Kabanata 25

125 3 0
                                    


Kabanata 25

"Ahmm mas gusto ko po kung black, silver and gold ang magiging motif".nakangiti kong sagot dun sa organizer ng debut ko."Tsaka po meron pa po sana akong request. Gusto ko po na white roses ang matanggap ko sa 18 roses and sana po simple lang yung maging debut ko".

Tumango yung organizer at sinulat dun sa notebook niya ang mga suggestion ko.

"Of course, hija. Ikaw ang bida sa gabing yun at lahat ng gusto mo ang masusunod!".masayang sagot niya na ikinangiti ko.

"Thank you po".

Nagpatuloy pa kami sa pag uusap. Chineck ko ang iba pang details. Maging ang invitation ipinasadya.

"Rien".

Lahat kami na nandun sa living room ay napatingin dun sa nagsalita at bigla namang kumunot ang noo ko. After two weeks ngayon lang siya umuwi? Ano bang problema niya?

"Can we talk?".

Hindi kaagad ako nakasagot. Napatingin ako kay mama tas tumango lang siya sa akin kaya naman tumayo na ako tsaka sumunod kay kuya Raen papunta dun sa garden. Tahimik lang kaming dalawa. Ayoko namang mauna sa pagbubukas ng topic.

"Rien.. " pagbasag niya sa katahimikang bumalot sa amin.

Tiningnan ko lang siya sandali. Hindi naman siya makatingin sakin pabalik.

"Ilang linggo na lang at debut mo na".nanatili akong tahimik. Tango lang ang sinagot ko at hinayaan siyang magsalita."Hindi ko alam kung anong gusto mong regalo. Baka kase nagbago na yung mga gusto mo".

Isang mapait na ngiti ang kumawala sa akin."I guess you're right kuya. Siguro nga may mga bagay ng nagbago".

Napabuntong hininga kaming dalawa.

Bakit nga ba ganito? Bakit sa tuwing kausap ko si kuya parang ang bigat bigat ng lahat? Hindi naman kami ganito dati. Sa totoo lang gusto ko siyang kausap palagi pero ngayon parang napakarami ng nagbago.

Parang hindi na talaga siya yung kuya Raen ko.

"May gusto ka bang matanggap?".bigla akong napatingin sa kaniya at kumunot agad ang noo ko."Baka sakaling maibigay ko naman yung hinihiling mo. Kahit na isang araw lang. Kahit sa debut mo lang".

The hell. Ganito na ba kami palagi? Ganito na ba kalayo ang loob namin ni kuya sa isa't isa? Bakit ang pakiramdam ko kakikilala lang namin kahapon?

We're like strangers.

"Gusto ko kaseng makabawi".dagdag pa niya na lalong nagpasikip sa damdamin ko."I want you to give me a chance. Gusto kong makabawi kahit bilang kaibigan na lang".

'Kaibigan na lang?'..

Hindi na ba niya ko tinuturing na kapatid?

-*-

"Hey. Okay ka lang ba?".bigla akong nagising sa katotohanan ng magsalita si Glean."Kanina ka pa tulala. May problema ba?".

Nanatiling tikom ang bibig ko at umiling lang sa kaniya. Hindi ko gusto na ganito kami pero lagi na lang akong wala sa isip ko kase hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sinabi ni kuya Raen.

Parang may ibang ibig sabihin yung mga sinabi niya sa akin at hindi ko ngayon maintindihan ang ibig sabihin nun.

"Glean ikaw ba yan?".sabay kaming napatingin dun sa nagsalita at isang babae ang agad na bumungad sa amin."Oh my gosh ikaw nga. Ang gwapo gwapo mo pa rin!".

Basta na lang naupo yung babae sa tabi ni Glean at agad na ipinulupot ang kamay niya sa braso nito. Wala akong nagawa kundi ang tingnan lang sila kahit na sa totoo lang gusto ko ng sabunutan yung babae. Hindi ba niya nakita na nandito ako? Nakakabastos naman.

"I miss you so much. Tagal kong nawalan ng balita sa inyo since you left your house in France!".malambing na sabi pa nung babae at aktong hahalikan sa pisngi si Glean ng bahagya itong lumayo.

Wow. Ang lakas ng loob ng babaeng 'to. Naiinis ako sa kanya.

"Why? Tagal nating hindi nagkita then you're going to reject my kiss. Oh come on".

"Ahh.. ano kase".nanatili akong tahimik at hinintay ang sasabihin ni Glean hanggang sa bigla na lang siyang lumipat at naupo sa tabi ko."Jhea, I want you to meet Rien".

"So what?".mapang intrigang tanong nung babae at sinamaan pa talaga ako ng tingin.

"Jhea..."

Lalong kumunot ang noo ko. Hindi ako sure pero parang french yung sinasabi niya Glean. Sumagot naman yung Jhea pero hindi ko rin siya maintindihan.

Mas lalo akong nainis dahil dun. Ano bang pinag uusapan nila?

"Okay, fine! Bahala ka na".padaskol na tumayo si Jhea at isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin bago naglakad palayo.

Siya pa ang may ganang magalit? Ibang klase.

"Anong pinag usapan nyo?".nagtatakang tanong ko ng kami na lang dalawa ang naiwan dun.

Hinintay ko yung sagot niya pero kahit anong salita walang lumabas mula sa kanya. Napasuklay na lang si Glean sa kanyang buhok bago sumandal dun sa backrest ng upuan.

Okay. Mukhang kailangan ko ng mag aral ng french para hindi ganito na kailangan ko pang magtanong para lang maintindihan ang pinag usapan nila. Kainis. Curious ako sa pinag usapan nila. Bakit sobrang naiintriga ako? Siguro kase pakiramdam ko, ako yung pinag usapan nila.

Nanahimik nalang ako dun sa gilid.

Bahala nga silang dalawa.

"Sabi niya.. " bigla akong napatingin ng magsimulang magsalita si Glean."What if malaman mo na yung tatay ko ang dahilan kung bakit nagka gulo noon sa Admerson".

Nahalata ko ang lungkot sa mga mata niya pero bakit? Ano ba kaseng meron sa Admerson nun?

"Ano ba kaseng nangyari nun sa Admerson?".nagtatakang tanong ko.

Para kaseng ako na lang ang hindi nakakaalam ng tungkol dun. I really want to know the truth. What happened to Admerson?

"It's a very long story tsaka hindi ata ako ang dapat na magsabi sayo ng tungkol dun".sagot niya."H'wag mo na yung isipin. Promise me that you won't stress yourself anymore okay?".

Sunod sunod na tango ang sinagot ko sa kaniya kahit na ang totoo parang kakainin na ko ng sarili kong curiosity.

Biglang tumayo si Glean kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara na".yaya niya sakin.

"Saan?".nakakunot noo kong tanong pero hindi na niya ako sinagot.

kinuha na niya ang back pack ko at sinukbit iyon sa balikat niya

."Uy kaya ko naman ng buhatin yan!".saway ko sa kanya pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin bago hinawakan yung kamay ko.

"Let me spoil you a little, Ri".

Shit. Bakit ang swerte ko sa lalaking 'to?

"Ri-Ri binili ko 'to for you"

"Really? It's expensive Gi-Gi".

"It's alright"

"Kaya kita gusto, e. Ang bait mo"

"Ri-Ri, flowers for you".

"Wow. Binili mo 'to for me? Sobrang thank youuuu"

"Let me spoil you a little okay?".

"Hey Ri-Ri! Are you alright?".

What the hell? Sinong nagsabi non?.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon