Kabanata 22Glean's POV
Fuck. Ano bang nangyari kagabi?
Bakit sobrang sakit ng ulo ko tsaka paano ako napunta dito sa kwarto ko? Ang huling natatandaan ko, kinausap ako ng admin after nung nangyari. Sobrang galit sila sakin pero kinausap sila ni papa then after nun, umalis na ko. Pumunta ko dun sa bar namin tas hindi ko na alam ang nangyari.
Natigil ako sa pag iisp nung may biglang kumatok.
"Kuya Glean, gising ka na ba?".napabalikwas ako ng bangon ng bigla na lang bumukas yung pinto.
Binalot ko agad sa katawan ko yung kumot bago tiningnan si Neriza-- nakakunot ang noo ko at ganun din siya-- nakataas pa kamo ang isang kilay.
"Lamig na lamig ka? Hello. Nakapatay po kaya ang aircon dito sa kwarto mo".mataray niyang sabi bago humalukipkip.
Manang mana talaga siya kay kuya Sky. Ang sungit nila pareho. Sa pamilya namin, silang dalawa lang yung masungit. Lahat kami approachable at palangiti. Hindi ko nga alam kung bakit ganyan sila, e.
"Sira ka ba Neriza? Kababae mong tao basta-basta ka na lang pumapasok".sermon ko sa kaniya.
umirap ulita siya sakin."Kuya, kumatok kaya ako".
"Kahit na. Hindi mo naman sinabi na papasok ka".hirit ko pa bago siya pinandilatan.
Lagi kaming ganitong dalawa. Kami yung madalas na nag iinisan pero sa totoo lang, close naman kami. Saming tatlo na kuya niya, ako ang pinakaclose ni Neriz.
"Para kang bata, kuya Gle!".
"Mas mukha kang bata".pang iinis ko.
"Pwede ba, kuya. I'm not bata na kaya. Twelve na ako. Okay?".
"Yeah, whatever. Kahit naman anong sabihin mo ikaw pa rin ang pinakabata sa ating apat. Hindi ba baby?".
"Okay, fine! Tama na nga kuya. Tsaka bakit ka ba kase balot na balot?".pag uungkat niya sa kaninang usapan.
Lumapit ito sakin tsaka hinawakan yung dulo ng kumot ko. Nanlaki yung mga mata ko dahil sa ginawa niya. Shit.
"Hindi naman malamig. Ang init nga dito sa room mo, e. So bakit--"
Hihilahin niya. Shit. Hihilahin niya.
"Damn. Neriza, wala akong suot. Get out of my room!".utos ko.
Bwiset talaga. Kapag nalaman ko kung sino ang nag iwan sakin dito sa kwarto ng walang kahit anong damit, lagot siya sakin.
Ngumisi bigla si Neriz. Okay. Ano na namang kalokohan ang naiisip nito?
"Asus para namang may bago dun. Hilig niyo nga nila kuya Devin na naglalakad ng nakahubad, e-- "
Nanlaki ang mga mata ko. "Neriza hindi ka nakakatuwa".tensyonado kong sabi.
"Hindi naman ako nagpapatawa, kuya".
Mas hinigpitan niya yung hawak dun sa dulo ng kumot. Iniinis niya talaga ko. Sobra.
"Damn. Neriz, are you out of your mind?".hindi ko makapaniwalang tanong na mas ikinangisi niya."Neriza.. isa!".
"Hmm?".
"Neriza Quiatona Villa Fuente, dalawa. H'wag mong hintayin na makatatlo ako".naiinis na talaga ako.
Magsasalita pa sana ako ng may biglang lumapit sa aming dalawa.
"Anong meron dito?".dali daling napatayo si Neriza at lalabas na sana ng biglang magsalita ulit si kuya Skyler. "Saan punta mo?".
Dahan dahan siyang napatingin ulit sa amin kaya ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya.
'Akala mo makakaligtas ka ha?' pang iinis ko.
"Hehe. Kinakamusta ko lang naman po si kuya Gle".sagot ni Neriz tas bigla niya kong inirapan.
"Kinakamusta ba talaga? " bulong ko na mukhang nadinig ni kuya dahil bigla siyang tumingin sa akin."O, bakit ganyan ka makatingin kuya?".
"Para ka kaseng bata. Bakit ba nag aaway kayo?".tanong naman niya na ikinairap namin ng sabay ni Neriz.
"Hindi naman kami nag aaway, e".sagot ko bago humalukipkip."Si Neriza yung may kasalanan kase bigla siyang pumasok".
"Pero kumatok po ako!".pagtatanggol ni Neriza sa kanyang sarili.
"O, kumatok naman pala. Anong problema mo?".baling sa akin ni kuya kaya napairap ulit ako.
Sinenyasan ko si kuya Sky na lumapit sa akin at tsaka ko siya binulungan. Biglang namula ang buo mukha ni kuya at ibinalik kay Neriza ang tingin.
"Neriz, labas".utos niya kaya naman bahagya akong natawa.
Napairap naman yung bunsong kapatid namin bago nagmartsa palabas.
Nang kami na lang ni kuya ang nandun, ibinaba ko na yung kumot na nakabalot sa akin. Pinagpawisan kaya ako!.
Inabot sakin ni kuya yung tuwalya ko na nakasabot malapit dun sa closet. Tumayo naman ako tsakanpumasok na dun sa banyo at binuksan yung shower.
"Hey, Glean".tawag sa akin ni kuya mula sa labas.
Akala ko umalis na siya.
Patuloy ko lang na binasa yung katawan ko. Sana pagkatapos nito, mawala na talaga yung sakot ng ulo ko.
"She's not wearing the necklace anymore. What's your plan now?".tanong ng kapatid ko.
Yung kwintas ang inaalala niya habang si Rien naman ang inaalala ko.
"I din't care about the necklace. Si Rien ang kailangan ko, hindi yung susi".sagot ko sa kanya.
"Pero hindi mo na siya pwedeng makita hindi ba?".
Bigla akong napatigil at nanlanta dahil sa sinabi ni kuya. Itinukod ko ang kamay ko dun sa pader at yumuko. Pilit ko ring pinigilan yung mga luha ko pero walang epekto. Kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa shower ang pagtulo din ng mga luha ko.
Hindi ko inaasahan na sa pangalawang pagkakataon, malalayo na naman kami sa isa't isa. Hindi ko rin alam kung kaya ko pa ba na wala siya. Ang hirap kase, e. Ang sakit para sakin na yung taong mahal na mahal ko nun pa man, hindi ko na naman malapitan.
Matapos kong maligo, bumaba narin ako para kumain ng agahan. Naabutan ko sila mom, dad, kuya Sky, Devin at Neriza na kanina pa ata kumakain at tingnan mo nga naman, nandito din ang magaling kong lolo.
Pakiramdam mo mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa kanya.
"Glean, apo. How's your mission?". tanong agad sa akin nung matanda."May nalalaman ka na ba tungkol sa--"
"Tungkol sa black camilia? Tss. Wala akong pakielam dun at kung may nalalaman man ako tungkol dun, I won't tell you".naiinis kong sagot bago sila tinalikuran."I also want to tell you something, lo. Hindi mo na ako makokontrol. I will do what I want to do. It's my life, my choice and you can never change my decisions".
Mabilis akong umalis at pumunta sa kung saan. Gusto ko munang mapag isa. I want to have a peace of mind kahit sandali lang and to forget all the problems I have.
Damn. I want to go. I want to run away with, Rien. Leave this place and just be happy with her pero hindi pwede. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...