Kabanata 21

110 4 0
                                    


Kabanata 21

"Ano? Nahimasmasan ka na ba ha?".mataray na tanong ko kay Skyler na nakahiga ngayon sa kama niya at kaiinom lang ng kape.

Grabe. Matapos niya akong sukahan kanina, ayun para siyang naging bata na sobrang kulit. Hindi ko ineexpect na pagkalabas ko galing sa ospital ay mag aalala kaagad ako ng lasing. Mabuti nalang talaga at nakita ko yung phone niya kanina. Tinawagan ko si Devin at nanghingi ng tulong. Tamang tama naman kase nasa malapit lang din siya that time.

Naglakad lang siya papunta dun sa cafè then siya na yung nagdrive para makauwi kami dito sa bahay nila.

"Yeah. Okay na kesa kanina".bored niyang sagot bago tumayo.

Napatingin siya sa akin na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang sa talampakan. Tss. Kumunot ang noo niya at ganun din ang naging reaksyon ko

"Saan ka kumuha ng damit?".nagtataka niyang tanong.

Napatingin naman ako dun sa damit na suot ko bago. May mali ba sa damit? Ayos naman ah. Ang cute nga nung oversized shirt na suot ko. May maliit na print pa sa gilid.

"Binigay 'to sa akin ng kapatid mo.. " nag aalangang sagot ko na mas ikinakunot ng noo niya.

"Are you damn serious Rien? Si Neriza? Pinahiram ka ng damit?".sunod sunod na tanong niya.

Ang noo ko naman ang kumunot ngayon.

"Oo. Bakit ba hindi ka makapaniwala?".

"Kase talaga namang hindi kapanipaniwala ang sinasabi mo. Teka nga. Nakausap mo ba siya?".

"Oo. Pagdating nga natin dito alam mo ba kung ano ang binungad niya sa akin?".

Umiling naman ang loko-- malamang hindi mo alam. Wala siya sa sarili kanina, e.

"Ang sabi niya.. " huminto ako sandali. Inayos ko yung buhok ko pati na ang pagkakatayo."Ang sabi niya.. KYAAAHHH ATE WHAT HAPPENED? ANONG NANGYARI KAY BROTHER?".pag uulit ko sa sinabi at naging reaksyon ng bunsong kapatid nila.

Well, kanina ko lang talaga nalaman na may kapatid pala silang babae at gaya ko, one of the boys din siya sa magkakapatid.

Narinig ko ang paghagalpak ni Skyler at halos umiyak na siya sa sobrang tawa. I'm not exaggerating sobrang saya lang nung pagtawa niya. Nakahawak pa nga siya sa tiyan niya, e. Tas pulang pula yung buong mukha niya.

"Bwisit ka, Skyler. Bakit ka tumatawa?!".naiinis kong tanong bago ako kumuha ng unan dun sa kama niya at paghahampasin siya gamit yun."Anong nakakatawa? Pwede ba tumigil ka na. Nothing's funny. Baliw".

Patuloy pa rin siya sa pagtawa habang ako naman, patuloy lang din sa paghampas sa kanya. Kabwisit, e.

"Grabe. Kuhang kuha mo yung paraan ng pagsasalita ni Neriz".hirit pa niya bago muling humagalpak.

"Bwisit. Ako pa talaga ang pagtatawanan mo ngayon? Hinayupak ka--"

"OHHH MY GOD, kuya Glean! Pati ba naman ikaw naglasing din? Gosh, mababaliw na ko sa inyo".

Napatigil kami ni Skyler dahil sa nadinig namin. Sigaw yun ni Neriza. Tatayo na sana ako ng biglang kumirot yung tagiliran ko dahilan para mapaupo ako ulit dun sa kama.

Ang tanga mo naman kase Rien. Sino ba kaseng may sabi na makipaghampasan ka?

"Hey. Masakit pa rin ba yung tagiliran mo?".nag alalang tanong ni Skyler pero tumango lang ako bago muling tumayo at lumabas sa kwarto niya.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko na may humawak sa akin. Nilingon ko kung sino 'yon at napailing na lang ako ng makita ko si Skyler na todo kapit sa braso ko.

Ganun ba siya kaconcern sakin? Kaya ko naman maglakad.

Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko na lang na alalayan niya ako hanggang sa tuluyan na kaming makababa dun sa hagdan. Agad akong dumiretso dun sa main door ng bahay niya at nakita ko don si Neriza na nakatayo pati narin ang isang maid habang si Glean naman, nakaupo sa sahig at nakasandal dun sa pinto.

Pati si Devin ay sumunod din dun sa baba tsaka lumapit samin.

"Kuya tayo na dyan!".naiiritang sabi ni Neriza na napairap pa sa kanyang kapatid."Grabe ka! Napapahiya ka tuloy kay ate Rien!".

Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at nagkatinginan kami nila Skyler at Devin. Nabalot ng katahimikan yung buong bahay haggang sa bigla na lang humagalpak ng tawa si Glean. Lahat ng atensyon namin napunta sa kanya.

"Si Rien?".hindi makapaniwalang tanong ni Glean."Hindi siya pupunta dito kase hindi na kami pwedeng magkita.. "

Patuloy lang sa pagsasalita si Glean habang ako naman, pasimpleng sinenyasan sila Skyler, Devin at Neriz na iwan na muna kami. Mabilis naman silang umalis.

Dahan dahan akong lumapit kay Glean at inalalayan siya para maupo dun sa may sofa. Bahagyang sumakit yung tagiliran ko dahil dun pero ayos lang.

Nang maiupo ko na siya, kumuha muna ako ng tubig. Nagpakuha narin ako dun sa mga maids nila ng bimpo na pwedeng ipampunas kay Glean para mabawasan naman ang pagka lasing niya

Inilapag ko yung palanggana na may lamang tubig dun sa center table at naupo sa tabi ni Glean. Ibinabad ko iyong bimpo sa tubig at bahagyang piniga bago pinunas sa mukha niya. Habang pinupunasan ko ang siya, hindi ko maiwasang mapatulala at mapatitig sa mukha ni Glean.

"Hey. Who are you?".nakangiti niyang tanong pero nanatili siyang nakapikit.

"A-ano--"

"Rien?".

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero agad niya ding binawi 'yon. Akala ko nakilala niya talaga yung boses ko ng ganun kadali.

"Biro lang. Alam ko naman na hindi siya pupunta dito".isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"Bakit mo naman nasabi na hindi siya pupunta dito?".nakakunot noo kong tanong habang patuloy sa pagpunas sa kaniyang mukha.

"Kase pinagbawalan na ako ng kuya niya na makipagkita sa kanya.. " napatigil ako at napatingin kay Glean.

Ibig sabihin totoo pala ang mga sinabi ni kuya Raen kanina. Ayaw na niya talaga na magkita kami. I'm wondering if ililipat na ba niya ko ng school para lang mapaglayo kami.

"Alam mo ba? Para na niya akong, ewan, hindi ko mapaliwanag. Alam mo yung pakiramdam na inilayo ka sa taong mahal mo? Ang sakit hindi ba?".

Hindi ko nagawang umimik dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa sinabi niya na 'mahal' niya ko. O, dapat ba akong malungkot kase pwedeng ito na yung huli naming pagkikita.

Desidido ako na hindi ko siya lalayuan pero ano namang magagawa ko kung si Glean mismo ang lalayo para lang masunod yung gusto ni kuya?

"Hindi ko nga alam kung kaya ko ba siyang layuan. Mahal na mahal ko yun, e".lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya."Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari pagnawala ulit siya sakin. I don't want to lose her".

Parang unti unting binibiyak yungbpuso ko dahil sa sakit lalo na ng may mga luhang bigla na lang tumulo sa pisngi niya. Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ni Glean at hindi ko ata kaya na nakikita siyang umiiyak. Tagos, e.

Damang dama ko yung sakit!.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon