Seung's POV:
"Ano bang problema niya? Akala ko ba peke lang? Bakit hinalikan niya si Ami?" Ani Young habang nasa practice room kami at dahil break time namin ay naisipan nilang panoorin ang conference ni Sue.
"Oppa! Paano mo nagawa ito sa akin!" Kanina pang hindi tumitigil sa pag iyak si Bora ng makita niya ang picture ni Seu na hinalikan nito si Ami.
"Kawawa naman si Ami. Dahil sa kasakiman ng isa diyan ay nadamay tuloy siya." Hindi ko maiwasang tingnan ng masama si Minji dahil sa sinabi niya. Alam ko namang ako ang tinutukoy niya.
Tumayo ako at lumabas na lamang ng kwarto. Hindi ko alam ang pwede kong magawa kapag nagparinig pa siya sa akin.
Nagtungo ako sa rooftop ng gusali at doon ay nagpahangin ako.
Inilabas ko ang isang stick ng sigarilyo. Sisindihan ko sana kaso bigla kong naalala si Loxe. At dahil doon ay naisipan ko nalang itapon iyon.
Pababa na sana ako ng mapansin kong hindi lang pala ako ang tao dito sa rooftop. Naagaw ng atensyon ko ang lalakeng may hawak ng beer in can at sa gilid niya ay nagkalat ang iba pang yuping lata. Palagay ko ay nasa Walong piraso na iyon.
Lumapit ako dito at naging malinaw na sa akin ang lahat ng makita ko siya.
"Alam mo bang bawal ang magdala ng alak dito sa BH building? Paano ka nakadala niyan? Alam ba yan ng manager mo? Gusto mong isumbong kita kay Mr. Kim?" Sermon ko dito subalit tila wala siyang naririnig sa aking sinasabi at tuloy pa din ang pagtungga ng inumin.
"Yah! Nakikinig ka ba?" Inis kong saad dito at inagaw sa kanya ang hawak niyang beer. Lumingon ito sa akin at pulang-pula na ang mukha niya dahil sa dami na ng kanyang nainom.
"Loxe. Tama na. Lasing ka na. Itigil mo na ito."
"Ayoko! Ayokong tumigil!" Sigaw niya sa akin. Medyo natulala ako sa pagsigaw niya pero agad ko ding nabawi ang aking diwa. Hindi na yung alak ang tinutukoy niya kundi ang nararamdaman niya para kay Ami.
"Tanggapin mo nalang na kaibigan lang ang tingin niya sayo. Wag kang magpakatanga." Prangka kong saad dito.
"Seung, walong taon. Walong taon kong hinintay ang pagkakataon na ito tingin mo palalampasin ko na lang iyon ng basta-basta?" Sa puntong ito ay unti-unti ng tumatakas ang tubig na nagmumula sa kanyang mata.
Ngayon lang ako nakakita ng lalake na umiiyak sa aking harapan.
Bumuntong hininga ako at seryoso ko syang tiningnan.
"May mga bagay talaga na kahit matagal mo ng hinintay ay hindi mapapasayo." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Dahil sa pagyakap ko ay hindi na ito nagalinlangan pa na umiyak sa balikat ko. Hinaplos ko ang kanyang likod dahil iyon lang ang paraan ko upang icomfort siya sa nararamdaman niya.
"Hindi sa lahat ng bagay lagi tayong nananalo, dumadating talaga tayo sa punto na kailangan na nating sumuko." Saad ko dito. Hinihintay ko na may sasabihin pa ito.
Napakunot noo ako ng maramdaman ko na hindi ito gumagalaw sa kanyang pwesto at tila ay natahimik na ito.
"Loxe." Pinilit ko na kumalas sa pagkakayakap niya sa akin subalit bigla niya akong ibinalik sa pagkakayakap sa kanya.
Dahil doon ay bumilis ang kaba sa aking dibdib.
"Five minutes." Maikli niyang saad at hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. At dahil doon ay hinayaan ko na lamang ito na yakapin ako.
Ano ba itong nararamdaman ko.
Bakit sa tuwing makikita ko siya ay lagi ko itong nararamdaman?---***---
Ami's POV:
"Ami." Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko kaya naman pinaliparan ko na siya ng malakas na sampal habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Tingin mo nakikipaglaro ako? Tingin mo nakakatuwa itong ginagawa mo? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang nakakaharap ko dahil dito sa pekeng relasyon na ito?" Nanginginig pa ako sa galit habang sinasabi iyon.
"Ami, I'm sorry." Sambit niya.
"Sorry? Anong sorry? Nakakainis ka!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya dahil sa inis ko dito. At ilang sandali lang ay pinigilan niya ang kamay ko sa paghampas sa kanya. Kumakalas ako sa pagkakahawak niya subalit masyado iyong mahigpit.
"Gusto kita, Ami." Napatigil ako sa pag iyak ng sabihin niya iyon.
"Mali. Hindi pala kita gusto, Mahal na kita Ami." Seryoso niyang saad sa akin. Tila nanlambot ang kamay ko dahil sa narinig ko kaya naman binitawan na niya ako.
"Itigil na natin fake relationship, gusto kong totohanin na natin." Aniya bago pinatakbo ang sinasakyan namin. Napakagat na lamang ako sa labi sa inis ko sa kanya.
Hindi ko siya kinausap sa sasakyan hanggang marating namin ang dorm. Bumaba ako at dire-diretsong pumasok sa loob ng gusali.
"Ami, wait." Humabol ito sa akin at hinablot ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman binitawan na niya kaagad ako.
"One week. Kapag hindi nag work out hindi ko na ipipilit pa Just give me one week." Maikli niyang pahayag at lumakad na pabalik sa kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...