Kabanata 12

125 12 0
                                        


Kabanata 12

Maaga akong pumasok kinabukasan. Halos wala akong maayos na tulog pero ayos lang. Ang mahalaga, matapos na lahat ng pagpapanggap na 'to.

"Glean".

Napatingin agad sa akin ang impostor ng tawagin ko ang 'pangalan' daw niya.

"Gusto kitang maka usap".

Ngumiti naman siya sa akin bago tumango."Sure".

Nagbalik ngiti din ako sa kanya pero mukhang napansin niya na peke ang ngiting iyon.

Hindi nalang ako kumibo.

Magkasabay kaming naglakad patungo sa isang lugar kung saan walang ganung tao at tahimik kaming makapag uusap. Tumayo ako ng maayos at inipon lahat ng lakas ko.

Dapat ng matigil 'to.

"Ano yung gusto mong sabihin?".nakangiti pa niyang tanong.

Tangina niya. Napaka selfish naman niyang kakambal at nagagawa pa talaga niyang ngumiti sa kabila ng lahat.

Kailangan kong kumalma bago ko pa siya masampal.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."i want you to answer all my questions with all honesty". panimula ko at tumango naman siya.

Bakit? Bakit mo nagawa 'to? Hindi ka parin ba aamin?

Kung sakaling aakuin mo ang kasalanang ginawa mo, baka mapatawad pa kita. So please, stop this bullshit. Aminin mo na ang kasalanan mo.

Naghintay ako sandali pero hindi siya nagsalita. Ayoko na.

"Ikaw ang totoong Devin hindi ba?".direktang tanong ko at halata sa kanya ang labis na gulat."answer me. Ikaw si Devin hindi ba?".

Walang lumabas na tinig mula sa kanya.

Tango lamang ang isinagot niya sakin pero sapat na 'yon para bahagya akong maliwanagan.

Inamin niya. Hindi nga siya ang totoong Glean. Siya talaga si Devin Villa Fuente

Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko at ang dahan dahang pagsikip ng aking dibdib. Bakut hindi ko yun napansin? Bakit hindi ko nahalata na may mali?

Pati ba si Skyler kasali sa plano na 'to? Kase imposible naman na hindi niya malaman kung sino si Devin at Glean hindi ba? Kasabwat ba siya? Gusto kong malaman lahat.

"Bakit?".iyon lang ang nasabi at alam ko naman na nakuha na niya ang nais kong tukuyin.

Nadinig ko ang pagsinghap niya.

"I like you so much, Zakhia. I really do".kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Devin."Natatandaan mo ba nung gabing napunta kayo sa bar namin?".sunod sunod na tango ang tinugon ko sa kanya."Si Glean ang talagang kausap mo non..

Flashback

Nakikipagsayawan lang ako sa mga kababaihan non at sa iba pang nandun sa dance floor hanggang sa mapatingin ako dun sa kinatatayuan ni Glean.

Nakuha agad nung babaeng kausap niya ang aking atensyon. Isang plano ang agad na nabuo sa isip ko. I immediately grabbed my phone at tinext si Glean na tanaw na tanaw ko lang.

Me:

Pagtinanong niya kung ano ang pangalan mo, sabihin mo Devin.

Bahagya akong lumapit sa kinaroroonan nila para madinig ko ang pag uusap nung dalawa.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon