Ara's POV:
"Ano? Weak ka pala e." Pang aasar ko dito habang kausap ko siya sa phone ko at pababa na ng taxi.
Pambihira naman. Binigyan ko na nga sila ng moment kahapon tapos wala lang nangyari?
Why so torpe bro? Why?
"Lalake ka ba talaga? Bakit ang bagal mong dumiskarte?" Pang aasar ko pa dito. Kasalukuyang dinadaan sa malaking scanner ang gamit ko papasok sa airport.
"Oh siya, may work pa ako. Basta balitaan mo ako kapag may progress na yang katorpehan mo huh?" Saad ko dito at ibinaba ko na ang tawag.
Kahit kelan talaga.
Mahina.
"Good Day Ms. Jong."
"Good Day!" Masigla kong batibsa bawat flight attendant na nakakasabay ko na naghihila ng kanya-kanyang bagahe.
"Totoo bang break na kayo ni Mr. Pong?" Napangisi ako sa tanong ng kasamahan ko.
Mga chismosa talaga.
"Oo. Nahuli ko siyang may kalandian na flight attendant na foreigner." Walang gana kong saad dito.
"Ok ka lang? Kaya mo bang makita siya?" Aniya habang paakyat na kami ng eroplano at inaayos na ang mga gamit sa loob. Mamaya ay aakyat na ang mga pasahero.
"Oo naman. Ayos lang ako." Maikli kong saad dito habang chine-check ang bawat upuan sa eroplano.
"Ms. Jong, sa First Class po kayo naka assign." Aniya.
"Ok." Maikli kong saad dito at mabilis na lumipat patungong First Class.
"Welcome Sir. Ako na po ang bahala sa gamit niyo." Magalang kong saad at kinuha ko ang gamit nila para ilagay sa compartment.
"Jong Ara?" Napalingon ako sa lalakeng tumawag sa pangalan ko.
"Oh? Ji Sue? I mean, Mr. Ji." Muntik na akong makalimot na nasa trabaho ako at dapat maging professional ako sa harap ng aming mga pasahero.
"What a coincident. Anyway, nice meeting you here." Aniya.
"Yeah. Nice to see you too." Saad ko at itinuro ko sa kanya ang kanyang upuan.
"Bagay sayo yung uniform na suot mo." Aniya.
"Thank you. Anyway, may fan meeting ka ba na out of the country?" Tanong ko dito.
"Ah, hindi. Cast Outing lang." Kapag malapit ng matapos ang isang project o drama ay nagkakaroon sila ng Farewell Vacation kumbaga Company Outing para sa mga Cast and Staff.
Madami na akong naeencounter na ganito sa eroplano. Hindi na ito bago sa akin.
"Enjoy." Maikli kong saad dito at tumungo na sa aking pwesto dahil ano mang oras ay lilipad na ang aming sinasakyan.
"Ara, Can we talk?" Napairap ako sa lalakeng nakatayo sa aking harapan.
"Mr. Pong, nasa trabaho po tayo." Magalang kong saad dito kahit sa isip ko ay nagpipigil na akong maiyak.
"I don't care. We need to talk." Aniya at hinawakan ng mahigpit ang braso ko at ipinasok ako sa Comfort Room ng eroplano.
"Bitawan mo nga ako!" Mahina kong saad dito pero halatang may inis sa tono ng boses ko.
"Believe me, siya ang nagfirst move hindi ako. Pinilit niya lang ako." Aniya.
"Ah! Pinilit ka pa sa lagay na iyon? enjoy na enjoy mo nga ang makipag halikan sa kanya. Para nga akong nanunuod ng rated R dahil sa sobrang passionate ng kissing scene niyo tapos pinilit ka lang? Wow. Sa lahat ng kasinungalingan na narinig ko iyan ang pinaka matindi." Sarkastiko kong saad dito. Biglang nagbago ang awra nito matapos kong sabihin iyon.
"Ano bang ginagawa ko? Tss, bakit ba ako magmamakaawa sa harap mo? Tss, alam ko namang katawan ko lang ang habol mo. Sige, ibibigay ko. Gusto mo dito na natin gawin." Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
Ang lakas ng loob.
"Ang kapal mo ah? Tingin mo sa akin basta-bastang babae?" Medyo malakas na ang boses ko at hindi ko na napigilan na sabihin iyon sa harap niya. Wala na din akong pakialam kung mas mataas ang posisyon niya sa akin.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang damit ko at pilit na binubuksan ang unang butones ng aking damit.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko dito.
"Wag ka ng umarte, alam kong gusto mo din ito." Aniya habang pilit kong pinipigilan ang kamay niya subalit malakas ito kaya naman agad niyang nasira ang suot kong damit.
Naramdaman ko na may luha ng tumatakas sa aking mata dahil sa sitwasyon ko. Napapikit na lamang ako. Wala akong magawa lalo na at nakakulong kami sa Comfort room.
Ilang saglit ang ay malakas na kalabog ang narinig ko. Binuksan ko ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay ang nakahandusay sa sahig na si Mr. Pong at may dugo na sa kanyang ilong.
"Ok ka lang?" Tila natulala pa ako sa mga pangyayari at hindi ko kaagad napansin ang lalaking nasa harapan ko.
"Ara, are you Ok?" Tanong niyang muli. Tumingin ako sa mata niya. Muli ay napaiyak na ako ng malakas at niyakap ko ito.
---***---
Seu's POV:
"May nag aaway ba sa banyo?" May halong kuryusidad na tanong ng aking kasamahan matapos naming marinig ang ingay na nagmumula sa banyo.
Tumayo ako upang silipin iyon. Nakaawang ng kaunti ang pintuan ng banyo kaya naman nasilip ko kung sino ang naroon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ara at ang lalake na tila may gagawing hindi maganda dito.
Tila nandilim ang paningin ko dahil sa nakikita ko. Malakas kong binuksan ang pintuan at hinila ko ang lalake. Pinaliparan ko ito ng malakas na suntok dahilan upang humandusay ito sa sahig. Nagsilapitan na din ang ibang crew ng eroplano.
Pumasok ako ng banyo at lumapit kay Ara na ngayon ay tulala sa kanyang pwesto.
"Ok ka lang?" Tanong ko dito pero hindi ito sumasagot.
"Ara, are you Ok?" Sa pangalawang tanong ko ay tumingin na ito sa akin at malakas na ngumawa ng iyak at yumakap ng mahigpit sa akin.
Paniguradong takot na takot siya sa ginawa ng lalakeng iyon.
"Wag ka ng umiyak." Saad ko dito. Tinanggal ko ang suot kong coat at itinabing ko iyon sa kanyang unahan. Napunit kasi ang damit niya at kita na ang kaluluwa niya. Walanghiyang lalake iyon. Dapat sa kanya tinatanggal sa trabaho.
"Ok na ako. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Aniya matapos ko siyang paupuin sa aking pwesto.
"Hindi. Diyan ka lang. Magpahinga ka. Ako ng bahala ang magsabi sa mga boss mo." Madiin kong saad dito. Mukhang masunurin naman ito dahil nanatili lang ito sa kanyang pwesto.
"Unnie, gamitin mo muna ito." Saad ng kasamahan kong crew at iniabot nito ang damit kay Ara na walang alinlangan niyang tinanggap.
"Sasamahan na kita." Bigla kong sabi dito.
"Hindi na. Kaya ko na." Aniya at mabilis na tumungo sa banyo.
"Sue, why so protective? Baka mamaya magselos ang girlfriend mo dahil sa flight attendant na yun." Saad ng co-actor ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dahil siguro sa pangyayari kanina kaya parang gusto ko siyang protektahan.
Yun lang iyon.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...