Kabanata 27

117 4 0
                                    


Yun pong 'flashback' na mababasa nyo, pag uusap yun ni Glean at Jhea last time. Thanks.

Kabanata 27

Glean's POV

"Jhea ano ba?".

"Wow. So, kinakausap mo ko ngayon sa pamamagitan ng ibang language para hindi niya tayo maintindihan?".

"Please h'wag dito?".

"Bakit ba ayaw mong pag usapan ang tungkol sa nangyari nun sa Admerson?".

"Jhea, please stop. ".

"Ohhh. Oo nga pala. Ayaw mong malaman niya ang mga nangyari nun tama? Bakit Glean? Ganun ba siya kaimportante?".

"Jhea, I love her and i'll do everything jist to protect her. So, please, leave us alone".

"Okay ka lang?".

Napadilat ako bigla at umayos sa pagkakaupo dun sa swivel chair na nasa kwarto ko. Nakita ko agad si Devin nakaupo naman sa gilid ng kama.

"Yeah. I'm fine".mahinang sagot ko tapos bigla siyang ngumisi.

Guess he already had an idea na hindi talaga ko okay.

Ganun siguro talaga kapag may kakambal ka. Magugulat ka nalang kase nararamdaman niyo kapag hindi okay yung isa sa inyo tapos masasanay nalang din kayo sa ganung set up. It feels like there is a special connection between the both of you. Connection na hindi naman nararamdaman ng ordinaryong magkapatid.

"Here".

Biglang tumaas ang kilay ko ng makita kung ano yung hawak niya.

"Devin, wala ako sa mood uminom".

"Come on, Gle. pag usapan natin kung anong problema".

Napailing na lang ako."Pag usapan habang umiinom ng alak?".natatawang tanong ko and in the end tinanggap ko din yung alak na hawak niya."Magaling ka din no? Ganda ng idea mo".

"Mana lang ako sayo".natatawa niyang sagot.

tiningnan ko siya ng masama tsaka sinabihan ng siraulo.

."O bakit? Totoo naman ah? Magkaugali kaya tayong dalawa pero nagpapasalamat parin ako".lalo lang kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya.

lasing na ata 'to bago pumunta dito.

"What do you mean?".nagtatakang tanong ko bago ininom yung alak na binigay niya.

"Pasalamat ako kase hindi ko namana yung kapangitan mo!".

Halos maibuga ko sa mukha ni Devin yung natitirang alak na naa bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Gago!".mura ko tsaka siya binatukan."hindi hamak naman na mas gwapo ako kesa sayo".

tumawa nalang si Devin at hindi na siya nakipagtalo sa sinabi ko. Para kaming tanga. Nag aaway kung sinong mas lamang samantalang magkamukha naman kami.

ilang sandali pa kaming natahimik hanggang sa nagsalita ulit siya. mas seryoso na siya ngayon.

"Glean, anong problema?".

Hindi ko nagawang sumagot. Napainom ulit ako dun sa alak na binigay niya. Naghahanap ng lakas ng loob kung paano ko masasabi sa kanya lahat ng problema ko. Inubos ko na yung alak na binigay niya sakin hanggang sa ang kanina'y isang bote lang na alak ay nagdagdagan ng nadagdagan at muling nadagdagan at mas nadagdagan pa hanggang sa hindi na namin mabilang ni Devin kung nakakailang bote na ba kami. Nakuha pa naming pumunta dun sa mini bar para lang ipagpatuloy ang pag inom. Buti nalang talaga at naisip ni kuya Sky na magpalagay ng ganito sa Bahay.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon