His Place

421 22 3
                                    

Ami's POV:

"Ami. Relax. Hindi naman siguro sasaktan ni Mr. Kim sina Ji Sue." Ani Young sa akin habang palakad lakad ako sa kwarto.

"Unnie, pwedeng umupo ka na muna? Nahihilo na ako sayo."Saad ni Bora. Hindi kasi ako mapakali.

"Hindi niyo kasi kilala si Pap-este si Mr. Kim. Ibang klase syang magalit. Pinapakita nya lang na kalmado siya pero sa loob niya ay galit na siya. Baka mamaya bigla na lang syang sumabog sa galit niya sa kanila."Saad ko sa kanila.

"Bakit naman sya magagalit ng ganun? Anak ka ba niya para ganun ang maging reaksyon niya?" Napakagat labi ako sa sinabi ni Minji. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang  tungkol sa amin ni Papa.

"Oo nga. Alam ko kasi Tatay lang ang magagalit ng ganun. Biruin mo, magsapakan ang dalawag lalake sa harap ng anak mo, sinong hindi magagalit?" Dagdag naman ni Young.

"O baka naman. May gusto si Mr. Kim kay Unnie kaya siya nagalit." Bigla akong kinilabutan sa sinabi ng Maknae ng aming grupo.

"Oo nga ano? Naisip mo iyon Bora? Tama! May gusto sa kanya si Mr. Kim!" Talaga nga naman! Ang utak ng mga ito.

"Pero ang alam ko may Asawa na si Mr. Kim. Hindi kaya ka-" dedepensahan ko sana ang aking sarili ng biglang sumingit si Sueng sa amin.

"Yah! Itigil niyo na nga yang walang kwentang usapan niyo!" Sigaw ni Seung sa kanila.

"Tama bang pagkamalan niyong Kabit si Ami sa sarili niyang Ama? Ano ba kayo? Maging sensitive nga kayong tatlo." Sermon niya sa mga ito.

"Teka? Ano yung sinabi mo? Si Ami sa sarili niyang ama? Sariling Ama? Ama ni Ami si Mr. Kim?" Naguguluhan na tanong ni Young kay Seung.

"Ami. Sabihin mo na sa kanila." Agad namang naglipat ang tingin ng tatlo sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Ama ko si Mr. Kim." Matapos kong sabihin iyon ay bakas sa mukha nila ang gulat.

"T-talaga? Oh my!" Napahawak pa si Young sa kanyang bibig sa gulat.

"Woah. Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad? Iba ka rin ano?" Ani Minji.

"Unnie."

"Sorry guys kung tinago ko sa inyo. Ayoko kasing mag iba ang tingin niyo sa aki  kapag sinabi ko iyon. Sorry." Saad ko sa kanila.

"Wait. aha! Naalala ko na. Ikaw yung nabalita noon na Anak ng bangtan tama ba? Woah. Bakit hindi ko naisip kaagad iyon.Wow! Daebak!" Manghang saad ni Minji.

"Saka ko na ipapaliwanag sa inyo ang lahat. Kailangan kong pumunta ngayon sa opisina." Walang mangyayari kung tutunganga lamang ako dito. Mabalis akong pumunta sa opisina ni Papa. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nauna na sa aking bumukas nun.

"Mr. Song. A-anong sabi ni Papa? Sinaktan ka ba niya? Si Sue? Sinaktan din ba niya?" Nakita ko ang pagngisi ni Song sa sinabi ko.

"Ganyan ba ang tingi  mo sa Papa mo? Bayolente?" Nagawa niya pang magbiro sa sitwasyon nila.

"Wala akong panahon para makipagbiruan. Sandali. Kakausapin ko si Papa." Papasok na sana ako sa loob subalit pinigilan niya ako at niyakap.

"Mr. Song. Baka makita tayo ni Papa." Pilit akong kumakalas sa yakap niya subalit mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Kinausap lang kami ni Mr. Kim. Ok na kami. Wag ka ng mag alala." Aniya.

"Sigurado ka? Baka nagsisinungaling ka lang?" Parang duda ako sa sinasabi ni Mr. Song. Kilala ko ang papa ko.

"Oo nga. Promise. Okay na kami. Wag ka ng mag alala." Napakunot noo ako at sumilip sa kanya. Nasilayan ko ang magandang ngiti niya sa akin.

Ang ngiti na ngayon ko lang ulit nakita.

"Kakausapin ko pa din siya." Kumalas ako at hindi nagpapigil sa kanya sa pagpasok sa loob. Naabutan ko naman si Papa na nakaupo at malalim ang iniisip.

"Papa." Tumingin ito sa akin at tipid na ngumiti.

"Kung ano man ang pinag usapan namin ay sa amin nalang iyon." Hindi ko pa nga naitatanong sa kanya ay alam na kaagad niya ang kanyang sasabihin.

"Magtiwala ka sa akin Ami. Para sayo din ito." Aniya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Daddy knows best." Saad pa niya at nauna ng lumabas ng opisina.

---***---

"Woah. Hindi pa din ako makapaniwala na anak siya ni Mr. Kim. Kinikilabutan pa din ako."Halos ako ang kanilang topic hanggang pag uwi ng aming dorm.

"Unnie, Anong pakiramdam ng magkaroon ng Pitong Tatay? Huh?" Pangungulit sa akin ni Bora.

"Anong tawag mo sa kanila? Papa din ba? Like Papa Jhope, Papa Jimin, Papa V..."-Young.

"Yah! Pwedeng mag move on na kayo? Parang napakabig deal naman na naging anak sya ng mga iyon. Ami, hindi porket anak ka ni Mr. Kim ay mag iiba na ang turing namin sayo."Saad ni Sueng sa akin.

"Aish. Kahit kailang talaga ang sama mo kay Ami." Ani Minji dito.

Kaya ayokong malaman nila e. Dahil ganito ang magiging reaksyon nila.

Ilang sandali lang ay tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang nakalagay sa screen at rumeristro doon ang numero ni Mr. Song.

Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa kwarto.

"Hello? Bakit ka napatawag?" Halos pabulong kong tanong dito. Baka mamaya may makarinig ng usapan namin.

"[Hindi ba sabi ko you're mine? Ibig sabihin may karapatan akong tumawag sayo.]" Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na kinilig ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata sa boses ko.

"Bakit ka nga napatawag?"

"[Namiss kasi Kita kaya ako tumawag.]" Heto na naman siya.

"[Anyway, nasa baba ako.]"

"Ano?" Hindi ko maiwasan ang mapalakas ang aking boses dahil sa gulat ko sa sinabi nya.

"Ami? Anong problema?" Narinig ako ng mga kasamahan ko kaya naman nagsipasok sila sa kwarto ko.

"Ah, wala naman." Baling ko sa kanila. At pinatay ko ang phone ko.

"Ahm, guys. May nakalimutan pala ako sa BH Building." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila kaya naman nauna na akong bumaba.

Pasaway kasi!

"Ami!" Sigaw niya habang kumakaway sa akin. Patakbo naman akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya.

Tumingin pa ako sa paligid at sinisigurado ko na walang tao sa paligid.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina kong tanong dito. Sa mga sandaling ito ay kinakabahan ako dahil baka may makakita sa amin. Marahan niyang ibinaba ang kamay ko na nakahawak sa bibig niya at ikinulong niya ako sa kanyang mga braso.

"Y-yah.. A-ano b-ang ginagawa m-mo? B-baka may ma-makakita sa atin." Putol-putol ko pang saad dito. Nadidistract kasi ako sa mga titig nya. Isama mo pa yung nakakaloko niyang ngisi sa akin. Pero imbis na sagutin niya ako ay lalo niya pa akong idinikit sa katawan niya at marahang hinagkan.

Saglit lamang iyon at aminin ko, medyo nabitin ako.

"Sakay." Binuksan niya ang front door ng sasakyan at pinasakay ako. Umikot ito papintang driver seat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito ng mapansin ko na pamilyar ang kalsada na aming dinaraanan.

"To my place." Tipid niyang sagot. Hindi ko mapigalan ang mapalunok dahil sa sinabi niya.

In his place?

Omo.

Hindi pa ako ready.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon