Ami's POV:
"Ok! Pack up na." Ani Mr. Jhope. Kakatapos lang niya ituro sa amin ang choreo ng aming debut song at masasabi kong napakagaling niya talagang magturo.
"Ami." Palabas na sana ako ng practice room ng tawagin niya ako.
Lumapit siya sa akin at ngumiti kaya ganun din ang pinakita ko. Ngumiti rin ako dito.
"Fighting!" Aniya. Napangisi ako sa sinabi niya. With action pa.
"Atleast, ngumiti ka na. Kanina ko pa napapansin na seryoso ka masyado dahil ba sa issue na kumakalat ngayon kaya ka nagkakaganyan?" Nang mabanggit niya ay mabilis na nawala ang ngiti ko sa mukha.
Alam na din niya.
"Ano bang gusto mong gawin namin sa Ji Seu na yun? Bubugbugin ba namin? Tatanggalan ng kuko sa paa o ipapakain sa gutom na tigre? Sabihin mo lang Ami kung alin doon." May pambabanta niyang saad.
"Aish. Grabe naman kayo. Parang kriminal naman ang tingin niyo sa tao." Saad ko dito.
"Yah, ikaw na nga itong tinutulungan e." Alam ko namang nagbibiro lang siya sa sinasabi niya kaya naman tinawanan ko na lamang.
"Aigoo, namiss ko yang tawang iyan." Aniya.
"Siya nga po pala, kamusta na po si Ms. Jon?" Pag iiba ko ng usapan.
"Ayos lang naman siya. Medyo moody lang at kulang nalang ay palayasin ako sa bahay dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ko." Gusto ko mang matawa pero pinigilan ko baka mainsulto siya sa reaksyon ko.
"Bumisita ka minsan sa bahay tiyak na matutuwa iyon." Aniya.
"Sige po. Dadalaw ako." Saad ko bago nagpaalam na dito.
Palabas na ako ng BH building nang mapansin ko ang kulay pink na kotse na katabi lang ng aming Cargo Van.
Kailan kaya ako magkakaroon ng ganun?
Maya-maya ay may bumaba na babae mula sa kotse. May katangkaran ito na pang modelo. At may angking kagandahan. Sa suot nito halatang galing sa marangyang pamilya.
"Oppa!" Masigla nitong sigaw habang kumakaway sa aking gawi. Dahil sa kuryusidad ko ay napalingon ako sa likod.
Mabilis na naglakad si Mr. Song papunta sa pwesto ng babae. Hindi ko mapigilan ang maningkit ang mata ko ng ilagay ng babae ang kanyang mga kamay sa batok ni Mr. Song.
Lumakad na ako patungo sa sasakyan at iniwasan kong marinig ang kanilang pag uusap.
"Ami." Pero sadyang chismosa yata ang tenga ko at hindi ko iyon nagawang maiwasan.
"Oppa! I miss you!" Hindi ko maiwasan ang mapairap dahil sa narinig ko.
"Ami." Para kasing nang-aakit ang boses ng babae. Masakit sa tenga kung papakinggan.
"Ami Yah!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Minji sa akin.
"H-ha?" Hindi ko alam kung bakit niya ako sinigawan. Nabalot ng pagtataka ang aking mukha dahil sa ginawa niya
"Ano ba? Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo, pumasok ka na nga." Aniya. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng pinto ng aming Van. Lutang na naman ako.
Bago ako sumakay ay lumingon muna ako sa gawi nila. Nahuli kong nakatingin sa akin si Mr. Song pero bago pa man ako nag iwas ng tingin ay mabilis niyang inakbayan ang babaeng kausap niya at isinakay iyon sa pink sa kotse. Umikot siya sa kabilang pinto at sumakay na din.
Sa oras na ito tila may naramdaman akong kirot sa aking dibdib.
Parang tinutusok ng karayom.
Masakit.
---***---
Bae's POV:
"[I'm here na.]" Aish. Kahit kailan talaga, Pasaway. Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas ng Building nang biglang tumawag si Ara sa akin at sabihing narito siya sa BH building.
"Oppa!" Narinig ko na ang nakakairitable niyang boses. Napukaw naman ng pansin ko si Ami na napalingon sa akin gawi. Agad akong umiwas dito at diretsong lumapit sa kay Ara.
Napaka clingy talaga ng babaeng ito.
"Tanggalin mo nga ang kamay mo." Mahina kong saad dito nang isabit niya ang kamay niya sa batok ko.
"Ayoko nga. Ngayon nga lang tayo nagkita." Aniya. Dahil sa lapit niya sa akin ay naamoy ko ang kanyang hininga na amoy alak.
"Oppa! I miss you." Sambit niya.
Napakasakit talaga niya sa ulo.
"Ami Yah!" Napalingon ako sa gilid ko dahil sa malakas na sigaw.
"H-ha?" Tila wala sa sariling saad ni Ami sa mga ito.
"Ano ba? Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo, pumasok ka na nga." Iritableng saad ng isa niyang kasamahan. Bago pa man ito sumakay ay napalingon pa ito sa gawi ko. Agad ko namang inakbayan ang kasama kong babae at isinakay ito sa loob ng sasakyan. Mabilis akong umikot papunta sa driver seat.
"Alam mo bang bawal magdrive ng lasing? Paano kung naaksidente ka?" Sermon ko dito habang minamaneho ko ang sasakyan niya.
"Pare-pareho lang kayong mga lalake! Mga manloloko!" Singhal nito. Heto na naman kami. Paulit-ulit na lang ba?
"Sige. Idamay mo lahat." Nakakawalang ganang kausapin ang babaeng ito.
"Oppa, pakasalan mo nalang ako tutal pare-pareho lang naman kayo hindi ba?" Wala na talaga sya sa katinuan.
"Ituloy na lang natin yung kasal. Yun naman ang gusto ng mga magulang natin hindi ba? Sige na. Pakasal na tayo." Mabilis kong iginilid ang sasakyan at inihinto iyon.
"Hindi ako magpapakasal. May nagugustuhan na akong babae." Direkta kong saad dito. At mukhang bumalik na sya sa katinuan ng sabihin ko iyon.
"Mabuti ka pa." Napabuntong hininga ito at bakas sa mukha ang bigat ng problema na kanyang dinadala.
"Ano na naman bang problema at talagang dumayo ka pa sa pinagtatrabahuan ko?" Alam kong may problema siya at kung hindi ako nagkakamali ay lalake na naman ito.
"Failed na naman ako sa Jowa ko." Aniya at nagsimula ng umiyak.
"Mukhang hindi na ako makakahanap pa ng taong magmamahal sa akin. Ano kaya kung ituloy na lang natin yung fixed marriage." Binigyan ko siya ng malakas na batok dahil sa sinabi niyang iyon.
Siya si Jong Ara. Pinagkasundo kami ng aming mga magulang pero pareho kaming nagprotesta sa gusto nila. At dahil doon ay naging magkaibigan kami pero dahil sa trabaho ko at trabaho niya bilang Flight Attendant ay minsan lang kami magkita.
"Oo na. Hindi na nga. Tss. Sino ba kasi yang babaeng iyan at napakaswerte niya sayo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng banggitin niya iyon.
"She is one of a kind." Maikli kong saad dito.
Yeah, and she is so special to me.
Very special.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...