Kabanata 2

389 12 0
                                    


Kabanata 2

Shit.

Umagang umaga pero umiikot na agad ang paningin ko. Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising pa lang at hanggang ngayon parang binabaliktad parin yung sikmura ko.

Bumangon at nagtatakbo sa banyo. Kagabi pa ako suka ng suka at hanggang ngayon ganun parin. Nangangasim na ang sikmura ko tas para pang binibiyak yung ulo ko sa sakit.

Kasalanan 'tong lahat ni Benj. He's the one to blame. Kung hindi niya ko iniwan, hindi ako magkakaganito.

Ilang ulit akong pinitik ang noo ko pagkatapos. Paano ba ako makakamove on kung sa lahat ng oras, lugar at bagay siya ang naaalala ko? How can I move on kung hanggang ngayon siya parin yung gusto ko?

Anong meron sayo Benj?

Sinaktan mo na nga ako't lahat, ginugusto parin kita.

Bigla akong napatayo ng madinig ko ang pagbukas nung pinto sa banyo. Akala ko masisira yung pinto dahil sa lakas nung lagabag nun at parang gusto ko na lang magtatakbo palayo ng makita ko si kuya Raenard. Masama ang tingin nito sakin. Napalunok ako dahil parang papatayin na niya ako sa sobrang sama ng mga tingin niya.

"K-kuya Raen.. " nangangatog ang boses ko sa takot.

"Pasalamat ka at hindi ko sinabi kayla mom and dad ang nangyari".sagot niya at napakagat na lang ako sa aking labi."Pero sa oras na hindi mo sabihin sa akin lahat ng nangyari kagabi, ako mismo ang magsusumbong sa kanila ng tungkol sa paglalasing mo, Rien!".

Napalunok ulit ako. Damn. Bakit ba kase napaka istrikto ni kuya? Sa akin lang naman siya ganito! Kase dun naman sa bunso, dun sa kambal, hindi naman siya ganito. Bakit? Dahil ba sa lalaki yung dalawa kaya hindi niya pinaghihigpitan? Unfair!

Huminga ng malalim si Kuya bago napa iling."Anong nangyari? Saan kayo pumunta kagabi at lasing na lasing ka?".sunod sunod niyang tanong.

Nakakainis. Gustong gusto ko siyang irapan. Alam ko naman na may idea na siya kung nasaan kami kagabi, bakit kailangan pa niya akong paaminin? Gusto nya ba talagang sa akin pa mismo magmula?

"Sagutin mo ako Rien. Saan kayo galing nila Ran at Jean?"

"Kuya Raen hindi ko naman ginusto na pumunta don, ang totoo sinama lang ako nila Ran tas ayun.. " nakayuko at halos pabulong na paliwanag ko.

"Shit. Rien hindi mo ba alam na napakadelikado nung lugar na pinuntahan nyo?".alalang tanong pa ni kuya. Parang frustrated na frustrated siya dahil sa ginawa namin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiling.

"Zakhia Rien Dela Rosa naman! Ang Eloquent Son of Gun ang nagmamay ari ng bar na 'yon, hindi ligtas ang lugar na 'yon para sa inyo!".

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kuya."Anong Eloquent Son of Gun ang sinasabi mo?".tanong ko.

"Ang ESG ang nangunguna ngayon sa lahat ng mga gang group sa underground society and they are the owner of Admerson University, ang eskwelahang papasukan mo!".paliwanag pa niya.

Napahilamos si kuya Raen sa kanyang mukha at halata sa kanya ang pagka dismaya."Ang ESG brothers and leader ng gang na yun. I guess, you have no idea kung sino sila. Si Skyler ang leader nila, si Glean ang sumunod sa puwesto at si Devin ang pangatlo. How I wish na wala kang nakasama ni isa sa kanila kagabi?".

Nagkaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni kuya. Napakaraming tanong sa isip ko.

"K-kuya Raen, si Devin-- "

"Anong si Devin? Anong meron sa kanya?".

"Nakausap ko siya kagabi".

Bigla na lang napayukom sa ng kamao si kuya Raenard at buong lakas na sinuntok yung pader nung palikuran.

"Tangina. Anong sinabi niya sayo? Nakilala ka ba niya? Pinagbantaan ka ba niya? Ano?".sunod sunod na tanong ni Kuya at napasuklay na lang sa kanyang buhok.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa nagawa ko. Dapat ba hindi ako nagpakilala?

"Fuck. Rien, sumagot ka!".

"Wala--- "

Naputol ang sinasabi ko ng may madinig kaming sunod sunod na katok.

"Kuya Raen, ate Rien, kakain na daw".sigaw ng kumakatok. Malamang isa sa kambal. "Sumunod na lang po kayo sa baba!".

"Okay.."tugon ni Kuya.

Isang nanlilisik na tingin muna ang pinabaon niya sakin bago siya naglakad palabas dun sa cr at marahil ay lumabas na rin siya sa kwarto ko.

Bigla akong nanlambot ng mawala na si kuya. Nasapo ko nalang ang ulo ko sa panghihina.

Ano ba tong napasok ko? Bakit ba kase sumama pa ako sa kanila kagabi at bakit ba hinayaan ko na malasing ako? At tsaka bakit niya ako kinausap? Bakit ako kinausap ng isang member ng gang group?

Bakit Devin?.

Buong araw walang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang mga bagay na sinabi sa akin ni kuya kanina at ang napakaraming tanong na hanggang ngayon hindi ko mahanapan ng sagot.

Bukas na ang unang araw ng klase. Iyon din ang unang araw ko sa Admerson pero ngayon pa lang kinakabahan na ako.

Paano kung pakitang tao lang pala 'yon? Paano kung gusto na niya pala talaga akong patayin ng gabing 'yon? Paano kung may masama na pala siyang binabalak tapos hindi lang natuloy? Paano kung masama pala talaga si Devin?.

Natigil lang akosa pag iisip ng may biglang kumatok mula sa labas ng kwarto ko.

"Ate, it's me, Rio.. " sabi pa nung kumakatok.

Aad naman akong tumayo para pagbuksan siya.

Pinilit kong ngumiti. "Hi Rio, where's Iro?". tanong ko agad sa kanya bago siya pinapasok. Dumiretso siya dun sa kama ko at tsaka naupo.

Tumingin ito sa akin."Kasama ni kuya Raenard si Iro".seryosong sagot ng kapatid ko.

Bahagya naman akong kinabahan dahil sa kinililos niya.

"May problema ba Ate? Related pa rin ba to sa break up nyo ni Kuya Benj?".napalunok ako dahil sa tanong ni Rio.

Naglakad ako patungo sa kanya at umupo sa tabi nito."Alam mo Rio bata ka pa kaya baka-- " hindi ko na natapos yung sinasabi ko kase bigla siyang nagsalita.

"Na baka hindi ko maintindihan ha? Tama ba ate?".hindi ako nakasagot.

Bakit bigla siyang nag-matured? Masyado ba kong nafocus kay Benj kaya hindi ko napansin na hindi na sila bata kung kumilis ni Iro?

"Come on, ate Rien. 12 years old na kami ni Iro. Five years lang ang agwat mo sa amin. I can clearly understand your situation, swear".

Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam kung tama bang mag-open up ako sa kanya. Tahimik lang ako hanggang sa maramdaman ko na bigla na lang akong niyakap ni Rio. Halos masakop niya ko ng buo dahilang laki na niya kumpara sakin. Ang daya. Ang tatangkad nila at mas nagmumukha pa akong bunso. Nasan na naman ang hustisya ha?.

"Tell me, ate Rien.. " panimula niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin."Ayaw mong sabihin sa akin ang problema kase hindi kita maiintindihan? O, ayaw mong sabihin sa akin ang problema kase nasasaktan ka parin?".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon