Kabanata 4Minsan talaga kahit ilang beses mong subukang sabihin na walang kang problema hindi mo pa rin magagawang pagsinungalingan ang sarili mo.
Shit. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi na naman ako matahimik. Dahil parin ba 'to kay Benj? O, masyado na lang akong nagiging OA? Wala na akong ibang ginawa kundi ang mag overthink.
Bwiset.
"Wala daw problema".
Napatingin agad ako sa likuran ko kung saan isang lalaki ang bumungad sa akin. Tss. Para siyang bubuyog, walang ibang ginawa kundi bulong ng bulong.
Inirapan ko na lang siya at mas binilisan ang lakad palayo. Halos magtatakbo na ako malayuan lang siya hanggang sa makarating ako sa isang garden na nasa bandang likod na nung campus. Malilim dito dahil sa nagtataasang mga puno at napakarelaxing dahil sa sariwang hangin at mga huni ng ibon.
Naupo ako sa may ugat ng isang malaking puno. Kinuha ko din ang yung phone ko at tsaka nag online.
Binibisita ko lang yung messenger ko para makita kung may iba pa bang nagchachat sa akin nung nakakaraan. Matapos kase ng nangyari last year ay parang tinamad na akong mag online kaya nagdeactivate nalang ako. Ewan ko ba pero parang wala na rin naman kaseng saysay. Si Benj lang din naman kase ang dahilan kung bakit ako nag oonline nun pero ngayon wala na.
Panay scroll down lang ako hanggang sa bigla ko na lang makita ang pangalan niya sa ibaba. Nang makita ko yung date kung kailan ang huling chat namin ay parang bumalik ulit lahat ng sakit ng mga araw na 'yon.
Nung araw na nawala na yung 'kami'.
Tanga na siguro kung tanga pero mas gusto ko lang sigurong masaktan kaya naman binasa ko ulit lahat ng mga napag usapan namin. Baka kapag ginawa ko 'to matauhan na ako, na wala na talaga.
Na mas masaya na siya ngayon kasama ang iba!
Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa naramdaman ko ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko iyon magawang pigilan dahil hindi ko kaya, lalo lang akong masasaktan kapag pinigilan ko yung nararamdaman ko.
"Huli ka!".
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may biglang kumalabit sa akin. Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng aking palad.
Itatago ko narin dapat ang phone ko ng bigla iyong hablutin ni Devin. Padaskol akong tumayo at pinilit na kuhanin mula sa kanya ang phone ko pero ang tangkad niya. Damn.
"I'm sorry Khia pero ayoko na".binasa pa niya yung mga chat sa akin ni Benj.
"Pagod na kase ako at nagsasawa!".
Unti unti na namang nag ulap ang mga mata ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang tanggapin na nagawa niya akong bitawan ng ganun ganun lang. Na lahat ng pangako niya bigla na lang napako at bigla na lang niyang binalik sa dati ang paniniwala ko!
'Na wala kang dapat na pagkatiwalaan ng puso mo kase lahat sila iiwan ka lang din sa bandang dulo!'.
"Ibalik mo na nga sa akin yang phone ko!".naiinis ko pang sigaw sa kanya.
Napaka pakielamero.
Yung kaninang pilit na paghablot ko lang sa phone ko na nasa kamay ni Devin ay bigla na lang naging suntok. Pinaulanan ko lang siya ng hampas at mga suntok sa kanyang braso dahil nakaka inis siya. Pakielamero!.
"Sorry pero ayoko na, hindi na talaga kita mahal?".nagtataka pa niyang sabi sa mga huling chat sa akin ni Benj.
Pinaningkitan ko lang siya ng mata at muling pinaulanan ng suntok. Kasabay ng pagtama ng aking kamao sa kanyang braso ay siya namang pagtulo ng mga luha ko. Luha na hindi naman makapag papabalik sa oras at hindi naman maitatama ang lahat.
Walang kwenta. Hindi pa ba kayo mauubos? Pagod na pagod na ko.
"Nakakabwisit ka! pakielamero! Ibalik mo na sa akin yung phone ko!".mas nilakasan ko ang paghampas sa kanya dahil nanggigigil na talaga ako.
Hindi ko na siya makita ng malinaw dahil sa mga luhang tumatabon sa mga mata ko pero patuloy pa rin ako sa pagwasiwas sa aking kamay. Nagbabaka sakaling matatamaan ko pa rin siya pero wala. Wala na akong natatamaan.
Napayuko na lang ako at mas lalong humagulhol. Hanggang ngayon ba naman hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyari? Hindi pa ba mauubos ang mga luhang 'to. Tangina.
Nakakainis na!.
"Tumahan ka na please? Nasasaktan ako, Rien. Nasasaktan ako".kusang na lamang tumigil ang pag agos ng mga luha ko ng maramdaman ko ang unti unting pag init ng aking katawan dahil sa yakap ni Devin sa akin. Niyakap niya ko mula sa likuran.
Tumindig na naman ang mga balahibo ko.
Pilit akong nagpumiglas pero ayaw niya akong bitawan hanggang sa mapatigil na lang ako dahil sa mga sinabi niya.
"Ang isang babaeng kagaya mo ay hindi dapat iniiyakan ang isang lalaking kagaya niya".mahina pero may kurot niyang sabi na sobrang tumatagos sa puso ko. "Damn, Rien. Nasasaktan akong nakikita kang ganyan. Sobrang sakit".
Nasasaktan siya dahil sakin? Bakit? Sino ba siya para maging apektado sa sitwasyon ko? Sino ba siya?
Sino ka ba Devin?
Napahikbi ako at napa iling."Hindi ko kaya. Hindi ko siya mawala sa isip ko. Siya ang buhay ko at hindi ko kaya kung wala siya".umiiyak parin na sagot ko. "Sobra na yung isang taon, hindi ko na kaya. I want him back. Kahit gaano kasakit ang ginawa niya. I still love him. I want---".napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang nilapat ang hintuturo niya sa aking mga labi.
Tangina. Ito na naman. Anong meron sayo Devin at napapatindig mo ang balahibo ko ng ganito? Sino ka ba talaga?
"Kaya mo. Kaya mo siyang i-let go pero ayaw mo lang talaga dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap".
Shit. Isang saksak na naman sa puso ko 'yon. Tagos, e.
"I know that you really love him, hindi mo na iyon maaalis sa sarili mo but you have to accept the truth na wala na kayo. Matagal ng tapos 'yon, Rien!".dagdag pa niya bago kinalas ang pagkakayakap sa akin."Pwede kang bumalik sa lugar pero never kang makababalik sa panahon. Hindi mo na dapat pang binabalik balikan lalo na kung hindi naman worth it. Iyon ang lagi mong tandaan, Rien".
Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at ang mga yabag ni Devin na unti unting naglalakad palayo sa akin. Habang ako ay naiwang nakatayo don at lutang.
Lutang at walang ibang naiisip kundi ang mga sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...