May meeting ang mga boss natin kaya sumama na din ako para makita si Seung." Aniya.
"Akala ko ba si Ami ang pinunta mo?" Ani Seung.
"Iniinom mo ba yung vitamins na ibinigay ko sayo?" Pag iiba niya ng usapan. Umirap lang ito sa kanya.
"Inumin mo iyon, maganda sa katawan iyon. At heto, bumili din ako ng smiling facial mask. Para naman kahit sa mask ay magmukha kang nakangiti." Sarkastiko nitong saad sa kanyang kapatid at iniabot ang dala nitong paperbag.
"Tss.." Tanging reaksyon lang nito sa kanyang kapatid.
Sana paglumaki si Little Monie ay ganito din siya kasweet sa akin. Yung tipong inaalala ka niya kahit busy kayong dalawa.
"Tara na girls. Magsisimula na ang practice. At ikaw, umalis ka na." Nagsitayuan naman kami.
"Wait, pwede ko bang kausapin si Ami?" Paalam niya kay Seung.
"Bakit? Anong sasabihin mo?" Tanong ko dito.
"Basta. Ibabalik ko siya agad." Aniya at mabilis na kinuha ang kamay ko at hinila palayo sa mga kagrupo ko.
"Ano bang sasabihin mo? Bakit dinala mo ako dito?" Dinala niya ako sa may fire exit ng aming building kung saan walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.
"Teka! Seu. Ano ba yang ginagawa mo? Tumayo ka nga." Pilit ko siyang tinatayo sa kanyang pagkakaluhod.
"Ami. Nakataya ang pride ko dito kaya makinig kang mabuti." Seryoso nitong saad. Umangat siya ng tingin sa akin.
"Kahit isang buwan lang. Be my Girlfriend." Napanganga ako sa sinabi niya.
"Ano bang kalokohan ito? Tigilan mo ako ah." Suway ko dito.
"Seryoso ako. Buhay ko ang nakasalalay dito kaya please? Kahit isang buwan lang. Huh?" Aniya.
"Tumayo ka nga!" Naiinis na talaga ako.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag." Aniya.
"Gusto mong patayin ka ng mga tatay ko? Alam mo ba yang sinasabi mo?" Kapag nalaman ito ni Papa hindi ko na alam kung anong gagawin niya.
"Alam na kasi ng mga kamag anak ko na may girlfriend na ako at ikaw iyon. Madidisappoint sila kapag nalaman nilang hindi iyon totoo." Saad nito.
"Edi sabihin mo na nagkamali ka lang.."
"Hindi pwede." Putol niya.
Bakit ba ang bigdeal nito sa kanya?
"Sige na Ami. Please? Kahit isang buwan lang huh? Pagkatapos ng isang buwan pwede mo na akong ituring na estranghero. Sige na. Huh?" Aniya habang nakaluhod pa din.
"Hindi talaga pwede. Magagalit ang Papa ko." Pagmamatigas ko.
"Kakausapin ko ang Papa mo. Makikiusap ako sa kanya." Tumayo ito at determinado talaga siyang maging girlfriend ako.
"Baliw ka ba? Alam mo ba yang sinasabi mo?"
"Oo. Tara. Samahan mo ako sa Papa mo.Saan ba sya nagtatrabaho?" Naparolyo ang mata ko.
"Nasa Office siya. Puntahan mo kung kaya mo." Saad ko dito.
"Anong ibig mong sabihing nasa Office?" Naguguluhan niyang tanong.
"Si Mr. Kim ang Papa ko." Napanganga ito sa sinabi ko.
"Mr. Kim?" Tumango ako.
"Oo. Si Mr. Kim Namjoon." Matigas kong saad dito.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...