Kabanata 35

103 4 0
                                    


Kabanata 35

Minsan na akong iniwan. Hindi ko kakayanin kung mauulit pa yun.

Hindi ko kaya.

Napatigil na lang ako sa pagtakbo ng hindi ko na si naabutan. Ni anino niya hindi ko na nakita. Hindi ko na alam kung saan siya pumunta.

Bigla akong nanghina.

Please h'wag naman ganito. H'wag naman.

"Rien, may tawag para sayo". sabi ni Ran at inabot sa akin ang phone ko.

Ngayon pa talaga?

Umalis agad si Ran ng mabigay niya na sakin yung phone ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Wala na ko sa sarili ko.

Basta ko nalang nilapit yung phone sa tainga ko. Sobra yung panginginig ng kamay ko dahil sa pag iyak.

"H-hello?" Nanginginig ang boses ko ng kausapin ko ang tumatawag mula sa kabilang linya."S-sino to?".

Isang mahinang tawa ang nadinig ko kaya nanindig ang aking balahibo.

"It's me"

Hindi ko man nakikita ang mukha niya, sigurado ako na nakangiti siya ngayon.

Muling nagsitulo ang mga luha ko pero mabilis ko yung pinunasan."Nasan ka ba? Bakit bigla ka na lang umalis? Bakit mo ako iniwan?".umiiyak na tanong ko.

hindi ko kase maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis bigla.

"Hey, Ri-Ri. Don't cry" pagpapatahan pa niya sa akin."Tumingin ka dun sa building"

Biglang kumunot ang noo ko."A-anong building?".

"Yung nasa likod mo"

Mabilis akong tumingin sa likuran ko pero patay lahat ng ilaw dun sa building na sinasabi niya. Yung mga poste sa ibaba lang nun ang nagbibigay liwanag dun sa lugar.

"N-nakaharap na ako dun sa sinasabi mo Glean"

Nadinig ko ang malalim niyang paghinga mula sa kabilang linya. Nanatiling nakatikom ang bibig ko at hinintay siyang magsalita. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.

"The day I met you my life has changed, Ri. Baby, you changed me. You changed me in a very good way and everyday I'm falling deeper in love with you. Baby, I love you so much" napakagat ako sa aking labi dahil sa mga narinig ko mula kay Glean.

Napaka bilis ng tibok ng aking puso. Sobra.

"Ri-Ri thank you for coming into my life. Thank you for making me smile like crazy. Thank you for making me happy. Baby, never kang pumalya na pasayahin ang araw ko. Everyday there is something new that makes me love you even more than the day before.. " hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko basta isa lang ang sigurado sa ngayon. Masaya ako sa mga naririnig ko.

Masayang masaya ako.

"Ri, I'lm stay by your side always. Kahit mahirap. Kahit madaming problema. I can't promise to solve all your problems but I can promise that you won't have to face them alone. Nandito ko para tulungan ka"

Lalo ko pang naidiin ang pagkaka kagat sa labi ko.

"I'm permanently in love with you, always and forever.. " isang malalim na paghinga ang muli kong nadinig."I love you Rien, my Kat, my Ri-Ri, my everything!".

Ikaw din ang lahat sa akin, Glean. Ikaw lang.

"Ri-Ri look at the building okay?".

"Okay". sagot ko at hindi ko na ata nagawa pang pumikit matapos nun.

May mga larawang bigla na lang lumabas dun sa building na tinitingnan ko. Hindi ko alam kung paano 'yon nangyari at kung paano nila nagawang palabasin ang mga yun pero isa lang ang masasabi ko, maganda ang nakikita ko ngayon.

Nagsilabas ang mga bisita namin at napatingin din sila dun sa building. Maraming pumapalakpak at mukhang gaya ko, nagulat din sila sa nangyayari.

Bigla na lang lumabas yung picture naming dalawa ni Glean kung saan nakatungtong ako sa isang bola at nakayakap sa kanyang leeg. Nakahalik din ako sa noo niya at siya naman ang naka hawak sa bewang ko. Napangiti pa ako ng bahagya at napailing kase wala siyang damit sa picture na yun dahil suot ko ang jersey niya na nagmukhang dress dahil malaki siya kumpara sa akin.

Nakangiti lang ako habang tinititigan iyon hanggang sa biglang napukaw ng isang lalaki ang atensyon ko. Unti unti siyang naglalakad palapit sa akin at sa bawat hakbang niya, isa isa ring bumubukas ang bawat ilaw sa mga posteng nakakalat. Bakas sa kanyang ngiti ang sobrang saya hanggang sa nagsalita ulit siya na mabilis ko namang nadinig sa speaker ng phone ko.

"I can't imagine my life without you, Ri-Ri. I want to be with you everyday, every hour, every minute, every second. I want to be with you forever.. " sunod sunod na luha ang muling kumawala mula sa akin.

Ano ba naman yan? For sure maga ang mga mata ko bukas.

Ibinaba na ni Glean yung tawag at nakangiting tinitigan ang mga mata ko.

"Kaya mo pa bang magbasa kahit umiiyak?".nakangiting tanong niya at sunod sunod na tango ang tinugon ko.

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at tsaka namin tiningnan yung building kung saan naroon parin yung picture namin.

Nanatiling tikom ang bibig naming dalawa hanggang sa napahawak na lang ako sa aking bibig ng may mga salitang bigla na lang lumabas at wari mo'y may higanteng nagsusulat dahil unti unting gumuguhit ang bawat letra dun sa gusali.

Zakhia Rien Dela Rosa..

Will you be my

Girlfriend?

Napatingin ako kay Glean ng maramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko. Laking gulat ko ng makita siyang nakaluhod at diretsong nakatingin sa akin. Wala na talaga akong ibang nagawa simula pa kanina kundi ang umiyak. Tuloy tuloy na naman sa pagtulo ang mga luha ko.

Hindi ko magawang pigilan ang damdamin ko. No. Hindi ko kailanman pipigilan ang nararamdaman ko.

"Ri, will you be my girlfriend?".

Damn. Sino ako para tanggihan ang lalaking 'to. Alam ang lahat kung gaano ko siya kamahal.

Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Parang gustong kumawala nung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Msaya ako kase hindi niya talaga ako iniwan. Masaya ako kase nandito pa rin siya. Masaya ako at tumupad siya sa mga ipinangako niya sakin at masaya ako sa lahat ng mga nangyayari.

Wala na akong mahihiling pa. Wala na.

"Yes, Glean. Yes!".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon