Kabanata 14

136 3 0
                                    


Kabanata 14

Aligaga sila mom and dad pati na si kuya Raen na mag ayos. May isang family gathering kase kaming pupuntahan and I'm sure na magiging masaya yun dahil nandun si Gi-Gi.

Isang kulay blue na dress ang suot ko. Kapartner nun ang isang puting sapatos na may mukha ni Casper, relo, pony at bag na meron ding tatak nito.

Ako na ata ang batang pinaka adik sa multong yun.

Nahiligan ko siya simula nung malaman ko na gustong gusto din yun ni Gi-Gi at lagi niyang sinasabi na ako si Kat-- ang kaibigan ni Casper.

Lumabas na ako sa aking kwarto at nakangiting tinitigan si mama. Ang cute niyang tingnan dahil ng mga panahon na 'yon ay malaki na ang baby bump niya.

Excited na akong makita ang dalawa ko pang magiging kapatid.

Nang makarating kami sa napag usapang lugar kung saan gaganapin yung gathering, nakita ko kaagad si Gi-Gi. Inaya niya ako na maglaro ng habulan. Masaya ang lahat at takbo lang kami ng takbo na dalawa.

"Ri-Ri..."

Napabalikwas ako ng bangon ng may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Nilibot ko ang aking mga mata sa buong silid pero wala namang tao dito maliban sa akin. Siguro magkamali lang ako.

Pero bakit ang dalas na ata ng pagkaka mali ko?

Sino si Gi-Gi?

Mabilis akong kumilos at nag ayos para hindi ako malate sa klase. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mas pinili kong magbaon na lang ng sandwich at sa biyahe na kumain.

"Ma'am Rien nandito na po tayo".magalang na sabi sa akin ni manong Gino, ang driver namin.

Tumango naman ako sa kanya bago lumabas sa kotse. Dahan dahan kong sinara yung pinto bago naglakad papasok dun sa malaking gate ng Admerson.

May kanya kanyang ginagawa ang lahat at ako naman ay diretso lang sa paglalakad hanggang sa bigla na lang akong mapatigil ng may bumunggo sa akin.

Napatingin ako dun sa nakabunggo sa akin at laking gulat ko ng makilala ko kung sino yun. Mukhang busy siya ngayon dahil may makapal na libro siyang hawak hawak-- binabasa niya ata 'yon habang naglalakad kaya hindi namin napansin na mababangga na pala kami.

Nagpalinga linga siya sa paligid na. Parang inaalam kung may nakabantay at nakatingin sa amin. Matapos magpalinga linga, binalik na niya sa akin ang tingin niya.

Sorry -Glean

Binuka niya ang kanyang bibig at na parang isang pipi na walang lumalabas na boses pero nakuha ko naman agad ang gusto niyang sabihin.

Una na ako -Glean

Tinuro pa niya yung daan papunta sa office ng mga admin tas tinuro naman yung librong hawak niya.

Ngumiti naman ako at pasimpleng tumango. Isang nakakatunaw na ngiti ang kumawala galing sa kaniya bago siya tuluyang naglakad palayo.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa hindi ko na siya maaninag.

Tumalikod na din ako ng wala na siya pero hindi pa ako nakakahakbang ng may lalaki na naman na bumungad sa akin.

"Pasimpleng pag uusap? Akala niyi ba hindi ko kayo nakita?".pang aasar niya na iba ang naging dating sa akin.

Hindi niya ba alam na siya ang dahilan kaya hindi kami makapag usap ng maayos ni Glean? Ibang klase din talagang lalaki ang isang 'to.

"Gusto mo na siyang maka usap?".bigla siyang nagseryoso at tumango naman ako.

"Gustong gusto"pabulong na sagot ko.

Nadinig ko ang malalim niyang paghinga bago ulit nagsalita."Hindi naman ako ganun kasama hindi ba?".nakakunot noo akong napatingin sa kanya.

Tinatanong niya ako? Aba malay ko sa kanya. Hindi ko naman siya ganun kakilala at isa pa, hindi pa siya nakakalusot sa atraso sakin. Sigurado ako na may alam siya sa ginawa ni Devin.

"Sige na. Takbuhin mo na yung kapatid ko at mag usap kayo hanggang gusto niyo".

Dahan dahang umangat ang dalawang gilid ng labi ko at hindi ko na napigilan pang mapangiti.Hindi ko alam kung bakit pero biglang nawala yung inis ko sa kanya at basta ko na lang siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank you, Skyler".masayang sabi ko bago kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya at nagtatakbo papunta sa tinahak na daan nj Glean.

-*-

Someone's POV

Lahat para sayo Khia. Gagawin ko. Sana lang talaga bumalik na ang lahat sa dati para matupad na lahat ng mga pangarap at pangako nating magkakaibigan.

Kase natatakot na ako sa pwede nilang gawin. Alam kong planado na nila ang lahat. Ayoko naman mapilitan ka sakin lalo na at alam na alam ko naman na iisa lang ang mahal mo noon pa man. Ayokong maging panira sa inyo. Ayaw kitang makitang malungkot at ayaw kitang masaktan.

"Ayokong ikasal ka sakin ng napipilitan ka lang".

-*-

Rien's POV

"Glean". napatingin ang lahat ng admin sa akin at bigla na lang akong nakaramdam ng hiya.

Shit. Ang tanga mo Rien.

Bakit ba kinalimutan mo na office 'to ng mga admins? Nagawa mo pa talagang sumigaw!.

"Who are you?".

"Alam mo bang hindi pwede dito ang mga estudyante lalo na kapag walang importanteng gagawin?".

Nakakatakot. Ganito ba talaga sila sa lahat? Ganito ba sila magwelcome sa mga estudyante nila?.

Hindi ko ba pwedeng sabihin na 'hey friend ako ni Glean?'.Ampft!.

"Lumabas ka na--"

Natigil sa pagsasalita yung isang admin na sa tingin ko ay nasa 30-40 years old.

"Hindi niyo siya pwedeng palabasin".sabat ng isang lalaking nakasalamin na kalalabas lang sa isa pang kwarto.

"Pero sir Glean, kilala nyo po ba siya?".tanong ulit nung babae.

Ibubuka na sana ni Glean ang bibig niya para sumagot ng may biglang pumasok dun sa opisina at nagsalita.

"Glean pirmahan mo na daw 'to sabi ni kuya Skyler tas--" napatigil siya ng magkatama ang mga paningin namin.

Napayuko na lang ako at pasimpleng napailing.

Magkamukhang magkamukha nga talaga sila lalo na ngayon na parehas silang may suot na eyeglasses. Pero ganun pa man hindi na ako malilito dahil alam ko na kung sino talaga sila.

"Ilagay mo na lang dun sa table ko, Devin".bahgyang diniin ni Glean ang pagkakasabi sa pangalan ng kanyang kakambal.

Tumango na lang ito bago pumasok dun sa pinto na nilabasan naman kanina ni Glean. Natahimik ang lahat sa loob ng ilang segundo. Wala ni isa ang naglakas loob na magsalita maliban na lang sa akin!.

"Mauuna na po ako".mahina kong sabi at naglakad na papunta dun sa may pinto.

Pipihitin ko na sana yung doorknob ng may biglang humawak sa kamay ko at pinigilan akong lumabas.

"Her name is Zakhia Rien Dela Rosa, she's one of my... friend".pakilala ni Glean sakin."She can go here anytime she wants. Walang pipigil. Is it clear?".tumango silang lahat at mabilis na nawala ang lahat ng tao dun sa silid at kaming dalawa na lang ni Glean ang natira."Bakit ka nga pala pumunta dito, Ri?"

Ri? Ri-Ri?

Agh!.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon