Sue's POV:
"Oh. Kalat na kalat na sa internet ang pananapak mo sa eroplano." Napakamot na lamang ako sa ulo ng ipakita sa akin ng aking Manager ang artikulo habang nasa hotel resort kami at nag hihintay ng mag aacommodate sa amin.
"Don't mind them. Gusto kong magrelax. Ayokong isipin ang issue na yan." Alam ko namang sasayangin ko lang ang oras ko kung babasahin ko iyon. Isa pa, hindi naman nila alam ang buong kwento kung bakit ko nagawa iyon.
Ang mga tao talaga. May mapag usapan lang ano?
"Mr. Ji, Here's the key. Have a nice day." Aniya at kinuha ko na ang susi ng magiging kwarto ko.
"Thank you." Napakagaling talaga ng nagsuggest ng lugar na ito.
Walang nakakakilala sa amin.
Pakiramdam ko tuloy hindi ako artista ngayon at simpleng bakasyonista lamang which is so nice.
Atlast.
Malaya sa Camera at sa Paparazzi.
Papasok na sana ako ng aking kwarto ng mapansin ko ang paglabas ng babae sa katabing kwarto ko.
"Oh? Ara!" Parang ang O.A. yata ng reaksyon ko. Kanina lang naman kami nagkita ah? Ang weird.
"Oh, Mr. Ji." Aniya. Napakunot noo ako ng mapansin kong hindi ito nakauniporme.
"Anong ginagawa mo dito?Wala ka bang flight?" Napanguwi ito dahil sa tanong ko.
"Hmm, sinuspende muna nila ako dahil dun sa nangyari." Naiilang niyang saad.
Takte, kasalanan ko pa yata.
"Sorry. Ako kasalanan ko."
"Ok lang iyon. Kulang pa nga iyon sa kawalanghiyaang ginawa niya sa akin. Hayaan mo, batas na ang gagawa nun." Mukhang nakarecover na naman siya sa nangyari dahil nakikita ko na muli ang kanyang magandang ngiti.
"What do you mean?" May pagtataka kong saad dito.
"Nagfile na ako ng dimenda sa kanya. On process na yun. Akala niya palalampasin ko ang ginawa niya? Tss, Hindi porke mataas ang posisyon niya sa akin ay kaya niya na akong maliitin." Katulad ng una naming pagkikita ay madaldal na naman ito.
Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa dahil sa naiisip ko habang nagsasalita ito.
"Bakit? M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Aniya.
"W-wala naman. Pero pwedeng mamaya na tayo magkwentuhan? Ipapasok ko muna itong gamit ko sa loob ng kwarto ko." Baka abutin kami ng umaga dahil sa kadaldalan nito.
Mukhang nagets niya naman ako.
"Ok. See at the lobby?" Aniya. Timango naman ako bilang pagsang ayon at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
For the first time, ngayon lang ako nakaencounter ng babae na sobrang daldal. Dapat nag reporter nalang siya at hindi nagflight attendant.
---***---
Ara's POV:"I am sorry to interrupt you but we need to close." Hindi namin alam na kanina pa pala kami nagkukwentuhan ni Ji Sue at inabot na kami ng closing ng restaurant na kinainan namin malapit dito sa resort.
"Woah. More than three hours na pala tayong nasa resto kanina ano? Napalayas tuloy tayo." Natawa tuloy ako sa term na ginamit niya.
Hindi ko akalain na ganito pala siya kasayang kausap. Madami kaming pinagkwentuhan na mga random things about sa aming sarili at dahil doon ay nakilala ko siya.
Bumili pa kami ng ilang beer bago kami naglakad sa buhanginan ng beach. Nabitiin yata kami sa wine na ininum namin sa resto kanina.
"Dito nalang tayo." Aniya at naupo sa buhanginan. Tumabi ako sa kanya at tumingin sa langit.
"Wow. Ang ganda ng langit. Ang daming bituin." Mangha kong saad habang tinuturo ang mga ito.
"Oo. Maganda talaga." Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Ako o yung stars?" Mala Boy Abunda kong saad dahil sa bilis kong tanong dito.
"Ikaw este yung Stars." Napangiti na lang ako sa sinabi niya at binaling muli ang aking mga mata sa magandang kalangitan.
"Ok lang sayo na pinagkasundo kayo?" Out of the blue nitong tanong sa akin. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa fixed marriage namin ni Bae.
"Hmm.. ok lang, mabait naman si Bae sa akin at husband material." Maikli kong saad dito.
"Kahit hindi mo siya mahal?" Dagdag niyang tanong.
"Madali lang naman siyang mahalin. Matututunan ko din iyon." Sagot ko dito.
"Tss, ibang klase ka din ano? Ganun lang sayo yun? Anong tingin mo sa pag ibig? Subject sa school na pwedeng pag aralan?" I grinned at him. Mukhang may tama na ito sa iniinom namin.
"Yeah. Sabihin na nating ganun na nga." Tamad kong saad dito.
"Woah! Grabe ka." Aniya at napatungga pa ng beer in can na hawak niya.
"Pero honestly, We don't agree with this kind of crap." Panimula ko at tulad niya ay uminom ako ng dala naming beer.
"Nagkasundo kami na once na hindi namin mahanap ang forever namin which is so damn hard to find, itutuloy namin ang gusto ng parents namin na kasal but if we found it, well, congratulations. Hindi na matutuloy ang kasal namin." Saad ko at bahagyang natawa dahil sa sinabi ko dito.
"Paano kung makahanap siya ng mamahalin niya? Paano ka? Are you Okay with that?" Sa tono ng tanong niya ay tila concern ito sa akin.
Napabuntong hininga ako sa tanong niya.
"I am fine. E'di maghahanap na lang ako ng pakakasalan ko. Ayokong maging kontrabida sa lovelife ni Bae. Masyado siyang mabait sa akin para gawin ko iyon." Saad ko bago inubos ang laman ng iniinom ko.
"Wow. Parang ang sarap ng beer na ito." Pag iiba ko ng topic. Medyo awkward na kasi yung pinag uusapan namin.
"Passed twelve na. Halika na, ihahatid na kita sa room mo para makapagpahinga ka na." Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at inalok niya ang kanyang kamay sa akin para alalayan ako sa pagtayo. Hindi na ako tumanggi pa kaya naman tinanggap ko iyon.
Buong lakas nya akong itinayo at sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin sa aking pwesto ay napasobra iyon dahilan upang magkalapit ang aming katawan. Inalalayan naman niya ang likod ko dahil sa nangyari pero kung titingnan ay tila nakayakap na ito sa akin.
Hindi ko alam kung dahil sa beer kaya pakiramdam ko ay mainit ang mukha ko o dahil sa lalakeng naestatwa sa harap ko.
"Nasabi ko na ba sayo na Maganda ka?" Seryoso niyang saad.
"Oo naman. Ilang beses na." Pabiro kong saad.
"Pero mas maganda ka sa malapitan." Mahina niyang saad at ngayon ay seryoso na akong nakatingin sa mga mata niya na tila ay may gustong sabihin.
Napansin ko din ang palipat-lipat ng tingin sa aking mata at labi kaya naman pumikit na lamang ako. Ilang segundo lang ay maramdaman ko ang pagdampi nya ng kanyang labi sa akin. Nanatili akong tikom ng mga sandaling iyon subalit masyadong nakakaakit ang mga galaw niya kaya naman nagpatianod na ako dito.
Those passionate kiss.
Is he the one I am looking for?
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...