Kabanata 33

106 2 0
                                    


Kabanata 33

"Rien?"

Bigla akong napatingin dun sa tumawag sa akin at isang walang emosyong mukha ang binungad ko sa kanya.

"Are you alright?".nag aalalang tanong nito.

Mas pinili ko nantumango nalang sa kanya.

Hindi ko alam pero ng marinig ko galing kay Neriza na hindi makakapunta si Glean bigla na lang akong nalungkot.

Bakit naman kase ngayon pa siya nagkasakit?.

"Ahm, Rien, magpalit ka na. Malapit na kaseng mag eighteen roses!".nakangiting sabi naman ni ate Zoe.

Tumango na lang ako at nagpaalam kay mama na babalik na muna ako sa kwarto namin. Tahimik lang ako at nakayuko habang nakasunod kay ate Zoe.

Nawala na ang excitement ko para sa 18 roses. Wala kase siya. Sayang kase mukhang hindi matutupad ngayong gabi yung hiling ko na makasayaw ulit si Glean.

Nanatili lang sa labas si ate habang dumiretso naman ako sa bathroom at nagpalit. Paglabas ko ay naabutan ko si kuya Gino, yung nagmake up at nag ayos sakin.

Sinenyasan niya ako na maupo na dun aa upuan na nasa harap ng salamin. Nagsimula na siya sa pag aayos sa buhok ko at paglalagay sa akin ng make up.

Wala parin akong kibo. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba mamaya o hindi na.

After ayusan ni kuya Gino, tiningan ko munang mabuti ang suot ko. Sa totoo lang, napakaswerte ko kase nasunod lahat ng gusto ko ngayong gabi pero hindi ko magawang maging sobrang saya.

Isang puting gown ang ang suot ko. Nakalugay na ngayon ang buhok ko at kinulot ni kuya Gino ang dulo para mas maging maganda.

"Lets go".yaya sa akin ni Ate Zoe at gaya kanina, tahimik lang akong sumunod sa kanya hanggang sa papuntahin niya ulit ako dun sa likod ng stage at muli iyong bumukas.

Agad na bumungad sa akin si papa na may dala dalang isang puting rosas at nakangiti. Iniabot niya sa akin yung rose at tsaka ako sinayaw. Ang sunod naman na lumapit sa akin ay si kuya Wayne at gaya ni papa, inabot niya din sa akin yung rosas bago kami sumayaw na dalawa.

Patuloy lang yun hanggang sa makasayaw ko si kuya Jackson, kuya Gene, Xian, John, kuya Sam, Mason, Rocky, kuya Ayen, kuya Iñigo, kuya Coren, Iro, Rio, Devin at Skyler.

"Sorry nga pala kung hindi nakapunta--"

"H'wag na natin siyang pag usapan".pagputol ko sa sasabihin dapat ni Skyler at mabilis na pumatak ang luha ko.

Pinilit kong pigilan pero wala, e.

"Hey, don't cry. You should be happy. Birthday mo ngayon".sagot pa niya at tsaka pinunasan ang mga luha ko. "Kilala mo si Glean, hindi yun papayag na hindi ka niya makakikita lalo na ngayon. Trust me, darating 'yun".

"Sana nga. Maghihintay ako".isang yakap ang natanggap ko galing sa kanya at agad naman na gumaan ang pakiramdam ko dahil dun.

"Happy 18th birthday, Ri-Ri!".

Si kuya Raen ang huling nakasayaw ko pero wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa matapos ang sayaw.

Ang 18 roses na inaasahan ng lahat ay naging 17 roses na lang dahil wala siya!.

-*-

(One hour before the party)

Glean's POV

Ang totoo, wala akong sakit. Hindi ko lang talaga alam kung makakapunta ba ako o hindi dahil sa mga nangyayari ngayon.

I know, masasaktan siya pero kailangan kong unahin ko 'to dahil kung tutuusin, ito ang mas mahalaga. Sana lang talag h'wag siyang magalit sa akin kase may mga dahilan naman ako.

Para rin 'to sa kanya.

I just want to protect her kaya ginagawa ko 'to.

I'm so sorry, Rien.

"Ang simple simple lang ng inutos ko sayo pero hindi mo pa nagawa? I'm so disappointed, Glean".galit na sigaw ni lolo sakin pero wala naman akong pakielam.

Sinabi ko na sa kanya, wala akong pakielam sa black camilla. Willing nga ako na isurrender na yun sa pulis para matapos na lahat ng 'to. Pati si kuya Sky at Devin pabor sa gusto ko pero pinipigilan lagi kami ni lolo.

Gustong gusto niya talaga na makuha yun pero hindi kami papayag.

"Ano ngayon, lo? I already told you, wala naman akong pake dun".sagot ko.

Nakakainis siya. Nagulo ang lahat dahil sa kanya. Akala ng maraming tao, part kami ng underground society but that's not true. Binuo lang ni kuya Sky ang ESG to protect Rien and the black camilla kase ang daming masamang tao na nagkaka interes dun. Believe it or not pero katulong kami ng pulis para protektahan yung lintik na relo at kwintas na yun.

"Mukhang naisahan kita ngayon apo!".bigla na lang siyang napahagalpak na akala mo nawala na sa sariling katinuan.

Ganito ba talagang klase ng lolo ang meron kami?

Bakit ba gustong gusto niya ang black camilla samantalang ninakaw lang naman yun? Ni hindi nga namin alam na yung pinamana pala samin ay ninakaw galing sa isang mayamang pamilya. Tangina.

"Ano bang problema mo?".tanong ko na ikinatigil niya."Bakit ba hindi mo na lang kalimutan yang lintik na black camilla na yan?".

"Hindi ko titigilan ang black camilla dahil mas mahalaga pa para sa akin ang bagay na 'yun kesa sa buhay mo!".

Tangina ito ba talaga ang kamag anak ko? Alam ko na hindi ako pinanganak na perpekto pero hindi ako pinanganak na may sungay gaya ng lalaking 'to.

Sobrang laki na ng pinagbago niya. Puro kayamanan lang ang mahalaga sa kaniya ngayon.

"Kamatayan ang kapalit nito apo. Alam mong maraming nag iinteres sa napakamahal na relong yun".muli siyang napahagalpak at parang nanalo na siya."Wala kang laban sa kanila. Wala kang laban sa kapatid mo".

Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niy.

Hindi ko siya maintindihan. Iba lagi ang tumatakbo sa isip niya at nararamdaman ko na may pinaplano siyang masama.

"Alam mo apo, may isa pa namang paraan para hindi mawala sa mundong ito si Rien. Kunin mo sa kanya ang susi, ibigay mo sakin, kukunin natin ang black camilla, yayaman tayo lalo at tsaka mo siya layuan? Tapos ang usapan!".

"No! I will never do that. Hindi mo ako kilala, lo. Marami akong kayang gawin na hindi mo inaasahan. H'wag kang kukurap kase baka magulat ka na pagdilat mo, nakaluhod ka na sa harap ko".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon