Ami's POV:
"Girls. Remember, hanggang 10 pm lang tayo huh? May rehearsal pa kayo bukas." Paalala ni Mr. Shin ng marating namin ang hotel kung saan ang venue ng party.
Hindi namin maiwasan ang mamangha ng makapasok na kami sa loob ng hall. Malawak iyon at madami din guest.
Ngayon lang ako nakadalo ng ganitong pagdiriwang. Sa tuwing may party kasing pupuntahan sila Papa ay hindi ako sumasama.
At Tingin ko ay puro professional at mayayaman ang mga taong inimbitahan dito. Mula sa kanilang magarbong suot hanggang sa kanilang mga kilos ay mapapansin mo na may class sila.
"Ami!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa aking pangalan. Mabilis itong lumapit sa akin at nakipagbeso sa akin.
Simple lang ang suot niya pero eleganteng tignan. Lalong lumabas ang kagandahan niya dahil sa suot niyang dress.
"Halina kayo. Ipapakilala ko kayo sa Lolo at lola ko." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa lugar ng kanyang lolo at lola.
"Lola, Lolo. Sila yung mga bisita ko from BH agency." Pakilala sa amin ni Ara sa kanyang lolo at lola. Agad naman kaming nagmano bilang paggalang sa kanila.
"Happy Anniversary po." Sabay-sabay pa naming bati sa mga ito. Nakita namin ang galak sa mukha ng mag asawa.
"Ang gaganda naman ng mga bisita mo Ara." Puri sa amin ng kanyang lola.
"Syempre. Maganda ang apo niyo kaya dapat maganda din ang mga kaibigan." Pabiro nitong sabi.
"Hi Lola!" Napagilid kami nila Seung nang may lumapit na babae sa mag asawa at hinalikan niya ito. Tingin ko ay apo din ito.
"oh? Gloria." Sambit ng ginang sa babaeng nakasuot ng dress na napaigsi at halos makita na ang hinaharap nito. Sopistikada din itong tingnan.
"Happy Anniversary sa inyo ni Lolo. Heto nga po pala ang gift ko." Iniabot nya ang dala niyang box.
Agad namang binuksan ng mag asawa ang regalo niya dito.
"Jusme!" Gulat ng ginang nang makita niya ang ibinigay ng apo habang tuwang-tuwa ito sa kanyang ginawa.
Adult toy kasi ang ibinigay ng babae sa mga ito.
"Hoy Gloria. Hindi ka nakakatuwa." Sa boses ni Ara ay mahihinuha ang inis niya dito.
"Why? Mag asawa naman sila and they need it para naman tumigas ulit ang mg buto nila." Tila wala kami sa harapan nila ng dampian niya ito ng malakas na sampal na ikinagulat namin.
Mukhang hindi sila magkasundo.
"Ano bang problema mo? Ikaw ba ang niregaluhan ko?" Sigaw nito na napukaw ang atensyon ng lahat dahil sa pag e-eskandalo niya.
"Kahit na! Hindi mo na ginalang ang lolo at lola." Galit nitong saad.
"Oh! So, Masama pala akong apo? At ikaw? Mabuting apo ganun?" Sarkastiko nitong saad.
"Wow. Ang galing mo din ano? Pwede ka ng mag artista Ara. Tama na ang pagiging good girl. Hindi bagay sayo." Bakas sa mukha ni Ara na nagpipigil ito ng inis sa babaeng nagngangalang Gloria.
"Oh? Sinama mo pala ang girlfriend niya? How sweet." Ngayon ay ako naman ang binalingan niya ng tingin. Lalapit sana ito nang bigla siyang higitin ni Ara pabalik sa kanya.
"Tumigil ka na." Pigil niya dito. Malakas namang inihawi ng babae ang kamay ni Ara sa kanyang braso.
"Bakit? Nahihiya ka bang malaman niya? Nahihiya ka ba na malaman niyang nilalandi mo ang boyfriend niya na si Ji Sue kahit na may Fiancé ka na?" Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa amin ngayon at bakas sa mukha nila ang gulat sa sinabi ng babae. May iba pa na bumulong bulong sa kanilang mga katabi.
"Ano? Natahimik ka yata? Kasi alam mo na totoo ang sinasabi ko." Sasampalin sana siya ni Ara nang biglang may ginang na pumigil dito at si Ara ang sinampal nito.
Tila nanunuod kami ng isang heavy drama na tungkol sa pamilya dahil sa eksenang ginagawa nila.
"Totoo ba ang sinabi ng pinsan mo? Totoo ba!" Sigaw nito sa kanya. Palagay ko ay siya ang Ina nito.
Tumingin ako kay Ara na ngayon ay namumula na ang mata at pinipigilan na bumagsak ang luha sa kanyang mata.
"Tita. Tama na po. Walang katotohanan ang sinasabi ni Gloria." Napalingon ako sa lalakeng nagpapaklma ngayon ng sitwasyon. Lumapit ito kay Ara at pinapakalma ito.
"Really? But I have plenty of evidence." Saad nito at ipinakita ang cellphone niya sa Ina ni Ara.
"Si Ji Sue yung lalakeng kahalikan niya sa beach. Malinaw na si Ara iyan. And tita, Yun ang babaeng Girlfriend ng lalakeng kahalikan niya sa picture." Aniya at itinuro ako. Muli ay nag iba ang itsura ng kanyang ina ng makita ang larawan at hindi nagdalawang isip na sampalin muli ito.
"Walanghiya ka! Hindi kita pinalaki para maging ganyan!" Aniya habang sinasktan ang anak sa maraming tao.
"Tita. Tama na po." Ani Mr. Song na pilit na pumapagitna sa mag ina.
"Oo! Ako nga ang nasa picture! Ano naman ngayon?" Tila bulkan ito na sumabog dahil sa galit. Halos maestatwa ang ina niya sa sinabi nito.
"Kayo lang naman itong gusto akong ipakasal kay Bae kahit hindi ko siya mahal. Alam niyo, nasasakal na ako sa pamilyang ito. Puro nalang image niyo ang iniisip niyo. Hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko." Hindi na niya kinaya pigilan pa ang kanyang nararamdaman at patakbo itong umalis.
"Bae, sabihin mong hindi totoo ang sinasabi ni Ara. Itutuloy niyo ang kasal hindi ba? Yun ang napagkasunduan..."
"I'm sorry po Tita. Pareho po kami ni Ara na walang nararamdaman sa isa't-isa. Sana po irespeto niyo po ang desisyon namin. May mahal po akong iba." Aniya.
Papalapit siya sa gawi ko at ikinagulat ko ang paghila niya sa akin palayo sa mga tao.
"Mr. Song." Tawag ko dito pero hindi niya ako nilingon at dire-diretso niya lang akong hinila hanggang makarating kami sa parking lot at isinakay niya ako sa kulay itim na kotse.
Nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang manibela at tumingin ng masama sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso itong tanong sa akin.
Napalunok pa ako ng laway bago ako nagsalita.
"Inimbitahan ako ni Ara." Sambit ko.
"Dapat hindi ka nalang pumunta." Sambit niya. Pumikit pa ito na parang kinakalma niya ang kanyang sarili samantalang ako ay napayuko na lamang dahil sa sinabi niya.
"Ayos ka lang?" Sa tono ng kanyang tanong ay mukhang nakalma na niya ang kanyang sarili.
Siguro ang tinutukoy niya ay ang ibinulgar ng pinsan ni Ara kanina. Ang alam kasi ng lahat ay may relasyon kami ni Ji Sue.
"Okay lang-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabilis niyang siilin ng halik ang labi ko. Natulala pa ako sa ginawa niyang iyon at tila naestatwa sa aking pwesto.
Bumilis ang kabog ng puso ko Katulad ng lagi kong nararamdaman tuwing nakikita siya.
Kumalas ito pero hindi pa din nilalayo ang mukha sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Pwes ako, hindi ako okay. Ami, mahal kita." Mahina niyang saad at muling binalikan ang aking labi pero sa puntong ito ay sumunod na ako sa kanyang mga halik. Tila isang droga ang halik niya na mahirap tanggihan. Ang halik na ito. Parang pamilyar sa akin pero hindi ko matandaan dahil pagkakaalam ko ay ngayon ko lang siya nahalikan.
At aaminin kong, sa kanya lang ako nagkaganito. Sa kanya lang ako nakipagpalitan ng halik. At ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam.
Hindi kaya, mahal ko na din siya?
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...