Canteen

660 30 0
                                    


Loxe's POV:

Matagal ding panahon na hindi ko siya nakikita at sobrang saya ko ng malaman ko na bumalik siya bilang trainee sa BH Entertainment.

Napansin ko din ang malaking pagbabago sa kanya. Alam kong maganda na sya noong bata pa kami pero lalo pa itong gumanda ngayon. Mas lalo tuloy akong ginanahan na pumunta ng BH building para makita siya.

Aaminin ko, noong bata palang kami ay may gusto na ako sa kanya pero hindi pa pwede dahil wala pa kami sa tamang edad at nang mawala siya ay akala ko wala na din ang nararamdaman ko sa kanya pero ngayon na bumalik siya, naramdaman kong muli ang sigla sa aking puso.

Tingin ko hindi ko lang siya gusto, mahal ko siya.

"Maglunch na muna tayo." Panyayaya ko sa kanila matapos ang aming dance practice.

Palabas na kami ng building nang mapansin ko si Ami na papasok sa Canteen.

"Ahm, guys, kayo nalang ang kumain sa labas." Saad ko sa mga ito.

"Ikaw itong nagyaya tapos ikaw itong aatras." Reklamo naman ni Bok Chul sa akin.

"Sige na. Kumain na kayo sa labas. Libre ko kayo next time. Ha? Ok?" Hindi ko na sila hinantay na magreklamo pa dahil tumakbo na ako papasok sa Canteen.

Hinanap kaagad ng mata ko si Ami. May mangilan-ngilan na hindi maiwasan na tingnan ako.

First time yata nilang makakita ng Idol na kakain sa Canteen. Kalimitan kasi ay sa labas kumakain ang mga nakapagdebut na at madalas ay staff at trainee ang kumakain dito.

Umorder muna ako sa Counter bago pinagpatuloy ang paghahanap sa kanya.

Napangiti ako ng sa wakas ay nakita ko na din ang hinahanap ko.

"Ami!" Agad akong umupo sa tabi niya at inilapag ang tray na may lamang pagkain. Muntik pa itong mabilaukan dahil sa ginawa kong pagsulpot sa tabi niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa kanya at nakita ko na may butil ito ng kanin sa kanyang pisngi.

"Ano bang ginagawa sa Canteen? Syempre, kakain." Pilosopo kong saad dito. Bakas pa din sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ilang taon ka na ba? Bakit ang kalat mo pa ding kumain?" Mabilis kong tinanggal ang kanin na nasa kanyang pisngi.

Naglikot ang kanyang mata at Mukhang nailang pa ito sa ginawa kong pagtanggal ng kanin sa pisngi niya.

"Bakit ka dito kakain? Bakit hindi sa labas?" Tanong muli niya.

"Bakit? Hindi na ba pwedeng kumain ang idol sa Canteen ng kanyang Agency? Porqe ba sikat kailangan laging sa restaurant kakain?" Balik kong tanong dito at nagsimula na ding kumain.

"Pinagtitinginan na kasi tayo." Aniya. Tumingin din ako sa paligid gaya ng ginawa niya. Pinagtitinginan nga kami.

"Hayaan mo sila. Wala akong pakialam kung mapagchismisan nila ako. Tsaka, ayaw mo nun? Sisikat ka kaagad dahil sa akin." Saad ko dito habang pinagpapatuloy ang pagkain. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang  kutsara niya na pinukpok niya sa ulo ko.

"Aray!" Mahina kong reklamo dito. Hindi naman malakas yung pagkakapukpok niya pero medyo OA ako kaya ganun ang reaksyon ko.

"Pwede ba? Ayoko ng chismis. Dalang-dala na ako." Saad nito at binalingan nalang niyang muli ang kanyang kinakain.

Sa totoo lang hanga ako sa katatagan niya. Isang malaking eskandalo ang nangyari sa kanya noon dahil sa balita na ama niya ang Bangtan at pinabulaanan naman ito ni Mr. Bang sa publiko.

Kung ako siguro sa kinatatayuan niya baka nagpatiwakal na ako sa kahihiyan pero iba si Ami. Hindi sya nagpaapekto sa balitang iyon at tila iyon pa ang naging lakas niya para malampasan lahat ng pagsubok na dumating sa kanyang buhay. At ngayon, nagbabali siya upang tuparin ang pangarap niya.

Pwede ng gawin teleserye ang buhay niya.

"Sige na. Mauna na ako sayo." Tumayo  na siya at paalis na sa kanyang pwesto nang bigla ko siyang hawakan sa kamay dahilan upang mapatigil sita sa pwesto niya.

Napatingin siya sa akin dahil sa pagpigil ko sa kanya.

"May gagawin ka ba after ng training mo?" Seryoso kong tanong dito.

"W-wala naman. Uuwi na ako pagkatapos ng training." Saad nito.

"Pwede ba tayong magdate?" Walang paligoy-ligoy kong saad dito. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon