Kabanata 17Layuan?
The heck? He wants to control my life. Damn. May sarili akong desisyon sa buhay at bakit naman siya makikialam don? Ayoko. Hindi ako papayag. No one can dictate me.
It's my life and no one can control me. Not even kuya.
"Rien.. " napatigil ako sa paglalakad ng madinig ang boses niya.
,dahan dahan ko siyang nilingon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Glean na nakatayo sa harap ko. He's wearingan eyeglasses and it suits him well. Siguro nagsusuot siya nun para maging palatandaan din sa kanila.
Naalala ko tuloy nung mga unang araw ko dito. Si Devin ang madalas na nakasuot ng eyeglasses, kaya siguro akala ng ibang estudyante, siya si Glean pero ang totoo ay nagpalit sila.
Ang dami niyang nabiktima. Palibhasa magkamukhang magkamukha kase.
"Bakit bigla kang nawala kahapon?".nagtatakang tanong nito.
Umiling na lang ako sa kanya at kumunot naman ang noo ni Glean.
"Ri, is there any problem? You can tell me and maybe I can help you. Please?"
Umiling ulit ako.
Nadinig ko ang malalim niyang paghinga."Hindi ako sanay na ganyan ka. If you have a problem and you don't want to talk about it, it's alright. Basta lagi lang akong nandito para sayo. Okay?".dagdag pa niya bago pinatong yung kamay niya sa ulo ko. Bahagyang pa niyang ginulo yung buhok ko.
Ngumiti siya sakin habang ako naman ay napakagat na lang sa labi para pigilin ang mga luha ko.
Bakit ba kase kailangan ko pa siyang layuan?
I don't want to avoid him. Gusto ko nandito siya lagi sa tabi ko. Siya nalang yung lakas ko, e. Siya nalang.
Buong araw wala ako sa sarili ko. Wala akong naintindihan ni isa sa mga tinuro ng prof namin dahil hindi ko magawang makapagconcentrate. Sobrang daming pumapasok sa isip ko.
Huminga ako ng malalim bago pinihit yung doorknob ng main door sa bahay pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.
"Here we go again. Magtatalo na naman ba tayo, Amelia?".
"Hindi 'to matatapos hangga't may paghihinala ka sa akin Alfred!".
"I told you already, ayos na ko. Tanggap ko na. Everything is clear to me now. Bakit pinapalaki mo na naman yung issue?".
"Kase kahit ilang beses mo itanggi, alam ko na hindi ka parin okay sa nangyari!".
"Kung yan ang pinaniniwalaan mo, bahala ka--"
"See? Sa bibig mo din mismo nanggaling!".
"Oo, Amelia. Inaamin ko, siguro nga hindi parin ayos sakin ang lahat but I'm trying to understand our situation. Believe me, sinusubukan ko!".
Isinara ko ulit yung pinto at nanatili sa labas. Napatakip na lang ako sa tainga ko at yumuko. Kasabay nun ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko at ang pagsikip ng aking dibdib.
"You know what? I can't understand you anymore".
"Kung hindi mo ako maintindihan Alfred, edi ituloy na natin yung sinabi ko. Maghiwalay na tayo!".
"What? Sa tuwing magkakaproblema, hiwalay kaagad ang gusto mo. Ganun ba ko kadaling itapon para sayo, Ami?".
"Oo kase nasasakal na ako. Sakal na sakal na ko".
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Padaskol kong binuksan yung pinto at hinarap sila. Napatigil si mama at pala sa pagsisigawan habang pinipilit ko na huwag mas lalong humagulgol pero walang saysay.
Iyak na ako ng iyak.
"Ma, pa, ano bang nangyayari sa inyo? Nahihirapan na ako. Lagi na lang akong tinatanong nila Rio at Iro kung magiging ayos pa ba ang lahat. I keep on telling them that everything is going to be fine pero sa pinapakita at kinikilos nyo? Hindi ko na po alam kung maniniwala pa ba ako na magkakaayos kayo. Ma, pa, hindi ko na alam yung gagawin ko".padaskol kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko."Hindi ko na po kayo maintindihan. Ang hirap nyo kaseng intindihin!".
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at nagtatakbo patungo sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at sinara lahat ng bintana bago nahiga sa kama at sinubsob ang sarili ko sa unan.
Dun ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iniyak ko lang ang lahat hanggang sa kusa na lang akong makatulog.
Mas mainam na tulog na
lang ako kase kahit papaano natatahimik ang lahat. Hindi ako nasasaktan. Hindi ko naiisip ang mga masasakit na bagay na nangyayari sa akin ngayon.Bakit ba kase hindi na lang maging madali ang lahat?
-*-
"Ri-Ri alam mo sobrang namiss kita".
"Namiss din naman kita Gi-Gi".
"H'wag mo akong kakalimutan kahit anong mangyari okay?".
"Oo naman!".
"Ri-Ri akala ko ba hindi mo ako kakalimutan?".
"Anong sinasabi mo? Who's Ri-Ri?".
"Ano ka ba? H'wag ka namang ganyan!".
"Pwede ba wag mo nga akong hawakan. I don't even know you".
"Ri-Ri.. "
Bigla akong naalimpungatan at isang puting kisame ang agad na bumungad sa akin.
Sigurado ako na hindi ito ang kwarto ko. Nagpalinga linga ako sa buong paligid at dun ko lang napagtanto na nandito ako ngayon sa infirmary.
Bigla akong napatingin dun sa may pinto ng madinig ko ang dahan dahang pagbukas non.
"G-gising ka na pala".halatang nagulat ito ng makita ako. "S-sorry kung pumasok ako!".
"Ayos lang".pinilit ko na ngumiti sa kaniya pero bigla na lang kumirot yung sa gawing sintido ko."Shit!".
"O-okay ka lang ba?".nag aalalang tanong niya at lumapit sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya pero ayaw makisama ng headache na 'to. Parang binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit. Bahagya naman akong napaigtad ng bigla na lang hawakan ni Devin yung noo ko.
"Nilalagnat ka".halata parin ang labis na pag aalala sa mga mata niya ngayon."Humiga ka muna".inalalayan niya ako at dahan dahang humiga ulit."Kukuha lang--"
"Devin?".
Napatingin kaming dalawa dun sa may pinto at laking gulat nami ng makita namin si Glean na seryosong nakatingin saming dalawa.
"L-lalabas na muna ako".mahinang paalam pa ni Devin bago naglakad palayo at ng magkatapat sila ni Glean ay hindi man lang sila kumibo sa isa't isa.
Nakagat ko na lang ang labi ko. Hindi ko kase talaga sila maintindihan.
Kung umasta sila parang hindi sila magkakambal. Hindi parin ba sila nagkakaayos?
Napatingin ako kay Glean ng lumapit ito sakin. He sat beside me then he removed his eyeglasses. Gusto ko tuwing nakikitang nakasuot siya ng salamin pero hindi ko matatanggi na mas gwapo siya kapag wala yun.
Napahilamos si Glean sa mukha niya bago hinawakan yung kamay ko.
Bigla akong kinabahan.
"Ri, ano man ang sabihin ng iba, hwag mo silang susundin. Please, h'wag mo silang sundin. I don't want to lose you again, baby".
Ilang beses pa niyang hinalikan yung kamay ko at mas hinawakan yun ng mahigpit.
"Damn. Rien, hindi ko yun kaya. Hindi ko kakayanin paglumayo ka sa akin".
Shit. Bakit parang binibiyak ang puso ko sa sakit dahil sa mga sinabi niya?

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...