Panyo

694 28 0
                                    

Ami's POV:

"Talaga Pa? Wow! Sabi ko na nga ba at buntis siya." Mukhang na excite si Mr. Jhope na sabihin sa mga kaibigan niya ang balita na nagdadalang tao si Miss Jon. Matapos ko daw sabihin ang hula ko dito ay agad na nag Pregnancy Test si Miss Jon at positive ang lumabas.

"Mabuti naman at magkakaanak na sila. Matagal din nilang hinintay iyan." Ani Mama habang kumakain kami ng agahan.

"Magbu-bus ka ba ulit?" Tanong ni Papa sa akin. Tumungo ako bilang sagot dito dahil puno ang bibig ko ng pagkain.

"Masakit pa din ba ang katawan mo?" Tanong niyang muli. Napansin niya ata ang nilagay kong Pain Relief Patches sa bandang balikat ko.

"Medyo masakit pa po. Mawawala din ito mamaya kapag nasanay na sa pag uunat." Saad ko dito upang hindi sila mag alala.

"Sino nga yung fitness trainor niyo?" Aniya. Napatingin ako kay Papa na busy na ngayon sa pagpapasubo ng pagkain kay Little Monie.

"Si Mr. Song Bae po." Tipid kong saad dito.

"Ah.." Aniya. Naningkit ang mata ko dahil sa sagot niya.

"Papa. Huwag mong sabihin na susugod ka doon para pagsabihan siya na wag akong pahirapan." Nakita ko ang paglikot ng kanyang mata na tila ay nag iisip ng maisasagot sa akin.

"Hindi ah. Gusto ko lang malaman. Isa pa maganda ang record niya noong nag apply sya bilang Fitness Instructor. Madami kang matututunan sa kanya." Pagdadahilan nito.

Hindi ko tuloy maiwasan ang maisip ang nangyari sa akin kagabi.

Aish! Pag naaalala ko iyon, kinikilabutan ako.

"Pa, ilang taon na ba yun?"

"Pagkakaalam ko mga twenty three or twenty four na siya." Wow. Nasa twenties palang sya? Akala ko nasa mid thirty na dahil sa pag uugali niya.


"Bakit mo natanong? Interesado ka sa kanya?" Nakakalokong tingin ang ibinato sa akin ni Papa.

"Aish! Hindi ko type iyon papa!" Inis kong saad dito pero tinawanan lang nila ako pati si Little Monie ay tumawa din.

"Aegyo, dalaga na talaga ang anak ko." Ani Mama.

---***---





Seung's POV:

"Matagal na siyang trainee dito pero bakit hindi pa din nila pinagdedebut? Hindi kaya hinihintay lang nila na umalis siya?" Hindi ko napigilan ang kamay ko ng sabuyan ko ng juice ang mukha ng babaeng nagsabi nun.

"Aish! Ano ba!" Reklamo nito.

"Oops! Sorry, natapon ko yung juice." Sarkastiko kong saad dito.

Ang lakas ng loob niya na sabihin iyon. Hindi ba siya nababahala na napapakinggan ko ang chismisan nila dito sa Canteen? Habang kaya ko pang kontrolin ang galit ko ay minabuti ko nalang na umalis.

"Hindi mo ba alam na malapit na akong magdebut? Naunahan pa kita." Pagmamayabang nito. Napatigil ako sa aking pwesto.

"Talaga? Congratulations." Maikli kong saad bago nagpatuloy na lumakad. Wala na akong panahon na lingunin pa ang katulad niyang walang kwenta.

Magdedebut?

Tss..

Asa.

Baka wala pang isang taon laos na siya.

Hindi malabong mauuna siyang makapagdebut sa akin dahil ang balita ko, pamangkin siya ng isa sa mga shareholders ng kompanyang ito. Sa madaling sabi, may backer ito.

Minabuti ko nalang na pumunta sa practice room at naabutan ko na wala na ang ibang kasabayan ko na trainee. Umupo ako sa may gilid at pinagmasdan ang paligid ng prictice room.

Ilang taon na nga ba akong trainee?

Kahit ako ay napapatanong na sa aking sarili.

Ano pa bang ginagawa ko dito?

Bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nagdedebut?

Hindi ba ako magaling kumanta at sumayaw?

Kulang pa ba ang effort na ginagawa ko upang magustuhan nila ang performance ko?

Sa puntong ito ay hindi ko napigilan ang maiyak.

Hanggang kailan ba ako magiging trainee?

Napayakap ako sa aking mga tuhod at yumuko.

Kailangan ko na bang sumuko?

"Ahm, miss. Ok ka lang?" Napatingala ako sa boses na aking narinig at bumungad sa akin ang isa sa mga miyembro ng Xtar.

Agad kong pinunasan ang luha na tumakas mula sa aking mata. Hindi nila dapat makita na mahina ako.

"Ah, sorry kung naistorbo kita sa moment mo. Nakalimutan ko lang kunin yung bag ko." Saad nito at kinuha mula sa likod ko ang bag. Hindi tuloy maiwasan na magkalpit ng katawan namin. Naamoy ko din ang gamit nitong pabango.

"Ahm, alam kong mahirap ang maging trainee, pero sana kayanin mo. Malalampasan mo din iyan. Fighting!" Naiilang pa nitong saad.

"Heto." Iniabot niya sa akin ang kanyang panyo.

Naglikot ang kanyang mga mata na tila ay hindi na alam ang susunod nitong sasabihin.

"Ahm, sige. Mauna na ako." Lumakad na ito papalayo at nakita ko pa ang  pagkamot nito sa kanyang batok.

Napatingin ako sa aking panyo na hawak. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Unang beses akong nakatanggap ng panyo.

At unang beses ko ding makatanggap ng payo mula sa ibang tao.

"Salamat." mahina kong saad ng mawala na ito sa aking paningin.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon