Kabanata 1

767 21 0
                                    


Kabanata 1

Pinilit kong ipasok yung kamay ko dun sa manggas ng aking jacket dahil sobrang lamig. Sino ba naman kaseng mga sira ang lalabas ng dis oras ng gabi? Bakit pa kase kosumama sa mga 'to. Kainis.

"Hoy san ba talaga tayo papunta?".taka kong tanong kay Cassy, isa sa aking kaibigan.

Lumapit naman siya sa akin at tsaka ako inakbayan."Hay naku friend,di ba gusto mong makalimot kay fafa Benj?.Eto na 'yon oh,promise makakalimutan mo na siya!".nakangiti niyang tugon, isang mapait na ngiti naman ang kumawala sa akin.

Benj!. Ano ba kaseng problema ng lalaki na 'yon?. Bakit kailangan niya akong itaas ng pagkataas taas tapos hahayaan niya lang din naman pala akong bumagsak. Bakit pa niya ako pinasaya ng todo kung siya din naman pala yung magpapa iyak sa akin bandang huli!. Nasan ang hustisya don?.

"We're here!".masayang sambit ni Ran.

Tinaas ko ang aking tingin at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ng makita kung nasan kami. Nasa tapat kami ngayon ng isang malaki, luma at nakatatakot na bahay!.

Ngayon lang ako nakarating dito. Tsaka bakit nga ba kami nagpunta dito? Nahihibang na ata ako. Nahihibang ka na Zakhia Rien!

"Tara na!".yaya naman ni Jean sa amin pero hindi ako sumunod.

Ayoko! At isa pa hindi ako mahilig sa mga horror house no!. Hindi ako papasok diyan!.

Mukhang napansin nila na hindi ako sumunod kaya naman binalikan nila ako at halos kaladkarin na papunta dun sa malaking pinto.

Pilit akong nagpumiglas dahil kinakabahan talaga ako sa gagawin namin."Ayoko talaga guys, kayo na lang!".pagmamakaawa ko. "Alam nyo naman na takot ako sa horror house di ba?".

Malalakas na tawa ang kumawala sa kanila kaya naman kumunot ang noo ko. Patuloy lang sila sa paghila sa akin hanggang sa magtagumpay na silang ipasok ako dun sa may pinto at halos lumuwa ang mata ko dahil sa bumungad sa akin!.

Dumadagundong ang paligid dahil sa lakas ng tugtog, madilim at napaka daming taong nagsasayawan. Ang tahimik kapag nasa labas ka pero ngayon halos mabingi ako. I guess soundproof ang buong bahay.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko pero nagkibit balikat lamang sila at naglakad palayo sa akin. Iwan ba naman ako? Alam naman nila na hindi ako kumportable pag maraming tao.

Nagpalinga linga ako at humanap ng lugar kung saan walang ganung tao. Nakipagsiksikan ako makalapit lang dun sa bakanteng upuan ng may biglang nakasagi sa akin.

"I'm sorry!".sabay na sabi namin nung nakabangga ko. Pinilit kong aninagin ang mukha niya pero masyadong madilim, ang sigurado lang ako ay lalaki siya based narin sa boses niya at pangangatawan.

"Una na ako, pasensya na ulit!".halos pasigaw kong sabi dahil sa lakas ng tugtog.

Maglalakad na ako palayo ng higitin niya ang yung braso ko. Shit. Halos mahalikan ko na yung dibdib niya. Ang tangkad at ang bango bango naman ng lalaking 'to!.

"What's your name?".tanong pa niya.

Damn bakit pati ang boses niya parang ang gwapong pakinggan?.

Bahagya muna akong lumayo sa kanya bago sumagot. "I'm Rien, ikaw?".balik tanong ko sa kaniya.

"Devin?".kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

Patanong ba?

Tumaas ang aking kilay. "Tinatanong mo ba ako?. Bakit parang patanong yung pagkakasabi mo ng Devin?".weird.

"Devin!".sagot niya ulit. Mas pirmi ang boses niya ngayon.

Lalo lang kumunot ang noo ko."Ok ka lang ba?".dagdag na tanong ko dahil bigla na lang natahimik yung lalaki.

"Ah una na muna ako, sana magkita ulit tayo sa susunod!".tugon niya bago binitawan ang yung braso ko at pilit nagtatakbo palayo.

Anong problema nun?. Ang weird!.

Napailing na lang ako bago pinagpatuloy ang aking paglalakad patungo dun sa upuan na kanina pa bakante.

"May gusto po ba kayong inumin ma'am?".magalang na tanong nung isang bartender.

"Ah pakibigyan na lang ako nung sa tingin mo pwede sakin".sagot ko. Tumango naman sa akin yung bartender bago siya tumalikod.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na yung lalaki at nilapag sa may harap ko ang dalawang shot. Hindi ko alam kung ano yun pero kinuha ko agad ang isa dun at nilagok. Naramdaman ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan, ang tapang masyado. Ano ba 'tong inabot sakin nung bartender?

Kahit na nahihili ay nagpatuloy lang ako sa pag inom at yung kanina'y dalawang shot lang ay unti unti ng nadagdagan hanggang sa hindi ko na nabilang kung nakakailan na ako. Naramdaman ko na ang unti unting pag ikot ng paningin ko at pagkahilo.

God. Lagot ako kay kuya Raen nito bukas. Nasan na ba kase yung mga kaibigan ko?. Gusto ko ng umuwi.

Lalagukin ko na sana yung huling shot para makaalis na rin ako pagkatapos pero bigla na lang may humawak sa kamay ko.

"Kanina ka pa umiinom, lasing ka na".hindi ko na kailangan magtanong dahil mukhang alam ko na kung sino yung pumigil sa akin.

Nakakatawang isipin na kanina ko lang siya nakausap pero parang pamilyar na pamilyar na sakin ang boses niya.

Napangisi na lang ako at umiling."Binabantayan mo ba ako, Devin?".nakangisi kong tanong.

Ewan ko kung dala lang ng alak pero parang nagulat siya ng tawagin ko ang pangalan niya.

Binitawan niya ang kamay ko at umayos siya ng upo. Sayang nga lang talaga at hindi ko maaninag ang mukha niya."H-hindi kita sinusundan".pagtanggi niya sa bintang ko."Pero seryosong usapan, bakit ka nagpapakalasing?".halatang curious siya.

"Broken hearted."

"Sino namang tangang lalaki yan?".napangiti na lang ako bigla dahil sa sinabi niya lalo na dun sa part na 'tangang lalaki'.

"H'wag mo ng alamin kung sino".nakangiti ko pa ring sagot kahit umiikot na yung paningin ko."Basta masama siya, sobra nya akong nasaktan!".

Naramdaman ko ang nagbabadyang luha. Akala ko wala na yung sakit pero nandun pa rin pala, akala ko tapos na akong umiyak at natuyo na ang luha ko pero hindi, namahinga lang pala.

"Alam mo 'yon?. Sobra nya kong tinaas tapos bigla niya na lang akong hinayaang bumagsak!".

"Dapat sa kanya pinapatay".

"Grabe ka naman sa pinapatay.. ".nakakunot noo kong sabi.

"Dahil parang ganon na din ang ginawa niya sayo".natigilan ako dahil sa sagot niya."Parang pinatay ka na rin niya sa pinaka malalang paraan na alam niya. He broke your heart. Don't you think he's cruel?".

Sapul! Tinamaan ako sa mga sinabi niya at parang lahat ng mga salitang lumalabas galing sa bibig niya sumasampal sa akin. Tama kase sya, e!. Pinatay na ako ni Benj. Pinatay na niya ako sa paraang alam niya na kahit kailan ay hindi ko naisip na kaya pala niyang gawin.

Yung napakadami nyong pangarap at pangako sa isa't isa pero lahat 'yon bigla na lang nawala. Talaga bang hanggang dun na lang. Talaga bang ginawa lang ang mga pangako para paasahin ka sa mga bagay na hindi naman pala matutupad?.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon