Ami's POV:
"Unnie! Halos lahat ng Idols ng agency natin nandito! Kyaah! Kung alam ko lang dapat pala nagdala ako ng notebook para nakapagpa autograph ako!" Ani Bora habang nagpapahinga kami sa aming ina-sign na kwarto.
"Ami, Close ba kayo ni Loxe? Fan kasi ako ng Xtar baka pwedeng makahingi kamo ng autograph. Sige na? Please." Ani Young. Katulad din siya ni Bora na parang naging Fanmode.
"Ami, kaibigan mo lang ba talaga siya, hindi boyfriend? Super close niyo kasi." Saad naman ni Minji.
"A-ano ka ba! Kaibigan ko lang iyong tao. Wag niyo namang bigyan ng malisya." Hindi ako makapaniwalang ganoon ang pag iisip niya sa amin.
"Weh? Paano mo siya naging kaibigan aber?" Ani Minji. Napakamot ulo ako sa tanong niya.
"Da-dati akong trainee sa BH building, eight years ago at nakasabay ko siya sa audition at simula nun naging magkaibigan kami." Bakas sa mukha nila ang pagkagulat nang sabihin ko iyon.
"Woah. Daebak! Nag audition ka dati sa BH building? " -Young.
"Yup. Pero bata pa ako nun at nagquit ako." Nakita ko ang paghihinayang sa kanilang mga mukha.
"Unnie, bakit hindi mo tinuloy? Sayang naman. Edi sana Idol ka na din tulad ni Sunbae Loxe."
"Hmm... tingin ko hindi pa para sa akin iyon dahil bata pa ako nun. Kumbaga wrong timing. Blessing in disguise na din iyon dahil nakatapos ako ng kolehiyo."
"Unnie, nakakainggit ka. Buti ka pa nakapagtapos na ng pag aaral samantalang ako High School lang kasi nag Training na ako kaagad matapos kong makagraduate ng High School."-Bora.
"Ako naman naka two years sa college pero ginive up ko iyon dahil hindi naman ako mahilig mag aral. Para sa musika talaga ako."-Minji.
"Home School ako kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng makapag aral sa school." Lahat kami ay nalipat ng atensyon kay Young.
"Over protective sa akin ang parents ko kaya pinahome school nalang nila ako at tungkol naman sa pagiging Trainee ko, hindi sila pabor." Malungkot nitong pahayag. Lumapit ako sa kanya at tinap ang likod niya.
"Sa totoo lang sobrang saya ko ng malaman ko na kasama ako sa malapit ng magdebut. Gusto ko kasing maging proud sila sa akin sa ginawa kong desisyon."Dagdag pa nito.
"Aish, magiging proud sila panigurado. I guarantee!" Ani Minji.
"Lahat ng magulang magiging proud sa kanilang anak kaya be strong. Malapit na tayo sa pangarap natin." Bumakas ang ngiti sa kanyang labi matapos kong sabihin iyon.
Habang nagkukwentuhan kami ay bumukas naman ang pinto. Kanina pa kami dito sa loob at ngayon lang ito bumalik. Siguro ay naglibot na ito sa paligid.
"Unnie, paano ka naging Trainee? Pinag uusapan kasi namin..."
"Gisingin niyo nalang ako kapag magsisimula na ang Team Building." Pinutol niya ang sinasabi ni Bora at agad na sumalampak sa kama. Tumingin ako kay Bora na ngayon ay napayuko na lamang dahil sa pinakitang pag uugali ni Seung dito.
"Ano kaya kung maglibot muna tayo, total mamaya pa naman ang simula ng team building." Muling bumalik ang sigla ni Bora sa sinabi ko.
"Sige! Tara." Aniya at nauna ng lumabas ang tatlo.
"Seung, sasabihan nalang namin si Mr. Shin na gisingin ka kapag magsisimula na." Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig dito.
"S-sige, aalis muna kami." Saad ko at tuluyan ko ng isinara ang pinto. Baka pagod siya sa byahe.
Nilibot namin ang lugar. Malawak iyon at napasariwa ng hangin. Dahil siguro sa mga puno kaya maaliwalas tingnan ang paligid. May nabuilt in din doon na mga obstacles. Tingin ko ay lalaruin namin iyon.
"Naiihi na ako. Punta lang ako ng banyo." Ani Minji.
"Sama na ako. Iihi na din ako." Ani Bora.
"Ako din." Pati si Young. Magkakadikit ba ang mga pantog ng tatlong ito at sabay-sabay talagang naiihi?
"Unnie, ikaw? Hindi ka ba naiihi?" Tanong ni Bora sa akin.
"Hindi. Sige na, kayo nalang. Dito lang ako." Agad naman silang naghanap ng malapit na banyo.
Nagandahan ako sa lugar kaya naisipan kong ilabas ang phone ko at kuhanan ang ganda ng paligid. Habang busy ako sa pagpopicture ay may nahagilap ang camera ko na papalapit sa pwesto ko.
"Mr. Song." Anong ginagawa niya dito? Ngumiti ito sa akin ng nakalapit na siya sakin.
---***---
Loxe's POV:
Napangiti ako ng makita ko siya. Heto na ang pagkakataon para magkakwentuhan kaming dalawa. Papalapit na sana ako sa kanya habang busy siya sa pagkuha ng litrato sa kanyang paligid nang bigla itong napatigil sa kanyang ginagawa at nakatingin sa lalakeng papalapit sa kanya.
Parang naestatwa ako sa aking pwesto ng makita ko ang napakaganda niyang ngiti sa lalakeng lumapit sa kanya.
Lalapit ba ako? O huwag na lang.
"(Lalake tayo brod kaya alam natin kung ano ang tumatakbo sa utak ng bawat isa.)" Naalala ko bigla ang sinabi ni Bok Chul.
"Ami!" Napalingon siya ng tawagin ko siya.
Hindi ako basta basta magpapatalo sa lalakeng ito. Kahit instructor siya wala akong pakialam.
Lumapit ako sa pwesto nila at nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Song.
"Sige Miss. Han. Maiwan ko na kayo." Aniya at lumakad na paalis
Tumingin ako kay Ami.
"May gusto ba sayo iyon?" Diretso kong tanong sa kanya.
"Aish, trainor ko iyon. Ano yang pinagsasabi mo. Masyado kang malisyoso." Aniya.
"Naninigurado lang." Baka mamaya hindi ko alam kaagaw ko na pala siya sa puso mo.
Kahit sabihin ni Ami na trainor niya ito, iba ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...