Kabanata 20

117 4 0
                                    


Kabanata 20

"Wait. Ano nga ulit yung nangyari dati sa gathering niyo?".

Napatigil si Glean sa pagsugod ng magsalita si Nathan. Nakita ko rin ang pagkabigla kay Skyler. Para bang naalarma siya.

"Sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa mga nangyari hindi ba? You almost killed her. Pinahamak mo siya".

"Tama na!".nanindig ang balahibo ko ng biglang sumigaw si Glean.

Sobrang nakakatakot siya.

"Why? Are you afraid na malaman nila ang sikreti mo?"

"Sinabing tama na!".umalingawngaw ang boses ni Glean sa buong lugar. "You don't know anything. You don't know her. You don't know me and you don't know what happened that night so shut the fuck up!".

"Tangina. Wala na. Umalis na kayo".aligagang sigaw ni Skyler.

Lahat ng nandun pati yung mga nakikichismis na mga estudyante ay nagtakbuhan na palayo maliban sakin.

Hinawakan bigla ni Skyker ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag.

"Rien, let's go. Hindi mo magugustuhan ang pwede niyang gawin sayo".alalang sabi pa niya.

Binawi ko ang kamay ko.

"No. He won't hurt me--"

"Hindi ka na niya kilala. I told you already, hindi niya nakokontrol ang sarili niya".

Humarap ako kay Skyler. Desidido ako. He can't change my mind. I won't go. I won't leave Glean.

"He won't do anything to hurt me, Sky. I know he won't do that".

Napailing na lang siya at ako naman ay dahan dahang naglakad papunta sa kinatatayuan nila Nathan.

Aminado ako na kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pero kailangan ko 'tong gawin. Ayokong may masaktan pang iba at ayokong makasakit si Glean ng iba.

Nadinig ko ang gulat na sigaw ng mga admin. Ngayon lang sila dumating at hindi sila makapaniwala na may ganitong nangyayari. I guess they have no idea na may gang sa loob ng school na 'to. Nakakainis.

Dahan dahang itinaas ni Glean yung kutsilyo at sasaksakin na niya dapat si Nathan ng bigla akong nagtatakbo at pumagitna sa kanila.

"RIEN!"

Napasigaw ang lahat pati ang mga admin na aawat na dapat kay Glean. Lahat sila napatigil.

Naramdaman ko ang pagdaplis nung kutsilyo sa pisngi ko. Ang hapdi. Sobra. Pero wala akong panahon para indahin pa yung sakit.

"Rien, alis na".sigaw pa ni Skyler pero hindi ko siya pinakinggan.

Pati ang mga admin at guards ay pinapaalis ako. Nakita ko na dahan dahan silang lumalapit sa may likuran para hindi makita ni Glean.

Hindi ako natinag.

"G-glean, tama na. Itigil mo na 'to, please?".tumingin siya sa akin pero mukhang wala pa ring pinagbago."Please, Glean. I'm begging you. Tama na. Tigil na. Ayokong nagkakaganito ka, Glean. Ayoko".

Sa tingin ko, hindi parin niya ako naiintindihan. Kaunti nalang at makakalapit na ang mga guard sa kanya pero nanindig ang balahibo ko ng akmang sasaksakin niya ako.

Mas lalong nagmadali ang mga guard pero imbes na tumakbo ako palayo ay niyakap ko siya ng mahigpit pati na ang mga braso niya dahilan para hindi siya makagalaw ng ayos. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagtulo ng mga dugo mula sa pisngi ko.

"Glean, please, please, bumalik ka na. I need you. I need you, baby. Please--"

Isang saksak sa tagiliran ang natamo ko.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon