Ami's PoV:
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Sue sa akin ng marating namin ang restaurant.
"Kahit ano. Ikaw ang bahala." Tipid kong sagot dito.
Naghanap kami ng mesa kung saan pwede kaming magkakasamang lahat.
"Sorry po Ma'am, pang apatan na tao na lang po per mesa ang meron kami. Sorry po." Narinig kong saad ng waitress na kausap ng Fiancé ni Mr. Song.
Humarap ito sa amin at ngumiti.
"Ok lang ba kung magsplit tayo ng dalawang group?" Tanong niya sa amin. Tumingin ako kay Mr. Song pero katulad ng lagi niyang ekspresyon ay seryoso lang ito.
"Ok lang." Ani Seung.
"Ji Seu, pwedeng kayo nalang ng girlfriend mo ang kasama namin sa mesa? Ok lang ba sa inyo?" Aniya kay Ji Sue. Tumingin sa akin si Ji Sue at inakbayan ako.
"Sure." Aniya. Pumwesto na kami sa aming mesa. Katabi ko si Sue at katapat ko naman si Mr. Song.
"How romantic naman. Napanood ko yung presscon mo. Ang cute niyong dalawa." Aniya habang kumakain kami.
"Ah, thank you. Anyway, Hindi ko alam na may girlfriend na pala si Mr. Song. Masyado kasi siyang Mysterious." Ani Sue dito.
"Correction, Fiancé niya ako. Well, pinagkasundo kami ng parents namin. By the way, may upcoming movie ka hindi ba? Wow. I am so excited na mapanood yun. Fan mo kasi ako." Aniya.
"Ano nga palang work mo? Curious ako. Ang tangkad mo kasi at maganda. Are you a model? What company?" Mukhang natuwa ang fiancé ni Mr. Song nang puriin siya ni Sue.
"Ayt! Ano ka ba! Madami ngang nagsasabi na para daw akong model. Nakakatuwa naman at galing pa sayo. By the way, Flight Attendant ako." Aniya na tila nahihiya pa.
"Wow. Bagay sayo yung work mo." Aniya.
Marunong pala siyang mambola ano?
Sige. Usap lang kayo.
Kunwari wala kami.
"Ami, try mo ito. Masarap ito." Mukhang napansin niya na hindi lang sila ang tao sa mesa.
Iniabot sa akin ng fiancé ni Mr. Song ang pagkain kaso bigla itong nadulas sa kamay niya at nahulog sa damit ko.
"Omo! I am sorry! Hindi ko sinasadya." Aniya at tumayo papunta sa akin para punasan ang damit ko.
"Ok lang. Ako ng magpupunas." Saad ko dito.
"Sure ka?" Tumalikod ito sa akin at pabalik na sana sa upuan niya ng matabig naman nito ang tubig ni Mr. Song dahilan upang mabasa ang pants ni Mr. Song.
"Omo! Oppa! Sorry. Ano ba iyan. Napaka clumsy ko talaga. Sorry." Aniya dito.
"Sa washroom lang ako." Paalam ko kay Sue at mabilis akong pumunta ng washroom.
Tsk.
Ang dumi kong tingnan. Halata yung mantsa ng pagkain sa damit ko. Kahit anong pilit kong tanggal doon ay ayaw matanggal.
Abala kong tinatanggal ang mantsa sa damit nang maramdaman ko na may nagsuot ng coat sa akin.
Napatalon ako sa aking gulat. Tumingin ako sa repleksyon ko at sa kanya.
"Mr. Song? Anong ginagawa niyo dito? Pambabae dito." Baka mamaya may pumasok na tao. Tila hindi niya ako narinig. Pinaharap niya ako sa kanya at isinuot ang coat niya sa akin. Isinara na din niya ang mga butones nito.
"Ayan. Hindi na halata." Tumingin ako sa suot kong coat. May kalakihan iyon ng sukat pero bumagay naman sa suot ko. Parang naging style na.
"She's just a friend." Sambit niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"ah, okay." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pahakbang na sana ako paalis ng bigla niyang hawakan ang bewang ko at hinila palapit sa kanya. Tila na estatwa ako sa ginawa niya. Naramdaman ko din ang lagi kong nararamdaman tuwing makikita siya.
Masyadong malapit ang katawan namin sa isa't-isa. Sinubukan kong umusod ng kaunti subalit nilock niya ang kanyang mga kamay sa aking likod. Sa madaling sabi, nakayakap na siya sa akin.
"M-Mr. Song." Sambit ko habang nakaiwas ng tingin dito. Pakiramdam ko ay ang init ng paligid.
"Pinagkasundo kami pero hindi namin mahal ang isa't-isa. Naging magkaibigan kami without benifits. She is a good friend of mine. Wala kang dapat ikaselos." Ano? Ako nagseselos? Napalingon ako ng wala sa oras sa kanya at nilakihan siya ng mata pero ngumiti lang ito.
"See? Finally, tumingin ka na sa akin." Aniya.
"Hindi ako nagseselos at pwede ba? Bitawan mo nga ako." Saad ko dito pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya at seryosong tumingin sa akin.
"Ami,Nagseselos ako." Sambit niya.
Napakagat labi ako ng sabihin niya iyon habang nakatingin sa labi ko.
Bakit parang hindi ako makahinga ng maayos?
Dahan-dahan siyang yumuko at papalapit na ang labi niya sa akin. At ilang inches na lang ay magdidikit a ito nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis siyang kumalas sa akin at nagtago sa likod ng pintuan ng banyo.
"Sira ba yung doorknob nito? Kanina pa ako pabalikbalik." Narinig kong saad ng babae na pumasok ng banyo.
Woah.
Muntik na.
Teka? Ano bang iniisip ko?
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...