Kabanata 39"Are you happy babe?".
Bigla akong napatingin kay Glean na nakangiti lang habang nagmamaneho.
"I'm so happy, Glean. I'm so happy cuz you're here with me".nakangiting sabi ko.
Akala ko may sasabihin pa siya pero hindi na kumibo si Glean after nun. He just simply hold my hand at ilang beses pa niyang hinalikan yun hanggang sa makuntento. Hindi na niya binitawan ang kamay ko pagkatapos. Malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ko at napatingala na lang para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Alam ko kase, e. Ramdam na ramdam ko na hindi na ayos ang lahat.
Pinipilit niya lang pagtakpan ang lahat ng nangyayari. He's just trying to pretend that he's happy though he's not. I know he's scared, ilang beses na niyang nasabi sakin yun but I want to know why. Bakit siya natatakot? I want to know what he's thinking. I want to know everything.
Glean, please tell me. Ma lalo lang akong kinakabahan dahil sa ginagawa mo.
"Ri, lets make a lot of memories together okay?".
Bigla akong napatingin sa kaniya at hindi ko na naiwasang mapaluha. Alam ko na masakit magmahal pero wala namang nakapagsabi sakin na ganito pala kasakit. Sobrang sakit.
Itinigil niya sa gilid ang sasakyan tsaka humarap sakin.
"Hey, don't cry. Please, stop crying. Alam mo naman na nasasaktan ako every time na nakikita kitang umiyak hindi ba? Please, stop crying, babe!".
Isang mapait na ngiti na naman ang kumawala galing sa akin bago ako tumango sa kaniya at ibinaling nalang dun sa daan ang tingin.
Yes, he's right. Glean's always right.
We need to cherish every single moment that we're together and create a lot of memories kase hindi ko alam kung magagawa pa ba namin ang mga bagay na 'to sa susunod. There's a lot of challenges coming on our way. Inaalam nila kung hanggang saan namin kakayanin. At kung kailan kami susuko.
No. I will never surrender. Ilalaban ko 'to. Ipaglalaban ko siya. He means everything to me. Glean is my life. Hindi ko kakayanin kapag binawi siya sakin. Hindi ko kaya ng wala siya.
Matapos naming mamasyal ni Glean ay naisipan naming pumunta sa isang tahimik at malayong lugar. Sa tabing dagat.
Mahaba ang biyahe pero masaya. Naupo kami sa pinong bubangin at pinagmasdan ang araw na malapit ng lumubog. Kulay kahel na ang kalangitan at unti unting lumalamig ang hangin. Isinandal ko ang ulo ni Glean sa aking balikat at agad naman niyang inangkin ang kamay ko.
H'wag mo akong bibitawan, Glean. Nagmamakaawa ako. Natatakot na kase kong maiwan ulit.
-*-
Glean's POV
Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay ni Rien at parang ayaw na naming bumitaw sa isa't isa.
I don't want to let her go. I just want to hold her hands and spend the rest of my life with her.
Mahal na mahal ko talaga siya.
"Glean.. " bigla akong napalunok ng madinig ang boses niya.
Nanatiling tikom ang bibig ko at hinayaan lang siyang magsalita.
"Glean, promise me na babalik pa tayo dito. Babalik pa tayo dito ng magkasama okay?".
Parang nanuyo ang lalamunan ko ng marinig ang paggaralgal ng boses niya. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Rien, sigurado ako na umiiyak siya ngayon.
Ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang makitang umiiyak kase parang unti unti akong pinapatay sa tuwing may luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
"Please, promise me".
Hindi ko nagawang sumagot. Ayokong magbitaw ng pangako na walang namang kasiguraduhan kung matutupad ko. Ayoko siyang umasa sa wala.
"Glean, I'm also scared. I tried so hard to erase all the negative thoughts running through my mind but I can't. I just can't. Natatakot ako para sayo. Natatakot ako para sa atin".dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tinitigan siya ng maigi."Please mangako ka na pagkatapos ng lahat ng 'to, babalik ka parin".
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Rien at pinunasan ang mga luha niya na parang mga patalim na sumasaksak sa puso ko. Huminga ako ng malalim bago siya hinalikan ng ilang ulit.
Damn. Ayoko pang malayo sa kanya. Please, bigyan niyo pa ko ng ilang oras. I'm not ready to leave her anytime soon. H'wag muna ngayon.
"Rien, kahit na anong mangyari, babalik at babalik parin ako sayo".
Inangkin ko ulit ang labi niya.
Hindi ako makuntento. I want more. Hindi ko kayang tumigil sa paghalik sa kanya. Ayoko ng matapos ang gabing 'to. Sobrang dami ko pang plano para saming dalawa. Please, h'wag naman yung ganito. H'wag niyo siyang pahirapan masyado.
Alam kong pinipilit ni Rien na maging matapang kahit na ang totoo, natatakot na siya. Please h'wag kayong maging madaya.
Hayaan nyo na kaming maging masaya. Please, I just want to spend the rest of my life with her. Please, I'm begging.
Tinitigan ko ang mga mata niya pagkatapos. Ang mga mata na nagpapakita sa akin na kahit nasa kalagitnaan ka ng dilim, may liwanag parin na naghihintay sa dulo.
"Babalik ako sayo kahit na anong mangyari cuz you're my life, Ri. You mean everything to me. You are the reason why I'm still fighting. Ikaw ang dahilan ng pagngiti ko. Pinapalakas mo lagi ang loob ko. You're my one and only queen. Rien, sayo lang ako. Tabdaan mo yan. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang nagmamay ari sa nag iisang Glean Villa Fuente at ikaw lang ang kinababaliwan ko. Baby, I'm yours. Sayong sayo lang".
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sakin at nagpasalamat naman ako dahil dun.
Salamat at dumating ka ulit sa buhay ko, Ri-Ri.
-*-
Rien's POV
"Ma, sino po siya?".nagtatakang tanong ko.
May isang hindi pamilyar na lalaki kase akong nakita dun sa sala after akong ipatawag ni mama mula sa kwarto ko.
Nandito din si papa at si kuya Raenard.
Hindi sila sumagot sa akin pero pakiramdam ko meron silang gustong sabihin. Hindi lang nila alam kung pano sisimulan. Gusto ko pa sanang magtanong pero mukhang hindi ko magugustuhan ang isasagot nila kaya naman tinikom ko nalang ang bibig ko.
Sinenyasan ako ni mama na maupo sa tabi niya na agad ko namang sinunod. Wala sa amin ang may lakas ng loob para magsalita at para akong nabingi dahil dun.
Malaki ang bahay namin pero pakiramdam ko napakasikip ng lahat. Nasasakal ako sa sobrang sikip ng pakiramdam. Sigurado ako na hindi maganda ang kalalabasan ng pag uusap na ito kaya ngayon pa lang kinakabahan na ako.
Tumayo ako at aktong maglalakad na palayo ng bigla na lang hawakan ni mama ang kamay ko at umiling. Pati sila papa at kuya Raen, tutol sa balak kong pag alis.
Hindi 'to maganda.
"Rien.. "nakangiting bati sa akin nung matanda pero hindi ako sumagot.
Sino ba siya? Hindi ko kilala ang matandang 'to. Ano bang ginagawa niya sa bahay namin? Para saan ba lahat ng 'to?
.Isang nakalolokong ngisi ang agad na kumawala mula sa kaniya. Kinabahan ako lalo.
"Nandito ako para pag usapan ang nalalapit niyong kasal ng apo ko na si.. Skyler!".
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Подростковая литература"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...