Kabanata 3Akala ko sobrang gulo na nung mga sinabi ni kuya Raenard pero hindi pala. Mas maguguluhan pa pala ako dahil sa mga sinabi ni Rio.
Nakakainis.
Bakit nga ba kase nasasaktan parin ako kahit na halos isang taon na ang nakalipas ng magbreak kami ni Benj? My God, Rien. Isang taon na pero yung sakit parang kahapon lang nung mangyari lahat.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang laki na nga ng problema ko dahil sa break up namin ni Benj, dumagdag pa sa isipin ko si Devin.
Bakit kase ako pa?.
Nakayuko akong naglalakad papasok sa malaking gate ng Admerson.
Kahit na hindi ko sila lingunin yung mga nakakasabay ko alam kong nasa akin lahat ng atensyon nila at ayoko ng ganon! Nakakailang!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako dun sa may bulletin board kung saan nakalagay ang pangalan ng mga estudyante at kung ano ang room number nila.
Hinanap ko kaagad yung papel na naglalaman ng mga pangalang para sa 2nd year college. Hindi naman ako nahirapan na hanapin yung pangalan ko na nasa class 'a' pero may dalawa pang pangalan na pumukaw sa atensyon ko.
"Glean Villa Fuente at.. Devin Villa Fuente".mahinang basa ko sa pangalan nila bago napalunok.
Kaklase ko ang dalawa sa Villa Fuente brothers. Patay na ata ako.
'Ayokong magkaroon ka ng koneksyon sa magkakapatid na iyon malinaw ba, Rien?'
Paulit ulit na nag echo sa isip ko yung mga sinabi ni kuya Raen kagabi. Napailing na lang ako at pilit na inalis ang mga bagay na 'yon sa isip ko.
Kailangan kong umayos lalo na't unang araw ng klase ngayon at isa pa wala naman siguro akong dapat na ipag alala. Nung gabi na nagka usap kami ni Devin, napakadilim dun sa lugar na 'yon at marahil hindi niya nakita ang mukha ko kaya naman hindi niya siguro ako makikilala.
Huminga ulit ako ng malalim at kinondisyon ang sarili ko bago pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa aking silid aralan.
Room 10 - Class 'A'
Hinawakan ko yung door knob at dahan dahan iyong pinihit at binuksan yung pinto. Isang magulo, maingay at masayang silid ang bumungad sa akin.
May mga naka upo sa arm desk nila, yung iba nakatayo at naghahabulan, ang gulo ng mga mesa, may nagbabatuhan ng papel at notebook, may mga nagdadaldalan etc. Ganito ba talaga ang class 'a'? Ang layo naman ata ng nakikita ko ngayon sa expectations ko.
"May problema?".
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang kumalabit sa balikat ko. Napahawak ako sa aking dibdib bago hinarap yung kumalabit sa akin.
Tatlong gwapo at matatangkad na lalaki ang bumungad sa akin. Lahat sila matangos ang ilong, mapungay yung mga mata, mapupula na mga labi at may isang hikaw sa kaliwang tenga. Mga gangster ba ang mga lalaking 'to?
Kilala ba nila si Devin? Member ba sila ng ESG?
Napatingin naman ako dun sa lalaking nasa kanan nung isa pa. Diretso lang ang mga tingin nito sa akin at sa kanilang tatlo hindi maipagkakaila na siya ang pinakagwapo at kakaiba ang dating. Idagdag mo pa na may suot siyang salamin--- malabo ata ang mata-- pero teka nga? Tiningnan ko naman yung lalaking nasa kaliwa at bigla akong naguluhan. Magkamukha kase yung lalaking nasa kanan at yung lalaking nasa kaliwa, ang pinagka iba lang ay wala siyang salamin.
Kambal kaya sila?
Binalik ko yung tingin ko dun sa lalaking nasa gitna na nagsalita kanina.
"W-wala namang problema".nakangiting sagot ko bago naglakad papasok dun sa room at kasunod ko lang silang tatlo.
Kumunot yung noo ko ng bigla na lang silang natahimik lahat ng makapasok na kami. Para silang nakakita ng multo sa gulat. Dali dali nilang inayos yung mga upuan pati yung mga sarili nila pero mas lalong kumunot ang noo ko ng lahat sila ay tumayo at nagsiyuko na para bang nagbibigay pugay.
Ang weird naman ng mga 'to. Ganito ba sila magwelcome ng mga transfer students?
"Ikaw si Zakhia Rien Dela Rosa.. tama ba?".
Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko kung san nakatayo pa rin yung tatlo.
"Ikaw lang ang bago sa amin ngayon".dagdag pa nung nasa gitna na may hawak ng papel kung saan nakalagay ang mga pangalan ng bawat isa.
Napalunok ako ng bigla na lang lumapit sa akin yung lalaking nakasalamin, nakapamulsa pa siya at napakaseryoso ng tingin sa akin. Napaatras ako ng bahagya ng masyado na siyang malapit.
Isang ngisi ang kumawala mula sa kanya."Ikaw yung nasa bar nung nakaraan tama?".tanong nito.
Muli akong napalunok ng mapagtanto kung sino siya.
"Devin.. " mahinang sabi ko at sa tingin ko ay siya lang ang nakarinig sa akin. Hindi ko alam pero parang nagugulat talaga siya sa tuwing tinatawag ko yung pangalan niya.
Ngumiti ulit siya at mas lumapit pa sa akin."Buti naman hindi ka na umiiyak.. Rien".naramdaman ko ang dahan dahang pagtayo ng aking balahibo lalo na nung tawagin niya ang pangalan ko.
Kakaiba.
"Umupo na kayong lahat. At kayo namang kambal, maiwan ko na kayo".parabg tinatamad na sabi nung lalaki na kanina pa nasa gitna bago tuluyang umalis.
Wala kaanu ano'y sumunod kaagad ang mga kalase ko dun sa utos nung lalaki. Kahit yung isang lalaki kanina ay naglakad na papapunta sa sarili niyang upuan at kung hindi ako nagkakamali marahil siya si Glean Villa Fuente.
"Good morning class!".napatingin ako dun sa harap at agad na bumungad sa akin ang nakakunot noong ekspresyon ng prof namin.
Napayuko na lang ako dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Tumayo na din ang iba naming kaklase at binati ang prof namin bago muling umupo.
Agh! Ang weird ng lahat.
Naupo na ako sa bakanteng silya na nasa bandang likuran at ngayon ay nasa pagitan ako nung kambal. Nasa kanan ko si Devin at nasa kaliwa ko naman si Glean. Hindi ko magawang makapag focus sa discussion dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig sa akin nung dalawa.
Bwiset. Sobrang naiilang na ako sa kinililos nila.
"Miss Dela Rosa, ok ka lang?".
Biglang bumalik sa realidad ang isip ko ng biglang tawagin nung prof ang apelyido ko.
"May problema ba? Bakit ka tulala?".dagdag pa niyang tanong pero agad akong umiling.
Pinilit kong umayos at bahagyang ngumiti."Ok lang po ako, sir. Wala pong problema".magalang na tugon ko at pinagpatuloy na niya ang diskusyon.
Agh.
'Wala nga ba talaga akong problema?'

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Jugendliteratur"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...