Ami's POV:
"Ami!!!" Parang matagal kaming hindi nagkita dahil sa higpit ng yakap nila sa akin.
"Inimbitahan kami ni Tita Hye at sinabi niya din na pupunta ka kaya naman excited kaming pumunta dito." Ani Jang Ah.
"Namiss ka na namin Ami!" Ani Nam Suk na tila ayaw akong tantanan sa pagyakap.
"Yah, ano yung kumakalat na balita na Boyfriend mo daw si Ji Seu? Ikaw ah.." Ang bilis talaga ng balita pagdating sa mga kaibigan kong ito.
"Ano ba kayo? Walang katotohanan iyon." Tanggi ko sa mga ito pero parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.
"Aigoo... wag kami Ami." Ani Nam Suk. Kahit ano namang paliwanag ko sa mga ito ay hindi sila naniniwala.
"Oh siya! Doon tayo sa kwarto mo. Doon mo ikwento lahat!" Ani Ji Kyo at hinila na ako ng tatlo patungo sa kwarto ko.
Ilang sandali lang ay dumating na din ang mga bisita ni Monie.
Unang dumating si Mr. Jimin kasama si Ms. Nari at ang Dalawa nilang anak na sina Jiminie na limang taon at si Nayah na tatlong taong gulang.
Sinundan iyon ni Mr. Jungkook kasama ang asawa nitong si Ms. Eun at ang nag iisa nilang anak na si Eugene na kaedad lamang ni Monie.
Si Mr. Jhope at si Ms. Jon ay dumating din at medyo halata na ang umbok nito sa tiyan. Nagfile na din siya ng leave sa BH entertainement. Kaya pala hindi ko siya nakikita sa building.
Sumunod ay si Mr. V kasama ang Misis nitong si Miss Kira at ang Apat nilang anak na sina Honey na Dose anyos na ngayon. Ang kambal na si Taeyuh at Taeyah na limang taong gulang at si Vin na dalawang taon palang.
Sumunod naman ay si Mr. Jin kasama si Ms. Mina at ang anim na taong gulang na si Jinah. Ang Nag iisa nilang anak.
At ang huli ay si Mr. Suga kasama si Ms. Yuri at ang nag iisang anak nilang si Yoonah na limang taong gulang.
Grabe. Ang laki na ng pamilya namin. Hindi pa din ako makapaniwala na kahit busy sila sa kanilang mga buhay ay may time pa din sila sa kanilang mga kaibigan.
Gabi na ng matapos ang party ng kapatid ko at mukhang wala pang balak umuwi ng mga tatay ko.
Tulog na ang mga bata sa isang kwarto habang ang mga nanay namin ay nasa sala at nagkukwentuhan. Samantalang sila Papa ay umiinom ng beer sa bakuran.
"Ami. Uuwi na kami. May duty pa kami bukas e." Ani Nam Suk.
"Sige. Ihahatid ko na kayo." Hindi naman sila umangal pa at hinatid ko na sila palabas.
"Ah, basta ako mas gusto ko si Loxe para sayo. Kyah! Ang cute niyong tingnan. Loxe plus Ami is equals to LoMi. Oh di ba? Lakas maka pagkain?" Puro talaga kalokohan itong si Nam Suk.
"Akala niyo kayo lang? Huh! Basta ako team SeuMi. Sue at Ami! For the win!" Ani Ji Kyo.
"Ka apelyido mo lang kaya ka boto e. Doon tayo sa Matured mag isip. BaeMi. O di ba? Parang Be Mine lang?" Ani Jang Ah.
"Alam niyo. Puro kayo kalokohan. Kaya ayokong magkwento sa inyo.Oh siya! Magsiuwi na kayo!" Pabiro kong saad sa kanila at kunwari ay tinataboy ko sila.Kung ano ano kasing sinasabi.
Huminto ang bus at doon sila ay sumakay. Pero hindi pa ako nakaalis sa pwesto ko ng makita ko kung sino ang bumaba doon.
"Mr. Song? Anong ginagawa mo dito?" Agad na napalingon ang tatlo kong kaibigan nang marinig nila ang pangalan ni Mr. Song.
Bababa sana sila ngunit huli na ang lahat para bumaba dahil mabilis na tumakbo ang bus na kanilang sinasakyan. Kung nagkataon nakababa sila, panigurado akong hindi nila titigalan sa tanong ang lalakeng nasa harapan ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tipid itong ngumiti sa akin.
"Tinext ako ni Mr. Kim at pinapapunta niya ako sa inyo." Nahihiya pa nitong saad sa akin. Parang hindi tuloy siya ang Mr. Song na kilala ko.
Yung kilala ko kasi ay seryoso at matapang pero ang Mr. Song na nasa harapan ko ngayon ay mahiyain.
"Ta-tara na." Yaya ko dito at sumunod naman siya sa aki sa paglakad papunta sa bahay. Tahimik lang kaming naglalakad. Wala akong maisip na sasabihin.
"Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin na Papa mo pala si Mr. Kim?" Basag nito sa aming katahimikan.
"Pag sinabi ko bang papa ko siya may magbabago ba?" Balik kong tanong dito pero hindi niya sinagot iyon. Napakamot na lamang ito sa ulo.
"Isa sa mga rason kaya ayokong may makaalam na Papa ko siya ay dahil ayokong ituring nila akong iba. Walang special treatment. Gusto ko kasing maging fair sa lahat ng trainee at ayokonv isipin nila na kaya ako naging Idol ay dahil sa Papa ko." Paliwanag ko dito. Tumigil na ako sa paglalakad ng marating na namin ang gate ng bahay.
"Mr. Song, ngayong alam mo na ang lahat pwedeng walang magbabago?" Tumingin ako sa mata niya. Baka kasi pagkatapos nito ay magbago siya ng trato sa akin.
Oo. Istrikto siya pero ginagawa niya lang iyon dahil trabaho niya iyon.
"Oo naman. Walang magbabago." Aniya. Papasok na sana kami sa loob nang may tumigil na kulay Itim na Cargo Van sa harap ng bahay. Sabay kaming napatingin sa Cargo Van. Bumukas iyon at iniluwa si Ji Sue.
Oo nga pala, inimbitahan siya ni Papa na pumunta. Agad itong lumapit sa kin at inakbayan ako.
"Hinihintay mo ba ako dito sa labas?" Tinaasan ko siya ng kilay at pilit na inialis ang kamay niya sa balikat ko.
Ibinaling naman niya ng tingin si Mr. Song na ngayon ay seryoso na ng ekspresyon ng mukha.
"Oh, Mr. Song right? I am Ji Sue." Inilahad niya ang kamay niya. Tila may kuryenteng nag uugnay sa kanilang mga mata nang magtama ang mga ito.
"Nice meeting you." Nakangising tinanggap ni Mr. Song ang palad nito.
Gabi na pero pakiramdam ko ang init ng paligid.
"Ok. Pwede na ba tayong pumasok sa loob?" Mabigat na kasi ang pakiramdam ko sa dalawang ito. Parang nagreresling na sila sa kanilang mga isip.
Papasok na sana ulit kami nang may dumating muli na Cargo Van. Ngayon ay kulay puti naman.
Napabuntong hininga na lamang ako. May bisita bang hinihintay sila Mama?
Hinintay kong bumukas iyon at si Loxe ang lumabas sa puting Cargo Van. Lumapit ito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Isang malaking ngiti ang ibinagay niya sa akin.
"Ininvite ako ni Mr. Kim. Birthday daw ng kapatid mo." Pati ba naman siya?
Si Papa talaga!
"Oh? Boys. Nandito na pala kayo." Napalingon ako ng wala sa oras kay Papa na nakadungaw na sa labas ng gate.Tinignan ko siya ng nanlilisik pero nagkibit balikat lang ito.
Agad namang pumasok ang tatlo at ganun din ako. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat ng mapansin nila ang Anim na lalake na nakapalibot sa bilog na lamesa at umiinom ng Alak.
"They are here." Ani Papa at sabay-sabay silang lumingon sa tatlong lalake na kasama ko. Tila may resbak na magaganap dahil sa sama ng kanilang tingin kila Mr. Song.
Napansin kong napalunok ng laway si Mr. Song. Si Ji Seu naman ay mukhang pinagpapawisan. At si Loxe ay ngumiti na tila napilitan lamang.
At ako? Napanganga na lamang.
Mukhang pinagplanuhan talaga ni Papa ito.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...