Kabanata 37

109 4 0
                                    


Kabanata 37

"Pasok ka muna".yaya ko kay Glean na nanatili lang na nakasandal sa kotse niya.

He's allowed to drive his own car kase nineteen na siya samantalang ako, kaka-eighteen pa lang.

He hold my hand then hinalikan niya yun ng ilang ulit.

"Hindi na muna. Alam mo naman na hindi pa kami ganun kaayos nila tita".

Isang malungkot na ngiti ang agad na kumawala mula sa kaniya at ganun din sa akin.

He's right. Hindi pa sila ganun kaayos kila mama pero hindi rin naman tumutol sila mama ng maging kami na ni Glean. I guess magiging okay din sila sa susunod.

Naramdaman ko ang pag init bigla ng pakiramdam ko ng yakapin ako ni Glean ng mahigpit. Idiniin ko ang aking mukha sa dibdib niya at naamoy ko agad yung nakakaadik na pabango niya.

Ano kayang brand name nun? Kahit pang lalaki yung gamit niya, parang gusto ko parin na bumili para magamit ko rin.

"Magiging okay din naman siguro kila tito at tita ang lahat. Hindi man ngayon pero malay natin hindi ba?".

Halata ang lungkot sa kanyang boses ni Glean. Sana nga. Sana maging okay na sila.

"Hayaan na lang muna natin silang makapag isip okay? Ang importante, magkasama tayo".

Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap niya tsaka tumango.

Isang halik sa noo ang binigay niya sa akin."Pasok ka na. Mahamog na dito sa labas".

Niyakap ko ulit siya bago tuluyang pumasok sa bahay namin at hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.

Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at kalong kalong niya ang aso ko na si Cayden. Ngumiti sa akin si mama at sinenyasan ako na maupo sa tabi niya.

Sinunod ko naman yun pero hindi ako kumibo.

"Mahal mo?".bungad niya sa akin at kumunot naman ang noo ko."Ipinaglaban mo siya sa amin nun. Naging matapang ka para sa kaniya".

Unti unti kong naitindihan kung ano ang tinutukoy ni mama at isang ngiti ang bigla na lang kumawala galing sakin.

Oo, pinaglaban ko si Glean pero hindi hamak na mas malaki parin ang naging hirap niya kumpara sa akin.

"Are you happy?".

"Yes, ma. Sobra. Masaya ako na kasama ko siya ulit".halos pabulong na sagot ko at naramdaman ko ang dahan dahang pag akbay sa akin ni mama.

Isinandig niya ang ulo ko sa kanyang balikat at binigyan ako ng halik sa noo.

"Maybe Raen, Alfred and I were wrong".napabuntong hininga ito."Malaki ka na nga anak. Nagmatured ka na and you already have your own decisions. I'm happy for you, Rien. I'm happy for you and for Glean".

Naramdaman ko na may biglang tumulo na luha sa noo ko. Umiiyak si mama.

Nanatiling tikom ang bibig ko at tahimik na pinakinggan lahat ng sinasabi niya. Namiss ko yung ganito. Yung lagi kaming magkausap ni mama. Lagi kong sinasabi sa kaniya yung mga problema ko. Lagi kong sinasabi sa kaniya yung mga masasayang bagay na nangyari sa akin. Lagi ko siyang inaupdate sa tuwing mag iiba na yung crush ko.

Lagi ko siyang kasama at palagi siyang nasa tabi ko.

"I missed you, ma".nakangiti sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss din kita anak ko".

-*-

Glean's POV

"Neriza".

"Yes, kuya?".taka niyang tanong bago naupo sa tabi ko."May problema po ba?".

Hindi ako kaagad nakasagot. Tiningnan ko lang siya ng maigi hanggang sa isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Napangiti na lang ako ng hindi ito kumibo at hinayaan lang ako na nakasandal sa kanya.

Akala ko itutulak niya ko palayo.

"Neriz, what if ito na yung last time na makikita mo ako? May gusto ka bang sabihin sakin?".

Naramdaman ko na bigla siyang natigilan. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Laging sinasabi satin ni mama ma hindi natin alam kung anong pwedeng mangyayari. Kung sakali ba na mawala ako malulungkot ka?"

"Kuya naman, e!".

Napaayos ako ng pagkakaupo ng bigla na lang niyang hampasin ang braso ko. Napatingin ako sa kanya pero masama ang tingin niya sakin.

"Pwede ba kuya Gle? H'wag kang magsalita ng ganyan".

Ang kaninang masamang tingin niya sakin ay napalitan ng lungkot.

"Nakakainis na kayo, e. Lagi din akong tinatanong nila kuya Sky at kuya Vin ng ganyan. Bakit kuya? May balak ba kayong tatlo na iwan ako?".

Mabilis na tumulo ang mga luha ni Neriz. Lumapit ako sa kanya para sana punasan yung pero bigla siyang lumayo sakin. Para bang takot na takot siya sakin.

"Iiwan nyo na ba ako kuya? Kaya ba ganyan kayo magsalita?".humihikbi niyang tanong.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ulit ako nakasagot sa tanong niya.

Sinubukan ko ulit lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko na nalilito siya ngayon pero alam ko rin na maiintindihan niya kami pagdating ng panahon.

"Hindi ka namin iiwan okay?".bulong ko.

Ilang ulit kong hinalikan yung noo niya at mas hinigpitan yung yakap ko.

"Alam mo kase, Neriza, hindi biro yung mga grupong nagkakainteres sa black camilla. They are willing to do anything, makuha lang yun relo at kwintas. Kuya Sky, Vin and I, have to protect the black camilla para hindi yun mapunta sa masama and masurrender na yun sa pulis kaya hinahanda lang namin yung sarili namin. Pati na rin yung mga taong maaring maiwan namin--"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya at nagtatakbo papunta sa taas.

Fuck. Ano bang pinagsasabi mo Glean?

Tinatakot ko na ang kapatid ko pero totoo naman 'yon, e.

Hindi ko alam kung sa mga susunod na araw, makikita ko pa ba sila. Kung mayayakap ko pa ba sila.

Gusto ko na bago man mangyari yung kinatatakutan ko, masabi ko muna sa kanila lahat ng gusto kong sabihin.

Nakausap na namin ang mga pulis. Alam nila ang tungkol sa black camilla dahil dati pa pinaghahanap yung nagnakaw dun. Nilinaw namin sa kanila na wala kaming alam na nakaw pala yung relo at kwintas na pinamana samin kaya nakipagtulungan kami sa kanila. We have an agreement na isusurrender yun pero natagalan kami dahil wala samin ang susi.

At ngayon, nalaman na ng ibang grupo sa underground society na nasa amin ang black camilla kaya nagulo ang sitwasyon.

Kaya nangyari lahat ng 'to.

-*-

Devin's POV

Biglang kumunot ang noo ko ng makita ko si Neriza na umiiyak at nagtatatakbo papunta sa kwarto niya. Mabilis ko siyang sinundan at ng isasara na niya yung ay mabilis kong ikinalang ang kamay ko dahilan para mapalingon siya sakin.

Namumula na ang mga mata niya at.

Hinigit ko ang kanyang braso at niyakap siya ng mahigpit.

"Kuya Vin, ayokong mawala si kuya Glean".humihikbing sabi niya na nagpatigil sakin."Ayoko siyang mawala. Ayoko siyang mawala satin. Kuya, please, gumawa ka ng paraan para hindi siya mawala. Please".

mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadya ng bumagsak.

"Kuya, please. Hindi ko kaya kalag nawala si kuya Glean".

Isang malungkot na ngiti ang agad na kumawala sa akin kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Hindi mawawala si kuya Glean mo.. "

Kasa ako yung mawawala sayo. Ako yung mang iiwan sa inyo.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon