Kabanata 5'Ikaw lang ang mahal ko pangako'
'Kahit na sino pa ang dumating ikaw lang talaga'
'Wala naman akong pake sa kanila kase ikaw pa lang sapat na'
'Mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo. Pakakasalan kita gaya ng sinabi ko, pangako!'
Sino ba kase? Sino ba ang makapagsasabi kung sino ang dapat na paniwalaan at hindi? Kung ano ang pangakong matutupad at kung ano ang mga pangakong tuluyan ng mapapako?.
Bakit kase ang unfair? Kung sino yung nagmamahal ng totoo sila pa yung nasasaktan? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang din sila?
Hindi ba pwedeng maging masaya na lang din ako?
Ang sakit at ang hirap na kase talaga, e.
Napatingin lang ako sandali sa nakabangga ko at nagpatuloy ng muli sa paglalakad.
Wala ng galang kung wala pero h'wag muna ngayon. Ayoko ng kausap at ayokong may kumausap sa akin. Kailangan ko ngayon ng space at time na makapag isip.
"Miss yung wallet mo nalaglag--".
Pagalit akong lumingon at sinampal yung lalaki.
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ko. Shit. Bakit ko siya sinampal? Ano bang pumasok sa kokote ko at bigla ko na lang ginawa 'yon?
Bigla akong tinapunan ng nanlilisik na tingin nung lalaki. Napalunok ako dahil dun and at the same time ay napaatras dahil sa takot. Pero yung takot ko ay biglang nawala ng madinig ko ang tawa niya.
Napailing na lang yung lalaki bago naglakad palapit sa akin at tsaka inabot ang yung wallet ko. Agad ko naman iyong tinanggap at napayuko na lang dahil sa hiya.
"You know what, ang tapang mo. I like you!".dagdag pa nung lalaki na mas lalong lnagpakaba sakin. "Ang isang kagaya mo ang nababagay na maging reyna ng Admerson!".dugtong niya bago pinatong ang kanyang kamay sa ulo ko at ginulo ng bahagya ang aking buhok.
Ang isang kagaya ko? Bilang reyna ng Admerson? No way!. E, sa pagkaka alam ko si Skyler ang naghahari harian dito at hanggang ngayon ay wala pa din siyang queen at hindi ako 'yon!
Ewan ko ba sa kanila kung bakit kailangan na magkaroon pa ng ganun sa school na 'to. Is it really necessary? O, baka naman may gusto lang talaga siyang patunayan kaya ginagawa nila yun?
"Tingnan mo nga naman, ang leader ng Enormous Black Dragon ay narito ngayon sa harap ng isang magandang babae".napalingon kaming dalawa dun sa nagsalita at muling bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil don."Alam mo ba na si Zakhia ay pagmamay ari na namin? Nang Eloquent Son of Gun ha?".
Nanindig ang mga balahibo ko ng madinig ang nakapangingilabot at malamig niyang tinig pero nangibabaw ang inis ko.
Pagmamay ari? Sa pagkaka alam ko, wala namang nagmamay ari sakin. Bwiset. Ano ba ako? Isang bagay na pwede nilang angkinin?
Ngumisi yung lalaking nabangga ko at umiling."Edi sa inyo na, paki ko ba?".sarkastiko niyang sabi. "Tsaka wala naman akong sinabi na aangkinin namin siya. Hindi ba Skyler Villa Fuente?".dagdag pa niya bago naglakad palayo.
Bakit ba may mga ganitong kabaliwan sa school na 'to? Kung alam ko lang, hindi na sana ako dito nag enrol. Nakakainis. Talaga bang pinapayagan na magkaroon ng mga gang sa school na 'to? O, baka naman nagbabait baitan sila sa school pero kapag nasa labas na ng campus tsaka sila nagbubugbugan?
Bahagya naman akong napaigtad ng bigla na lang hawakan ni Skyler ang kamay ko at hatakin patungo sa kung saan. Wala akong sapat na lakas para magpumiglas pa kaya naman hinayaan ko na lang siyang hatakin ako. Hanggang sa mapagtanto ko na lang na ang lugar na tinatahak namin ay patungo dun sa likod na bahagi nung campus.
Bigla na lang siyang tumigil at sinandal ako sa katawan ng isang malaking puno. Nanlilisik ang mga tingin niya sa akin at para bang gusto na niya akong patayin anumang oras mula ngayon.
"Iwan nyo kami!".mahina pero nakakatakot na utos niya sa kanyang mga kasamahan na agad namang nagsisunod.
Muli niyang binaling sa akin ang atensyon niya at mas lalo lang nanlisik ang mga titig niya. Lumapit siya sa akin-- na halos magdikit na kaming dalawa. Hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang braso ko dahilan para mapatayo ako ng tuwid at mapatingin din sa kanya.
"Ayokong makikita kitang nakikipag usap ulit sa kanya. Naintindihan mo?".madiin niyang sabi na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Naiintindihan mo ba Rien?!".halos pasigaw na tanong niya nung hindi ako sumagot.
"O-oo,naiintindihan ko".sagot ko, kasabay nun ay ang pagluwag ng hawak niya sa braso ko.
Nakahinga ako ng maayos dahil dun at napahawak na lang ako sa aking dibdib. Dinig na dinig ko ang malulutong niyang mura kasabay ang malalalim niyang paghinga. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung ano ba talaga ang meron at kung ano ang nasa pagitan nila nung lalaki kanina?
Yun ba ang grupong kaaway nila?
"Anong meron dito?".
Napatigil sa pagmumura si Skyler at sabay kaming napalingon dun sa nagsalita. Bahagya namang kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino siya.
"Wala".sagot naman ni Skyler sa kanyang kapatid bago naglakad palayo at iniwan ako. Ano bang problema nun?
"Ayos ka lang? Anong nangyari?".muli kong binaling ang tingin ko dun sa isa pang lalaki at pinagtaasan ko lang siya ng kilay."Tss sungit mo naman, si Devin kinakausap mo tas ako hindi?".maang pa niyang tanong.
Isang pekeng ngiti na lang ang tinugon ko sa kanya bago naglakad palayo pero nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla niyang hinigit ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Pinanliitan ko siya ng mata at tinitigan ng masama."Alam mo para kang kakambal mo! Ang kulit nyo masyado!".inis kong sabi bago binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Parehas nga kaming makulit pero mas cute naman ako kesa kay G--Devin!".napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
Kapal ng mukha!
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman ah!".
Napa irap na lang ako sa kanya."Whatever.. Glean Villa Fuente!".mapagmaldita kong dagdag.
"Ito naman hindi mabiro, sungit masyado.. " bulong pa niya pero dinig na dinig ko naman.
Siraulo ba talaga ang magkakapatid na 'to? Yung isa hindi maintindihan, masyadong seryoso. Yung isa naman ang daming alam tungkol sa love at napaka pakielamero tas eto namang isa, jusko ang kapal ng mukha! Ang hilig magbiro, e hindi naman nakakatawa.
Tinalikuran ko na siya pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.
Hindi ko alam kung normal ba tong nararamdaman ko pero ramdam na ramdam ko sa sarili ko ang inis.
UGH! Ano bang pake ko sa kanila?.
-*-
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...