Seung's POV:
"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Minji nang mapansin niya ang suot ko.
"Magpapahangin lang." Saad ko dito at lumabas na ako ng dorm. Suot ang jacket na may hood ay pumunta ako sa malapit na convenience store para bumili ng maiinom.
Bumili ako ng Apat na Beer in Can. Binawal ito sa amin ng ni Couch Wook pero trip kong uminom ngayon.
Imbis na sa dorm ako dumeretso ay naisipan kong sa Rooftop nalang. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan patungong rooftop nang marinig ko ang boses ni Ami at kausap niya si Loxe.
Malinaw kong narinig ang pinag usapan nila at aminin ko man o hindi, nasaktan ako ng sabihin niyang may gusto siya kay Ami.
How lucky she is.
Ang daming nagmamahal sa kanya.
Narinig ko ang mga yabag kaya naman bumaba ako at nagtago. Mabuti nalang at hindi ako napansin ni Ami.
Tumungo ako sa rooftop at naabutan ko si Loxe na nakatanaw sa malayo. Mula dito sa itaas ay matatanaw mo ang kagandahan ng mga ilaw ng mga katabing gusali. At pag tumingala ka naman ay makikita mo ang kinang ng mga bituin sa langit.
"One sided love is such a painful curse." Bungad ko dito habang tinatanaw ang tinatanaw niya. Napalingon siya sa akin.
"Nabasa ko lang sa isang libro mukhang in-apply mo naman." Sarkastiko kong saad dito.
Ngumisi lang ito sa sinabi ko.
"Here." Inabot ko sa kanya ang isang Beer in Can. Kumuha din ako ng akin at binuksan iyon at itinungga.
"Thanks. Kailangan ko talaga ito ngayon." Aniya at itinungga din ang beer.
"Ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya?" Direkta kong tanong dito. Tumingin ito sa malayo habang nakangiti.
Tss, nasaktan na nga nakuha pang ngumiti.
"Walang rason kung bakit ko siya nagustuhan. Basta gusto ko siya yun na yun." May saltik yata siya.
"Baliw ka ba? Bakit nakangiti ka pa din kahit binusted ka na?" Prangka kong saad dito. Tumingin siya sa akin at kumuha ulit ng Beer sa plastic na bitbit ko.
Naubos niya agad ang isang can? Samantalang wala pa sa kalahati ang naiinom ko. Anong tingin niya sa Beer, softdrinks?
"Kasi sinabi niya na hindi niya boyfriend yung Seu." Aniya at lalong lumaki ang pagkakangiti nito.
"Ibig sabihin may pag asa pa ako sa kanya." At muli ay ininum niya ang beer ng isang lagukan lang.
"Hindi uso sa akin ang salitang Suko." Naramdaman ko ang kamay niya ng tapikin niya ang balikat ko at paalis na ng rooftop.
"Paano kung mareject ka ulit?" Pahabol kong tanong dito.
Tumigil siya sa paglakad pero hindi na nag abala na lumingon sa akin.
"Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Sisiguraduhin ko na magiging akin siya. Just wait and see." Aniya at lumakad ng muli.
Ibang klase din siya. Gusto niya yata ma double murder ang puso niya.
Bahala ka sa buhay mo. Buhay mo naman yan. Bakit bako nangingialam?
---***---
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Novela Juvenil(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...