Kabanata 15

136 5 0
                                    


Kabanata 15

Nandito parin ako sa office nina Glean pero wala sita dito ngayon. Nagpaalam kase siya na may aasikasuhin sandali. Babalik din naman daw siya agad. Break time namin ngayon kaya nagstay nalang din ako dito.

Abala ako sa pakikipag usap kay Ran sa phone ng makatanggap ako ng tawag galing kay Rio.

"Hello, Rio. Bakit napatawag ka?".tanong ko.

"Ate nasan ka?".

Bahagyang kumunot ang noo ko ng madinig ang paghikbi niya. Bigla din akong nakaramdam ng kaba dahil dun.

"Wait. Rio, umiiyak ka ba?".

"Ate, umuwi ka na please. Nag aaway sila mom and dad tas si Iro naman sinusumpong na ng asthma niya kakaiyak. Ate, I don't know what to do. Please, uwi ka na".

Biglang sumikip ang dibdib ko ng madinig ang mga sinabi ni Rio. Kasunod nun ay nakadinig din ako ng sigawan at mga nababasag na bagay!

Shit. Ano na naman ba 'to?

"Sige, uuwi na ko. Bantayan mo lang si Iro okay?".

"Okay po ate!".

Wala na akong sinayang na oras. Dali dali kong sinukbit ang bag ko at aktong tatakbo na palayo ng may biglang humigit sa kamay ko.

"Saan ka pupunta?".nanindig ang mga balahibo ko ng madinig ang lamig ng boses niya."Baka bigla kang hanapin ni Glean kapag umalis ka!".

Dahan dahan ko siyang hinarap at agad na nagsitulo ang mga luha ko."Kailangan ako ng kapatid ko, Devin".mahinang sagot ko bago inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Do you think palalabasin ka ng guard? Oras parin ng klase. They won't allow you to go outside"

"I don't care. I really need to go home. My brother needs me--".

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng hatakin niya ko papunta sa may gate. Sinamahan niya ko dun at siya ang kumausap sa guard para palabasin ako.

He's right. The guards won't allow me to go. Ang tanga ko pala.

Matapos ang ilang minuto na pakiusapan ay pinalabas narin ako.

"T-thank you.. "

"Ayos lang. Sige na".

Iniwas ko na ang tingin ko kay Devin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng aking palad. Pasimple akong napayuko at napailing bago nagtatakb at agad na tumawag ng taxi. Alam ko na laging sinasabi ni kuya Raenard na hindi safe ang magtaxi pero hindi iyon ang mahalaga ngayon.

Binigay ko na yung address namin dun sa driver at nakiusap na bilisan niya ang pagpapatakbo. Wala pang bente minutos ng nakarating kami sa bahay.

Inabot ko na agad ang bayad at nagtatakbo papasok. Hindi ko inaasahan ang mga bumungad sa akin. Parang binagyo ang buong bahay dahil napakaraming basag na vase, salamin, mga picture frame at pati yung tv, basag din.

Nagtatakbo ako paakyat sa hagdan at dumiretso dun sa kwarto nung kambal.

Halos masira na yung pintuan dahil sa padaskol ko iyong binuksan. Agad na napukaw ang atensyon ko ng makita ko si Rio na todo paypay kay Iro.

"Ate!".agad na lumapit sa akin si Rio at niyakap ako ng mahigpit.

Gusto ko ding maiyak ng mga oras na 'yon pero hindi ako dapat panghinaan. Kailangan kong maging matatag. Kumalas na ako sa pagkakayakap namin ni Rio at dali daling nilapitan ang kanyang kambal.

"Iro, tahan na okay. Hinga ng malalim and relax. Ate's already here".pagpapakalma ko sa kaniya kahit na ang totoo ay nalilito na rin ako."Rio nandyan ba yung kotse ni Kuya Raen?".baling ko naman sa kaniya.

Sunod sunod na iling naman ang sinagot niya sa akin."Wala, ate. Kanina pa wala dito si kuya. Yung kotse naman ni mama at papa, ginamit na nilang dalawa paalis after nilang mag away!".umiiyak pa rin niyang sagot.

"How bout our manong? Our driver?".

"Nasa leave ate".

"Tumawag ka na lang ng taxi!".nagmamdali kong utos na agad naman niyang sinunod.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Iro na halatang hirap na hirap na sa paghinga.The fuck. Nasaan ba kase si kuya?.

Mabilis kong kinuha ang wallet ko na nasa kwarto at binalikan ulit si Iro.

"Ate nandyan na yung taxi!".hingal na sabi ni Rio na kadarating lang.

Pinagtulungan na naming alalayan si Iro at sinakay sa back seat nung kotse. Ako naman ang naupo dun sa passenger seat samantalang si Rio ay nandun din sa likod. Nagpahatid kami sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating namin ay mabilis na tinulungan ng mga nurse ang kapatid ko.

Natataranta ang lahat dahil hindi na talaga halos makahinga si Iro. He can't even open his eyes. Nang mga oras na yun, hindi ko na napigilan ang sarili na mapaiyak.

Sobrang gulo na kase ng isip ko at takot na takot narin. Hindi ko alam kung bakit kailangan namin 'tong danasin at kung bakit nagkaka ganito ang aming pamilya..

Ano ba kase talaga ang mga nangyari?

"Everything will be alright di ba ate?".mahigpit na yakap mula kay Rio ang natanggap ko.

Dahil dun kaya lalo akong napahagulgol. Naramdaman ko din ang unti unting panlalambot ng mga tuhod ko. Until I realized na kaya nalang pala ako nakatayo ay dahil sa inaalalayan ako ni Rio.

Wala na kase, e. Wala na akong lakas.

"H'wag kang matakot, ate. Please, ikaw na lang yung pinagkukuhanan ko ng lakas ngayon.. ".halos madurog ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

I want to be strong for the both of them but I can't. I just can't.

Hindi ko na maintindihan si kuya nitong mga nakakaraan tas dumagdag pa ngayon sila mama at papa. Hindi ko na din alam ang gagawin ko lalo na ngayon na hindi namin alam kung ano ang mangyayari kay Iro.

Ganun ba ako kamalas at lahat na lang ng nasa paligid ko nagkakagulo?

-*-

Nang gabi ding iyon ay pinalipat namin si Iro sa isang private room para makapagpahinga siya ng maayos pero mukhang hindi ganun ang mangyayari.

"Kasalanan mo 'tong lahat Alfred!".singhal ni mom kay dad."Kung hindi mo pinairal ang kakitiran ng utak mo hindi mangyayari 'to!".

"Ako pa, Amelia? How many times do I have to tell you that I don't like seeing you with that man. Ayokong nakikita kayong magkasama ni Yohan".nakasinghal din na tugon ni papa.

Kanina pa sila nagtatalo pagkarating palang sa ospital. Hindi ko alam kung kailan sila titigil.

"Bakit? Ilang beses ko narin namang sinabi sayo na wala nang namamagitan sa amin hindi ba?".napatakip na lang ako sa aking tenga.

"But I'm so scared to loose you, Amelia. Cyz I know that in just a snap of a finger, he can take you away from me".mangiyak ngiyak na si papa.

"Ganyan ka ba kawalang tiwala sa akin?Kung ganon bakit pa natin 'to pinagtyatyagaan?".

"What do you mean?".

"Maghiwalay na tayo!".

"Pwede ba tama na!".hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.Tumayo na ako at pumagitna sa kanila."Bakit ba kayo nagkakaganyan mama, papa? We need you".umiiyak kong sabi."We need the bothe of you, so please, just stop. I can't handle this alone. Hindi ko na maka usap si kuya ng matino tas pati ba naman kayo mag aaway din? Ma, la, we're still here. Nandito pa kami nila Rio at Iro! Hindi ba pwedeng isipin nyo muna kami? Please".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon