Special Chapter 6

18 0 0
                                    


Special Chapter 6

Napuno ng palakpakan ang buong simbahan matapos ang misa. Nakangiti akong lumapit kay papa at mama para magmano and ganun din naman ang ginawa nung kambal.

"Pa, sa bahay ka po ba magl-lunch?", tanong ni Rio kaya napatingin samin si papa.

"Sorry, nak. May kailangang asikasuhin si papa. Bawi nalang ako, okay?", nag aalangan na sabi niya tas bigla siyang napatingin kay mama.

"May gagawin ka ba talaga o nahihiya ka lang kase baka hindi ako pumayag?", our mom asked at kitang kita ko yung pamumula ng tainga ni papa.

Tingnan mo tong mga magulang namin, akala mo mga teenager na nasa ligawan stage pa lang kung umasta.

"If nahihiya ka lang kaya ayaw mong maglunch sa bahay, alisin mo yang hiya mo, Alfred. Matanda na tayo, aba. Bilisan mo",

Kumunot ang noo naming apat.

"Bilisan ang alin, ma?", tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan nila.

Tumigil si mama ng nasa tapat na kami ng kotse niya. She looked into papa Alfreds direction then she crossed her arms. "Sabihin niyo sa papa niyo, bilisan ang kilos at ng magkabalikan na kami", she said.

Nanlaki ang mata naming tatlong magkakapatid tas si papa naman biglang natawa.

"Mga anak, cancelled na pala yung aasikasuhin ko. Lika na sa bahay, babawiin ko pa yung mama niyo", sagot naman ni papa bago niya pinagbuksan ng pinto si mama.

Natawa nalang kami nila Rio at Iro dahil sa drama ng parents namin. Kung nandito lang si kuya Raen, paniguradong isa pa yun sa tatawa ng sobra dahil sa ginagawa nila mama at papa. Minsan nga napapaisp ako kung bakit pa sila nagdecide na maghiwalay, e mukhang ayos naman sila. But then naisip ko rin naman na baka gusto lang muna nilang magpahinga at hanapin yung sarili nila kahit sandali kase sobrang bigat talaga nung mga nangyari sa pamilya namin.

Sumakay na silang lahat sa kotse. Si papa naman, papunta na dapat dun sa sasakyan niya pero pinigilan ko.

"Pa, can I borrow your car? May pupuntahan lang po ako sandali", sabi ko and pumayag naman siya agad. Alam ko na may idea na sila kung saan ako pupunta kaya hindi na nila ako pinigilan.

"Take care, anak. Balik ka agad sa bahay", paalala ni mama bago ako tuluyang umalis papunta sa sasakyan ni papa.

Mabilis kong pinatunog yung itim na kotse tsaka pumasok sa loob. Tahimik ako habang nagmamaneho papunta sa isang lugar na matagal ko ng hindi napuntahan. Matapos ang halos isang oras na biyahe ay nakarating narin ako sa wakas. Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa kotse at dahan dahang naglakad papunta sa puntod niya.

Hindi na ko nagulat ng makita na malinis yung puntod. Lagi naman kaseng dumadalaw dito sila tito Yohan o kaya sila mama kaya laging naaasikaso.

Naupo ako sa damuhan at pinagmasdan yung pangalan at yung picture na nasa harap ko. Nakangiti siya dun sa picture at parang ang saya-saya niyang tingnan. Naalala ko pa tuloy na lagi akong umiiyak noon tuwing dumadalaw ako dito pero ngayon, ayos na ko. Hindi na ko umiiyak at hindi na ako masyadong nasasaktan kapag nakikita ko yung pangalan ni Glean na nasa lapida.

Siguro yun na yung sign na nakamoved on na talaga ako. Na tanggap ko na talaga lahat.

Dahil sa nangyari samin ni Glean, natutunan ko na para makamove on ka, you need to accept the fact and try to let go. Tanggapin mo yung nangyari pero hwag mong kalimutan kase kahit anong gawin mo, hindi mo naman maaalis sa isip mo lahat ng yun. Mas lalong mo lang pahihirapan ang sarili mo kapag sinubukan mong kalimutan lahat.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon