Move On

385 23 2
                                    

Ami's POV:

"Good Job Girls! Mukhang ready na kayo sa inyong nalalapit na debut." Kakatapos lang ng aming recording at maganda ang kinalabasan. Sana lang magustuhan ng manonood.

"Wow. Tingin ko ay Ilang araw na lang ang bibilangin at magdedebut na tayo. Kyah! I'm so excited!" Ani Young.

"Ang bilis ng panahon akalain mong mararating na natin yung pinapangarap natin. Malapit na tayo guys! Kapit lang." Ani Minji.

"Oo nga Unnie, nagsisimula na din kumalat sa social media ang mga picture natin." Saad naman ni Bora.

"Congrats." Bati sa amin ni Loxe habang may bitbit itong inumin.

Ngumiti ako ng tipid dito at ganun din siya sa akin.

"Milk Tea Guys?" Alok niya sa amin at iniabot ang dala niyang inumin sa amin.

"Thank you Sunbae." Ani Bora dito.

"Thank you din pala sa kanta na binigay mo." Ani Young dito.

"No problem." Tipid niyang sagot sa amin.

"Ami. Pwede ba tayong mag usap?" Bumaling siya ng tingin sa akin.

"Ami. Mauna na kami sa Sasakyan." Ani Seung at nauna ng lumabas ng studio.

Nang kami na lang ang naiwan ay dahan-dahan itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Loxe."

"Wag kang mag alala, wala akong gagawing masama sayo." Aniya sa pabirong tono. Kahit hindi niya nakikita ay napangiti ako at niyakap din siya pabalik.

"Wow. Ngayon mo lang ako niyakap ng ganito. Baka mamaya bumalik ang feelings ko sayo dahil dito." Mabilis naman akong kumalas dahil sa sinabi nia at nag iwan iyon ng gulat sa aking mukha samantalang siya ay natawa lang dahil sa reaksyon ko sa sinabi niya.

Paano niya na sasabi ang ganoong bagay ng harap-harapan sa akin? Hindi ba siya naiilang?

Muli ay hinila niya ako at niyakap.

"Hindi ko na ito magagawa kapag naging Idol ka na kaya lulubusin ko na." Aniya. Kumalas din ito sa akin at hinawakan ang aking buhok na parang aso na kanyang inaamo.

"Keep in touch huh?" Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Magiging busy ako dahil sa aming mga project at tingin ko.." Huminga muna ito ng malalim bago itinuloy ang sasabihin.

"Tingin ko mas okay na lang na magkaibigan tayo. Kasi kung magiging tayo baka hindi kita mabigyan ng time dahil pareho tayong busy. Isa pa, baka magbreak lang din tayo dahil madami akong fan na babae." Hindi ko alam kung seryoso niya bang sinasabi sa akin iyon o nagbibiro lang kaya naman hindi ko mapigilan ang matawa sa mga pinagsasabi niya.

"That smile. Lagi mong gawin iyan. Gumaganda ka lalo kapag ngumingiti ka." Aniya at seryosong tumingin sa akin.

"Let's forget the past. Magsimula ulit tayo." Tumingin ako sa kanyang mata na tila ay nangungusap ito sa akin.

"Ikaw na yata ang example ng mga tao na hindi naman naging kayo pero nagmomove on." Pabiro kong saad dito.

"Gusto mo maging tayo muna tapos magbreak agad tayo para naman masulit ko ang pagmomove on ko sayo." Hinampas ko ng mahina ang braso niya dahil sa biro niya.

"Friends?" Inilahad niya ang kanyang kamay. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya.

"BestFriends."

---***---
Bae's POV:

"Ano kayang pag uusapan nila?"

"Hindi kaya magcoconfess si Loxe kay Ami?"

"Woah. I knew it. May something sa kanila ni Sunbae."

"Good evening po Mr. Song." Ani Seung ng makasalubong ko sila sa daan. Binati din ako ng tatlo at muling pinagpatuloy ang kanilang kwentuhan.

Hindi ko naiwasan na sumilip sa bintana ng studio nang mapadaan ako doon.

Dapat pala hindi na lang ako sumilip.

Pakiramdam ko tuloy ay tinutusok ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Si Ami, nakangiti ito habang yakap si Loxe.

Napasandal ako sa pader at napangisi sa aking naisip.

Tama si Ara. Torpe ako.

Matalino nga ako sa ibang bagay pero pagdating sa pag ibig ay wala akong alam.

Yun din siguro ang dahilan ng magulang ko kaya nila naisipan na ipakasal ako kay Ara.

At sa puntong ito ay wala na akong laban.

Kailangan ko na bang sumuko?

Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa taong alam kong hindi masaya sa akin.

Paalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Loxe.

Hindi ito nag alinangan na ngumiti sa akin. Tinapik niya ang balikat ko at lumakad palayo.

Hindi ko alam kung bakit niya ako tinapik na parang magka edad lang kami.

"Mr. Song? Ano pong ginagawa niyo dito?" Bumalik ako sa aking diwa ng mapansin ko ang babaeng nakatayo sa aking unahan.

Ang babaeng lihim kong minamahal.

"Ah, wala napadaan lang ako." Napakamot pa ako ng ulo dahil hindi ko alam ang sasabihin dito.

"Ganun ba? Okay." Tila disappointed ito sa sinabi ko.

"Ah! Yeah. Naalala ko, congrats pala." Ang kaninang disappointed na ekspresyon ay napalitan ng matamis na ngiti niya.

Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa ngiti nyang ibinibigay sa akin ngayon.

"See you around." Tanging salitang lumabas sa aking bibig at lumakad na palayo dito.

Bakit pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako?

This is not me.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon