Topless

586 26 0
                                    

Ami's POV:

"Kompleto na ba lahat ng gamit mo? I-check mo ng maigi." Ani Mama sa akin matapos kong ilagay lahat ng kailangan ko sa maleta.

Ngayong araw kasi ang paglipat ko sa Dorm.

"Nandito na po lahat." Nakangiti kong pahayag dito. Bakas sa mukha ni mama ang pagaalala at lungkot.

"Mawawalay ka na naman sa akin." Pagdadrama nito.

"Ma, hayan ka na naman. Pwede naman akong pumunta dito kapag free time ko. Isa pa, nanjan naman si Little Monie at Papa Namjoon kasama niyo." Tumingin ako sa bunso kong kapatid na laging abala sa paglalaro.

"Pero iba pa din kapag nandito ka. Mag iingat ka doon ah?" Aniya at hinaplos ang pisngi ko.

"Ma. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko." Saad ko dito.

"Akin na ang gamit mo at ilalagay ko na sa compartment." Kinuha ni Papa ang maleta ko at isinakay iyon sa kanyang sasakyan. May dala akong gamit kaya sasabay ako sa kanya at deretsong ihahatid sa tutuluyan kong Dorm.

Ang sabi sa akin ni Papa nauna ng tumira sa dorm ang apat kong kasamahan.

"Ok lang ba sayo na kasama sila? Kung hindi pwede kitang ilipat sa ibang dorm na solo mo." Saad ni Papa habang nagdadrive ito.

"Papa naman. Di ba ang sabi ko walang special treatment?" Saad ko dito. Sa ginagawa niyang ito baka lalong pumanget ang tingin sa akin ni Seung at ng magiging kagrupo ko.

"Oo na. Sorry na. Wala ng special treatment pagkatapos nito."

Bumaba na ako ng sasakyan nang marating namin ang tutuluyan kong dorm.

"Heto ang spare key." Iniabot niya sa akin ang Susi ng magiging Dorm ko.

"Ako na lang po ang mag aakyat. Mauna na po kayo sa BH Building. Kaya ko na po ito." Hindi na siya nagreklamo pa at nauna ng umalis.

At dahil nasa third floor ang dorm namin ay sumakay ako ng elevator. Sabi ni Papa nandito din nakatira ang iba pang idol. Nasa ibang floor lang sila.

Pipindutin ko na sana ang number three na button nang may humabol na sumakay sa elevator. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa suot niyang facemask at sumbrero.

Siguro ay Idol din ito na dito sa building nakatira. Pinindot niya ang number three. Tahimik lang akong pinagmamasdan ang numero na paakyat sa itaas. Paminsan-minsan ay hindi ko maiwasan na tignan ang lalake.

Mahilig akong manood ng drama at nagbabaka sakaling artista siya gaya ni Mr. Jungkook at Mr. V. Baka sakaling makahingi ng autograph.

Tumunog na ang elevator, hudyat na narating na namin ang third floor. Nauna itong lumabas sa akin.

Paglabas ko ng elevator ay nawala na ito sa paningin ko na parang bula sa bilis.

Lumakad ako at hinanap ang numero  na nakalagay sa Spare key na hawak ko.

"Oh?" Nakita ko na dumaan si Seung sa harap ko pero hindi niya ako napansin.  Tatawagin ko sana siya kaso naalala ko nung tinawag ko siya sa pangalan niya ay nagalit ito sa kin.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang pinto. Gagamitin ko sana ang spare key na gamit ko kaso napansin ko na hindi naman ito nakalock. Siguro nakalimutan ni Seung na ilock iyon paglabas niya.

Binuksan ko iyon at wala akong nadatnan na tao doon.

Nasaan kaya sila?  Si Seung lang naman ang nakita ko pero yung iba wala.

Isinara ko na ang pinto at iginilid muna ang gamit ko. Tinignan ko ang buong paligid. Sakto lang sa amin ang dorm. Malinis tingnan. May dalawang kwarto na magkatapat at isang banyo. May salas din at kusina.

"Seung, ginamit ko yung tuwalya-" Bumukas ang pinto ng Banyo at lumabas doon ang lalakeng nakatapis lang ng twalya ang pang ibaba. At bungad na bungad ang mala-tinapay nitong Abs.

"Aah!" Sigaw ko.

Paanong may nakapasok na lalake dito.

Nagulat siya sa sigaw ko at natarantang lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Ssh!! Wag kang maingay!" Suway niya sa akin habang nakatakip ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Aray!" Sigaw naman niya ng bigla kong kagatin ang kamay niya dahilan upang maialis niya ang kamay niya sa bibig ko. Agad akong tumungo sa kusina at dinampot ang kutsilyo na nasa gilid ng lababo.

"Sino ka! A-anong ginagawa mo sa Dorm namin!"

"M-miss, i-baba mo yan. Ba-baka masugatan ka." Aniya habang pa-ikot ikot kami sa aming pwesto.

"Sagutin mo ang tanong ko! Sino ka!" Sigaw kong muli dito.

Ilang minuto lang ay nagbukas ang pinto at bumungad doon si Seung.

"Seung! May nakapasok na Manyak sa Dorm natin! Umalis ka diyan baka saktan ka niya!" Saad ko dito pero parang wala lang sa kanya ang presensya ng lalake.

"Seung! Finally you're here!" Napatigil ako sa sinabi ng lalake. Seryoso naman na tumingin sa akin si Seung.

"Ibaba mo nga yan, baka makasakit ka." Mahinahon nitong saad.

"At Ikaw." Lumapit siya sa lalake at hinampas niya ang ulo nito gamit ang hawak niyang plastic.

"Ah! Aray! Ano ba! Masakit!" Reklamo nito.

"Hindi Bath House ang dorm na ito para dito ka maligo!" Aniya habang patuloy pa din ang paghampas niya dito.

"Ta-tama na! Ano ba! Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo!" Sigaw niya dito dahilan upang mapatigil ito sa paghampas.

"Oppa, Sorry... yan ba ang gusto mong sabihin ko sayo? Huh? Ilang segundo lang ang pagitan natin at hindi porque ikaw ang unang lumabas ay ikaw na ang panganay!" Aniya. Parang invisible ako sa harap nila at tuloy lang ito sa paghampas niya sa lalake.

"M-mag kapatid kayo?" Tanong ko sa kanila dahilan upang tumigil na siya sa paghampas sa lalake.

"Wala kang pakialam." Saad niya.

"Aish, bakit ka ba ganyan sumagot? Walang manners." Saad ng lalake at Humarap sa akin.

"Kambal niya ako. Seu. Ji Seu." Tipid akong ngumiti dito. Kung sa umpisa palang ay sinabi niya na kaagad kung sino siya e'di sana nagkasundo kami.

"Tama na yan. Magbihis ka na at umalis. Baka dumating sina Bora at pagkaguluhan ka." Ani Seung at tinulak pabalik ng banyo ang kapatid niya.

"At ikaw, kung gusto mong magkasundo tayo, wag mong sasabihin ito kay Mr. Kim. Naintindihan mo?" Napatango ako sa sinabi niya. Bawal kasi ang ginawa niyang pagpapatuloy ng ibang tao sa dorm namin lalo na kung lalake. Mahigpit na ipinagbabawal iyon.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon