Special Chapter 3

17 1 0
                                        


Special Chapter 3

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng marinig namin yung biglang pagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung sino yung dumating pero sobrang nagulat ako ng may puting tuta na nagtatakbo palapit sakin. Kinuha ko siya agad at pinatong sa hita ko. Sobrang cute niya. Kamukhang kamukha siya ni Cayden. Yung aso na binigay sakin nun ni Glean.

"Hello, cutie. Sinong nagdala sayo?".tanong ko hanggang sa bigla nalang dumilim ang lahat. May kamay na nakatakip sa mata ko." Uy ano to? Prank ba to ma?".

Ilang segundo pa ng mawala na yung takip sa mata ko. Nasilaw ako bigla dahil sa liwanag. Someone hugs me from the back then I felt a kiss planted on my head.

"I missed you so much".bulong ni kuya Raenard kaya napaiyak ako bigla.

"Sobrang namiss din kita kuya".

Niyakap ko siya pabalik hanggang sa may batang lumapit samin. Buhat na niya ngayon yung tuta na kaninang nasa kandungan ko.

"Bryce, say hi to tita Rien".sabi pa ni kuya bago binuhat ang anak niya.

Apat na taon ng kasal si kuya Raen at si ate Brianna. Nakaattend pa ko sa kasal nila bago ako lumipad papunta sa New York. Meron narin silang anak, si Bryce na malapit naring mag-four years old. At buntis ulit ngayon si ate Brianna. Nakakatuwa.

Lumapit si ate Brianna sa pwesto namin at mabilis na nagmano kila mama. Ang alam ko sa Manila sila nags-stay sa ngayon kasama ni papa pero may sarili silang bahay sa Bulacan. Ngumiti sakin si ate Brianna tsaka yumakap. Kahit na ilang beses lang kaming nagkita sa personal nun, sobrang close parin naming dalawa. Madalas ko siyang kausap sa phone at pakiramdam ko nagkaroon ako ng apat na kapatid na babae dahil sa kanila. Jessica, Sanya, ate Brianna and Neriza are my sisters. Hindi man sa dugo pero tunay na kapatid ang turing ko sa kanilang lahat pati narin kay Devin at Sky na never akong pinabayaan.

"Bryce, why don't you give your gift to tita Rien?".sabi pa ni ate Brianna.

Binaba ni kuya Raenard si Bryce at naglakad to palapit sakin.

"He.. hello, tita Rien. I want you to meet your.. your new puppy. His name is.. is Jayden".

Ibinigay sakin ni Bryce yung puting puppy then kiniss niya yung pisngi ko. Ang cute niya talaga.

"Thank you, Bry".

"Daddy.. daddy bought Jayden for you cuz.. cuz Cayden is already dead".dagdag pa niya.

Oo nga pala. Naalala ko na ilang weeks after kong pumunta sa New York, binalita sakin nila mama na namatay na si Cayden. Bigla nalang daw nanghina then eventually, namatay din. Pinacremate nila mama si Cayden dahil yun ang bilin ko.

"Hope you like it".bulong pa ni kuya bago kami nagpatuloy ulit sa pagkain.

Sobrang saya sa pakiramdam na nakabalik na ko.

Panay ang tawa naming lahat habang kumakain. Sobrang dami nilang kinukwento na mga nangyari. Pati yung nakakatawang experience ni kuya Raen ng nagl-labor si ate Brianna, kinuwento ni mama. Hindi daw nila alam kung sino ang uunahin that time kase sobrang namumutla daw si kuya at hindi magawang tingnan si ate.

Siguro kung nandun ako nung araw na yun, baka vinideo ko pa si kuya para may remembrance.

After naming kumain ay nagyaya sila Sky na uminom. Pumayag naman agad si kuya kaya nagstay kami dun sa garden at naglabas ng alak. Nagpaalam naman si ate Bri na aakyat na sa kwarto para mamahinga. Hinatid siya ni kuya Raen sandali then bumalik din agad si kuya kasama si Bryce. Mukhang ayaw humiwalay ni Bryce sa papa niya dahil kumandong pa to kay kuya.

"Pa, allowed ba sila Iro na uminom?".tanong ni kuya Raen kay papa ng makita na tahimik yung kambal dun sa tabi namin. Maski si Neriza tahimik lang din sa tabi ni Jess.

"Ayos lang, nandyan ka naman, e. Basta h'wag sobra okay?".sagot ni papa bago nagpaalam na pupunta na dun sa sala. Nandun kase si mama tsaka sila tita Alicia.

Nagsimula na silang uminom after umalis ni papa. Maski yung kambal umiinom narin. Nakita ko na lumipat ng upuan si Iro at tumabi to kay Neriza. Mukhang wala lang yun kila kuya Raen at Sky. I guess may idea sila tungkol sa relasyon nung dalawa. Hindi nalang ako nagtanong at tahimik lang silang tiningnan habang iniinom ang alak na nasa tapat ko. Abala si Rio sa phone niya pero tumitigil ito sandali tuwing inaabutan siya ni kuya ng alak.

Bigla ko tuloy naalala, kaedad ako ni Rio at Iro ng payagan din ako ni papa na uminom. Hindi naman kase ganun kahigpit ang parents namin pero masasabi ko na napalaki nila kami na responsable.

Tuloy lang kami sa pag inom hanggang sa mapatingin ako kay kuya Raenard. Hindi na niya kandong si Bryce ngayon kase sumama na si Bryce kay Neriza na nasa tabi parin ni Iro at magkausap. Hindi ko inexpect na nakatingin din pala sakin si kuya nung oras na yun.

Ngumiti ako sa kanya.

Matapos ng lahat ng nangyari, nagawa ko paring patawarin si kuya Raenard sa kabila ng lahat ng nagawa niya. Bago ako umalis, sinabi niya sakin lahat ng nangyari at nalaman ko na wala naman pala talaga siyang masamang plano. Gusto niya lang talaga na protektahan ako that time. Siguro hindi lang kami nagkaintindihan. Well, hindi naman na importante yun ngayon kase ang mahalaga, ayos na kami.

"So what's your plan now, Rien? Balak mo ba na dito na magstay?".tanong sakin ni kuya kaya napatingin silang lahat samin.

"Ang totoo niyan, hindi pa ko nakakapagdecide. Umuwi lang talaga ako dito para sana sa kasal nila Sky at Jess. Hindi pa ko sure kung dito na ba talaga ako mags-stay".sagot ko.

"Dito ka nalang. Mamimiss ka na naman namin kapag umalis ka".dagdag naman ni Sky na sinang ayunan nila Devin pati nung kambal.

"If you want, pwede kang umuwi samin. Baka gusto mong mamasyal sa province para makaiwas muna sa gulo ng Maynila".suggest naman ni Sassa.

Maganda ang offer na yun. Hindi ko matanggihan.

Nagpatuloy lang sila sa pangungumbinsi na hwag na akong umalis hanggang sa may naisip ako na magandang plano. Actually, nung nasa New York pa lang ay naisip ko na ang bagay na yun. Balak ko sana yung gawin once na sure na kong mags-stay dito. Tutal ayaw na nilang umalis ako. Mabuti siguro kung ituloy ko nalang ang plano na yun at magstay na dito sa Pinas.

"I really enjoyed my work as a manuscript editor sa isang publishing company sa New York. Do you think pwede ko paring gawin yun dito? May mapasukan kaya ako?".tanong ko sa kanila.

Mabilis naman silang tumango sakin.

"Ofcourse. Yun ba ang gusto mong gawin?".tanong ni Devin kaya tumango ako.

"We can help you".sagot naman ni kuya.

Napangiti ako dahil dun.

"Gusto ko rin sanang magtayo ng small business para may iba pa akong maging source of income. Tsaka sayang naman kung hindi ko magagamit yung napag aralan ko sa business management. Gusto ko sanang magpatulong kay Jess na ihandle yun kaya lang busy siya ngayon sa business na naiwan nila Devin kaya nagdadalawang isip pa ko".paliwanag ko pa.

Ngumiti naman si Jess sakin. "Pwede parin naman kitang tulungan. Tsaka hati naman kami ni Sanya sa mga trabaho dun sa business nila kaya hindi ako ganun kabusy".

"Brianna and I can also help you to handle your business, Rien".sabi naman ni kuya Raen.

"If you need an interior designer and architect, tumawag ka lang sakin para matulungan din kita".offer naman ni Sky kaya halos wala ng pagsidlan yung saya ko.

Nagparating din ng suporta yung kambal at maski si Neriza, willing daw tumulong kung kinakailangan.

Gosh. Sobrang saya naman nito.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon