Kabanata 32

112 4 0
                                        


Kabanata 32

"Gosh friend. You're so gorgeous".nakangiting sabi ni Ran habang patuloy akong tinititigan.

"Grabe. Akala ko talaga sa ating magkakaibigan ako ang pinakamaganda. Mali pala ako".natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Cassy.

Naglakad ako patungo sa isang malaking salamin at tinitigan aking sarili. Isang white off-shoulder gown ang suot ko ngayon. Simple lang ito pero maganda. Pinasadya ni mama sa isang designer at masyadong detalyado kapag tinitigan.

Napatingin ako sa kwintas na suot ko. Mabuti nalang at naibalik na 'to sa akin. Wala akong pake kung ito ang sinasabi nilang susi para makuha ang black camilla basta ang mahalaga nasa akin na ulit ang kwintas na binigay sa akin ni Glean.

Dahan dahan kong tinaas ang tingin ko at pinagmasdan ang aking mukha. Light make up lang ang ginawa sa akin nung make up artist dahil maganda na daw ako at kailangan lang na mas palitawin yun. Nakabun din ang buhok ko pero may ilang hair strand na iniwan yung hair stylist at hinayaang nakalugay.

Excited na ako para mamaya. Lalo na para sa eighteen roses.

Biglang nabaling ang atensyon ko dun sa pinto pero sumenyas naman si Jean na siya na ang magbubukas nunm. Nakita ko namang pumasok si mama na nakaayos at nakagown na rin.

Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Happy birthday princess!".bati nito bago kumalas sa yakap.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni mama. Mabilis niya din iyong pinunasan.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin okay?".sunod sunod na tango ang sinagot ko sa kanya.

Hinawakan ni mama ang kamay ko. "I'm sorry honey. I'm really, really sorry".

"Kung ano man po yung inihihingi nyo ng sorry, pinapatawad ko na po kayo".mahinahon sagot ko tsaka ko pinunasan yung luha niya.

"Lets go!".nakangiti yaya sa akin ni mama at tumango naman ako.

Naunang lumabas sila Ran, Jean at Cassy samantalang kami naman ni Mama ang sabay na bumaba patungo sa first floor nung hotel. Nasa isang malaking hotel kami ngayon at dun sa event hall sa baba gaganapin ang party.

Madilim na sa labas at yung liwanag mula sa nagkalat na ilaw na lang ang nagpapaliwanag sa nilalakaran namin. Wala nang kahit isang tao sa labas maliban sa aming mag ina at hanggang sa makarating na kami dun sa isang pinto. Ang sabi kase nung event organizer dito kami dumaan dahil dun na kaagad ako sa stage lalabas.

"Okay ka lang?".alalang tanong sa akin ni mama.

Sunod sunod na tango na lang ulit ang sinagot ko. Niyakap niya pa ako sandali bago siya nagpaalam.

"Mauna na ako".

May isang babae na bigla na lang lumabas mula dun sa pinto kaya napatingin ako dun. Si ate Zoe, ang event organizer. Nginitian niya ako at sinenyasan na sumunod sa kanya. Hanggang sa makarating na kami dun sa likod ng stage.

"All you have to do is lumakad sa harap nilang lahat at ipagmalaki mo na ang gabing ito ay para sayo okay? Enjoy your night".nagthumbs up naman ako sa kanya at naglakad na papunta dun sa sinabi niyang puwesto.

Nadinig ko mula sa kinatatayuan ko na bigla na lang huminto yung tugtog.

"Ladies and gentlemen, let us all welcome our débutante, Ms. Zakhia Rien Dela Rosa!".

Matapos magsalita nung emcee, bigla na lang bumukas yung mismong stage at parang nahati sa gitna. Dumilim ang buong paligid at sakin nakatutok lahat ng ilaw.

Huminga ako ng malalim at bago naglakad at pumunta sa gitna nung stage. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila pero ganun pa man, todo ngiti at todo kaway parin ako habang patuloy lang sila sa pagpalakpak.

Hindi ko alam na ganito pala nakakakaba at nakakaexcite ang magdebut. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.

Nang makarating na ako dun sa gitna ay may nag aabang sa akin dun na isang magarbong upuan. Umupo na ako dun at hinintay ang sunod na mangyayari.

"Gentlemen, please calm down, taken na po ang ating debutante".biro ni Cassy.

Siya ang napili ko para maging emcee ngayon.

"After nating mawitness ang kanyang dangerous walk. Just kidding".lahat ay nagtawanan dahil sa sinabi niya at ganun din ako."Biro lang friend. H'wag mo muna akong papatayin kase aabay pa ako sa kasal nyo ni Fafa Uhmm".

Muling nagtawanan ang lahat. Napailing nalang ako. Hindi ko alam na ganito sa kaenergetic maging emcee.

"So lets proceed to the 18 wishes. Please form a straight line here. Ang hindi nakapila hindi mabibigyan ng relief".

Grabe. Ganito ba talaga kakomidyante 'tong kaibigan ko? Ang daming baon na joke.

Nagsipila na lahat ng kasali sa 18 wishes at sa dami ng mga sinabi nila, yung wish talaga ni Ran ang pinaka naalala ko.

"Hi, Rien. First of all, ang ganda mo talaga ngayon. Hindi na ko nagtataka kung bakit gustong gusto ka nung isa dyan. Sana magpatuloy na yung pagiging masaya mo sa with Glean! Alam mo friend, if i were you, papakasalan ko na kaagad 'yon. Hehe biro lang po tito, tita. Ri, kapag kinasal kayo, mag anak ka na kaagad para maging ninang na kami nila Cass at Jean. Kami na bahala sa expenses. Don't worry. And iyon lang, actually gusto lang kitang inisan. Tito, tita, I hope welcome parin ako sa bahay after ng mga sinabi ko haha. That's all, happy beerday sayo my friend. We love you!".

Matapos ang 18 wishes nagsimula ng kumain ang iba. Isa isa ko silang nilapitan. Habang lumilibot, hindi ko maiwasang hanapin siya. Nakita ko na kase si Skyler at si Devin. Pati nga si Neriza, tito Yohan at tita Alicia, nandito na.

Bakit si Glean wala pa?

"You're so pretty, ate Rien. Happy 18th birthdah".bati sa akin ni Neriza na ikinangiti ko.

I guess mas okay kung siya na lang ang tanungin ko kase naman dun ako sa dalawang kuya niya magtanong kung nasaan si Glean.

"Ahmm, Neriza. Nasaan nga pala ang kuya Glean mo?".pabulong kong tanong. May kinuha naman siya dun sa bag niya at iniabot sa akin. Isa iyong maliit na box."P-para saan 'to?".

Biglang lumungkot ang mukha niya at nakaramdam ako ng kaba dahil dun. "Ate, kuya Glean will not be here, e. He's sick. Kaya po pinaabot na lang niya sa akin yung gift nya for you".mas lalong lumungkot ang mukha niya at ganun din ako.

Hindi 'to pwede.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon