Epilogue

215 5 0
                                    


Epilogue

After 1 year

Devin's POV

Hindi naging madali para saming lahat yung isang taon na dumaan.

Maraming nagbago, lalo na nung malaman ng lahat ang pagkamatay ni Glean. Noong una, hindi makapaniwala si mama at papa na wala na talaga ang kakambal ko pero ng makita nila ang bangkay ni Glean, napaiyak na lang sila ng napaiyak.

Napakalungkot naming lahat dahil sa pagkawala niya.

Mabilis kaminh umalis nung mga oras na pumunta si Glean sa lugar na sinabi ni Trevor. Isinama namin ni kuya Skyler si Rien papunta sa mansyon namin sa Bataan. Wala siyang malay nung oras na yun dahil sa sobrang pagkalasing habang si Raen naman ang nagprisenta na siya na ang bahala sa iba pa naming kasamahan at sa mga pulis na tumulong samin para arestuhin sila Nathan at iba pang kasama ni Trevor.

Sa loob ng isang taon, naging malungkot kaming lahat pero laking pasalamat ko na din kase kahit paunti unti ay nakakaahon na kami. Si mama at papa, nagdecide na dun muna mag-stay sa Bataan kasama si Neriza. Si kuya Skyler naman, pinagpatuloy na ang pag aaral niya. Nagbago siya ng course. Mas gusto niya daw kase talagang maging engineer kaya naman umalis na siya sa business management.

Samantalang ako, mas pinili ko na huwag na munang mag aral. Para kaseng hindi ko pa kaya. Sa tuwing pumupunta kase ako sa school, si Glean palagi ang naaalala ko. Hindi parin ako makapaniwala na nagawa niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay para lang sa taong mahal niya. Kung tutuusin ako dapat yung namatay, e.

Nakakainis dahil nahuli kami. Hindi na namin siya nagawang iligtas kase ng dumating yung mga pulis, patay na si Glean.

Si Rien naman, nakakausap parin namin siya. Hindi naman nagbago ang pagiging magkakaibigan namin pero may pinakiusap lang siya sa amin ni kuya Skyler. Nalaman niya kase yung nararamdaman namin para sa kanya. Kaya naman pinakiusapan niya kami na yung pagmamahal namin sa kanya, ituon na lang namin sa iba. Hindi kami nagreklamo at nirespeto namin ang gusto niya yun.

Ganun naman talaga di ba? Pagmahal mo ang isang tao, rerespetuhin mo yung gusto niya kahit na mahirap yun para sayo.

Tiningnan ko ng maigi yung black camilla na hanggang ngayon nasa akin parin. Ito ang dahilan kung bakit naggulo ang lahat.

"At ngayon na ang panahon para mawala ka".

Walang pag aalinlangan na binigay ko dun sa mga pulis ang black camilla. Dapat noon pa namin binigay sa pulis ang bagay na yun pero hindi namin magawa dahil sobrang daming humahadlang samin.

Matapos kong magsurrender sa pulis ay dumiretso agad ako sa tabing dagat para mapag isa at makapag isip kahit sandali.

Siguro kailangan ko ng planuhin kung anong gagawin ko sa mga susunod na taon.

"Ang lalim naman ng iniisip mo koya".

Bigla na lang akong napatingin dun sa nagsalita at laking gulat ko ng may babae ng nakaupo sa tabi ko. Isa siyang maganda at morenang babae. Actually, mukha siyang probinsyana.

"Ako nga po pala si Sasa, ikaw koya? Your what name is?"

Napangiti na lang ako at napailing dahil sa sinabi nito. Trying hard man siya sa english pero at least napangiti niya ako dahil dun.

"I'm Devin"

-*-

Skyler's POV

Napatingin na lang ako sa langit at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

Napangiti ako sandali.

"Sana masaya ka na ngayon, Glean".bulong ko.

Nakangiti kong ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa loob ng bar at ang malakas at napakaingay na tugtog ang agad na bumungad sa akin.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon