Ami's POV:
"Ami. Ok ka lang? Ilang araw ka ng tahimik. May problema ba?" Puna ni Minji sa akin.
Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang aming debut at ngayon ay aattend kami ng Fan Meeting namin.
Dalawang linggo nadin ang nakakalipas na hindi ko nakikita si Bae at wala akong contact dito. Nakashut down din ang kanyang SNS kaya hindi ko alam kung paano ko siya cocontact-in.
Tila mababaliw na ako sa kakaisip dito.
Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko at alam ko na siya lang ang makakasagot nito.
"Girls. Ready na ang fan meeting." Saad ng babae na nag aassist sa amin.
At kahit malungkot ako ay pinilit kong ngumiti para sa aming fans. Lumabas kami at tulad ng pangkaraniwang fan meeting ay may mga dala itong album namin at yung iba ay may Camera pang bitbit.
Pinangunahan iyon ni Seung, kasunod niya sa upuan si Minji, Ako, si Young at si Bora."
Gaya ng sabi ng Manager namin ay kailangang maging friendly kami sa mga ito. Karamihan ay puro lalake ang aming fans.
"Anong name mo?" Tanong ko sa babaeng katapat ko. Handa na akong pirmahan ang kanyang album na dala nang bigla nya iyong kunin at dumiretso kay Young. Napayuko nalang ako sa ginawa ng babae. Hindi lang siya ang gumawa nun pati ang sumunod na babae sa kanya.
Lahat ng babae ay iniiwasan na pirmahan ko ang album nila.
"Alam mo. Hindi bagay ang malandi sa hyacinth group. Sinisira mo lang ang image nila.Kung ako sayo. Habang maaga pa, mag quit ka na. Two timer." Harap-harapan na saad ng babaeng dumaan sa mesa ko.
Dahil sa sinabi niya ay lalong bumigat ang dinadala ko sa dibdib na sakit.
"Yah. Ano bang ginagawa mo dito?" Napalingon ako kay Seung na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa babaeng nagsabi sa akin ng masakit na salita.
Kinuha niya ang kanyang Mic at humarap sa aming mga fans.
"Tanong ko lang. Kaninong Fan Meeting ba ang pinuntahan niyo? Sa akin ba? Kay Minji? Kay Young? Kay Bora? Kay Ami? Kaya ba kayo nandito upang hingin ang pirma ng isa sa amin? Kung ganun naman pala ang siste edi sana nagsolo artist na lang kami at hindi kami nabuo bilang isang grupo." Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ko alam kung paano.
Mahirap kasi siyang pigilan.
"Papalampasin ko sana yung unang tumanggi sa pirma niya e. Kaso halos karamihan sa inyo ay ayaw ng pirma niya. At ikaw? Ano yung sinabi mo? Malandi? Two timer? Paano mo nasabi iyon? Nakita mo ba? Alam mo ba ang buong kwento? Nandun ka ba?" Tumayo na ako at lumapit na ako sa kanya para pigilan siya. Baka mawalan kami ng fans dahil sa mainitin niyang ulo.
"Seung, tama na. Ok lang ako." Saad ko dito.
"Hindi. Hindi ka Okay. Gusto kong linawin sa lahat na hindi ka ganung klaseng tao tulad ng iniisip nila." Aniya at hinawi ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Ang totoo niyan ako talaga ang may kasalanan. Sa akin nagsimula ang lahat. Dahil sa ugali ko kaya madaming nadamay. Para sa kaalaman niyo, kapatid ko si Ji Seu." Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat nang sabihin niya sa mga ito ang tungkol sa kanila ng kanyang kapatid.
Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon sa lahat ng aming taga suporta.
"At si Loxe? Magbestfriend lang sila ni Ami. Ang totoo niyan. Boyfriend ko si Loxe." Pag amin niya na lalong ikinagulat ng lahat.
Kahit ako ay nagulat.
"Seung. Tama na. Baka mawalan tayo ng fans sa ginagawa mong iyan." Pilot ko itong pinipigilan subalit may pagkatigasin talaga ang ulo niya.
"Wala akong pakialam kung mawalan tayo ng fans. At kung totoong fans sila dapat pantay-pantay ang tingin nila sa atin. Wala namang problema kung may Bias kayo ang akin lang, kung totoo kayong fans namin, bigyan nyo naman kami ng respeto. Kahit iyon lang." Aniya at nagwalk out.
"Humihingi ako ng paumanhin. Pagod lang siguro si Seung kaya niya nasabi iyon. Sorry." Humarap ako sa aming fans at tumango bilang paghingi ng tawad sa kanila.
"Noona. Wala kang kasalanan kaya wag kang humingi ng tawad. Sa totoo lang, dapat kami ang humingi bg sorry dahil napaka immature namin." Napalingon ako sa lalakeng lakas loob na magsalita.
"Oo nga Unnie. Sorry kung hinusgahan ka namin."
"Sorry Unnie"
"Sorry Noona."
"Sorry Ami."
Sa puntong ito ay bumigay na ang puso ko at napaiyak na lamang sa harapan nila. Mabuti na lamang at narito ang iba ko pang kasamahan upang yakapin ako para palakasin ang aking loob.
"Ok! Simula ngayon, pantay na ang suportang ibibigay namin sa inyong grupo." Sigaw ng isa naming fans at nakisang ayon naman ang lahat.
"Alright! At simula din ngayon. Madami pa kaming ibibigay na magagandang kanta para sa inyo. Yehey!" Ani Minji sa mga ito.
"Maraming salamat. Salamat sa pagtanggap niyo sa amin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyo." Masaya kong pahayag sa kanila.
---***---
"Anak? Ok ka lang ba? Bakit parang pasan mo ang daigdig dahil diyan sa ekspresyon ng mukha mo? May problema ba? May nangyari ba sa event kanina?" Sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin habang kumakain kami ng hapunan. May free time ako kaya naman pinauwi muna ako ni Papa para magkaroon kami ng family dinner.
Lumingon muna ako kay Papa na busy ngayon sa pagpapakain kay Monie bago bumalik ng tingin kay Mama.
"Wala naman Ma. Successful naman ang fan meeting. Medyo pagod lang ng konti pero ayos lang po ako." Maikli kong saad dito. Parang walang gana akong magsalita ngayon.
"Talaga ba? Yun lang ba talaga?" Tipid akong ngumiti kay mama. Kahit anong gawin kong pagtatago ng nararamdaman ko ay hindi pa din ito makakatakas sa mata ni Mama.
"Tingin ko may dapat mag usap ngayong gabi." Matapos naming kumain ay nagtungo kami sa salas upang makapag kwentuhan. Mabilis na kinuha ni Mama si Monie na karga ni Papa.
"Kanina ko pa napapansin na hindi kayo nag uusap na dalawa. Kung ano man yan. Pag usapan niyong mag ama." Ani Mama at umakyat na sila ni Monie sa itaas.
"Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na madalas kang tulala at out of focus. Si Bae ba yan?" Panimula nito. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na isa pala si Bae sa mga trainor na pupunta ng Thailand? Ano po bang sinabi niyo sa kanya? Ni hindi nga siya nagpaalam sa akin na aalis siya. Papa. May nagawa ba akong mali sa inyo?" Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
"Mahal mo ba sya?" Tumango lang ako sa tanong niya habang patuloy pa din ang pag iyak ko.
"Akala ko kapag pinaglayo ko kayo ay magfofocus ka na sa Career mo. Mali pala ako. Lalo ko lang pinasama ang sitwasyon. Wala akong ibang inisip kundi ang pag angat ng career mo. Hindi ko naisip kung ano ang mararamdaman mo sa gagawin ko." Aniya at tila tutulo na din ang luha nito habang nagsasalita.
"Alam mo namang mahal ka ni Papa hindi ba? Huli na ba upang humingi ako ng tawad sa nagawa ko?" Umangat ako ng tingin kay papa at pinilit na ihinto ang aking paghikbi upang makapagsalita ako.
"Papa. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo dahil iniisip ko na ginagawa niyo ang lahat ng ito dahil mahal niyo ako. Naiintindihan ko kayo kung bakit niyo ito na gawa kaya pinapatawad ko na kayo." Lumapit ako dito at mahigpit siyang niyakap.
"Mahal ka ni Papa. Tandaan mo yan." Sambit niya.
"Mahal ko din po kayo Papa."
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...