Ami's POV:
Napansin ko ang paglipat ng tingin ni Papa sa kamay namin kaya agad ko iyong kinalas.
"Bakit hindi mo siya imbitahan mag dinner sa bahay?" Ani Papa.
"Naku, Mr. Kim hindi na po. Pauwi na din po ako." Sa boses niya ay tila takot ito kay Papa.
"Are you sure?" Ani Papa.
"Opo. Sige po. Ms. Han. B-bye." Aniya at lumakad na paalis.
"Can you explain to me what's going on?" Naparolyo ako ng mata dahil sa tanong niyang iyon. Alam ko na ang iniisip niya.
"Papa. Kung ano man yang iniisip mo, nagkakamali ka. Ok? Tsaka, Saan kayo pupunta?" Saad ko dito.
"Bibili ng Gatas ni Monie sa Convenience store.Teka, Wag mo ngang baguhin ang usapan." Lumapit ako sa kanya at umabresyete sa kanya.
"Sasamahan ko na po kayo. Ibili niyo na din ako ng Ice cream." Panlalambing ko dito. Ang kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngiti.
"Dalaga na ang Anak ko. Madami ng manliligaw." Aniya.
"Papa!" Suway ko dito habang naglalakad kami.
"Tandaan mo, madami silang dadaanan na pagsubok bago kanila makuha." Natawa ako sa sinabi niya.
Tama si Papa. Madami talagang dadaanang pagsubok ang lalakeng magtatangkang manligaw sa akin.
At literal na dadaanan talaga dahil pito ang Tatay ko na kailangan nilang malampasan.
Pagnaiisip ko iyon hindi ko mapigilan ang matawa.
---***---
"Ami, pwedeng ikaw na ang kumuha ng Cake ni Monie sa restaurant nila Jin? Hindi ko na kasi maasikaso." Ani Mama na busy sa pagluluto ng handa ni Monie.
"Sige po Ma." Day off ko naman kaya walang problema sa akin.
"Happy Birthday Little Monie!" Bati ko sa aking kapatid na laging busy sa kanyang laruan.
"Happy Birthday Baby." Ani Papa at kinarga si Monie. Nakakatuwa. Magkamuha talaga sila.
"Jagiya, Ikaw muna ang mag alaga kay Monie. Magluluto lang ako." Ani Mama kay Papa.
"Ok. No problem. Ako munang bahala sa poging ito." Ani Papa habang sinasayaw si Monie.
Hindi naman bonggang birthday party iyon. Ang gusto kasi ni Mama ay simple lang at malalapit na kaibigan lang ang dadalo. Syempre, hindi mawawala ang Bangtan Boys at ang kanilang mga asawa't anak.
"Aalis na po ako." Papunta na ako ngayo sa restaurant para kunin ang cake sa restaurant nila Mr. Jin.
Habang nasa biyahe ako papunta ng resto ay narinig ko ang phone ko na tumunog kaya naman kinuha ko iyon at numero lang nito ang nagflash sa screen. Sinagot ko iyon baka kasi importante.
"Hello? Sino ito?" Panimula ko.
"Your Boyfriend." Boses palang alam kong siya na.
"Paano mo nalaman ang number ko?" Wala kasi akong matandaan na binigay ko ang number ko sa kanya.
"Hiningi ko kay Bora." Aniya.
"Ano bang kailangan mo?" Ayoko ng paligoy ligoy na usapan. Gusto ko sabihin niya na agad ang gusto niyang sabihin.
"Asan ka muna ngayon?" Tignan mo ito. Ako unang nagtanong tapos tatanungin din ako? Ano? Lokohan?
"Papunta ako ng Kang Restaurant. Teka, ano ba kasing kailangan mo?" Tanong kong muli.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Dla nastolatków(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...