Kabanata 9

184 7 0
                                    


Kabanata 9

Weird!

Sobrang tahimik kanina sa bahay tas pati dito ngayon sa school ang tahimik parin?Ano bang problema ng mga tao ngayon ha?

Habang naglalakad ako palabas ng campus para umuwi ay napatingin ako sa lahat ng room na nadaraanan ko. Nakasarado na ang mga pinto, bintana at yung mga liwanag lang na nagrereflect dun sa salamin ang makikita mo.

Wala akong ni isang nakasalubong sa paglalakad. Siguro mga nakauwi na sila dahil pagabi narin naman at yung malakas na ihip ng hangin lang ang madidinig mo.

Binilisan ko na ang takbo ko palabas kase hindi na maganda ang nararamdaman ko. Susunduin ako ni kuya, malamang ay nasa labas na siya.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na ko dun sa gate. Nakita ko narin ang kotse ni kuya sa hindi kalayuan pero bigla na lang akong napahinto ng isang grupo ng mga lalaki na nasa tatlumpo siguro ang bigla na lang humarang sa dinaraanan ko.

Sa gitna nila ay nakita ko ang tatlong kalalakihan na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko habang nakapamulsa.

Pinalibutan nila akong tatlo at titig na titig lang sila sa akin. Napaka seryoso ng mga mukha nila ng oras na yun.

Maya maya pa'y muli akong nakarinig ng napakaraming yabag na patungo din sa kinaroroonan namin. Dumoble ang kaba ko dahil dun pero agad na naagaw ni Devin ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay ko at bahagya ako hinila papunta sa likuran niya.

"Protektahan si Rien kahit anong mangyari". utos pa ni Skyler at agad akong pinalibutan nung mga kasamahan nila habang yung tatlong magkakapatid naman ay pumunta sa bandang unahan.

"Nathan, hindi pa din ba sumusuko ang Enormous Black Dragon huh?".

"Kailan ba kami sumuko? Lalo na ngayon na may bago na kaming pinaglalaban".

"Ano naman ang pinaglalaban nyo ngayon?".

"Ang mailayo sa inyo ang kapatid ko".

Nanindig ang mga balahibo ko ng madinig ang isa sa pinaka pamilyar na boses sa akin!

Bakit kasama ni kuya si Nathan?

Don't tell me na member din siya ng gang. Shit. Kailan pa?

"Raenard Dela Rosa. Ngayon ka na lang ulit ata namin nakita".

Mas lalo akong kinilabutan ng madinig kong banggitin ang pangalan ni kuya. Ginawa ko ang lahat at pinilit kong lagpasan yung mga lalaking nakabantay sa akin pero nakakainis. Tangina. Ayaw nila akong padaanin!.

"H'wag ka ng magpumilit na pumunta sa harap".pakiusap nung isang lalaki sa akin pero hindi ako nagpatinag.

Pilit pa rin akong nagpumiglas sa kanila."Hindi ako titigil kase nandun yung kuya ko. Nandun si kuya Raen at hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nailalayo!".desperado kong sabi.

Bigla namang hinawakan nung lalaki yung kamay ko."Hahayaan kitang makausap siya mamaya pero ngayon, h'wag muna. Kami ang malilintikan kay Sky kapag may nangyaring masama sayo., okay?".pangungumbinsi niya sa akin.

"Kuya ko ang nandun. He will never let anything bad happen to me. Tsaka paano ako makasisiguro na makakausap ko siya mamaya? Paano kung may mangyari sa kuya ko--".

"Nothing bad will happen to Raen, okay? Raenard knows how to fight and how to protect himself. Alam ko yun dahil matagal na namin siyang nakakalaban at sure akong makakausap mo siya mamaya. Kaya please---"

"Wait. What?. Nakalaban nyo na si kuya dati?".gulat at nagtataka ko pang tanong.

Totoo ba lahat ng 'to? Kailan pa niya tinatago.

"Ano pang hinihintay? Umpisa na!".sigaw pa ng isang lalaki kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

Damn.

"Pwede ba mamaya ko na sasagutin yang mga tanong mo? Basta dyan ka lang malinaw?".aligagang sabi nung lalaking kausap ko bago nila ako pinalibutan ulit.

Grabe at abut abot ang kaba ko lalo na ng makita ko na bumunot ng baril yung mga lalaking nakapalibot sa akin samantalang ang iba naman ay may hawak na kutsilyo.

Tangina talaga. Pinapayagan nila 'yon dito? Nasa tapat pa kami ng eskwelahan. Wala bang pipigil sa mga ito? Anong klaseng eskwelahan ba tong Admerson? Nakakainis.

Sunod sunod na putok ng baril ang nadinig ko pero napansin ko na sa bandang paa at braso lang nila pinatatamaan yung mga kalaban pero kung tutuusin pwede na nilang patayin ang mga ito.

"Walang pupuruhan na kahit isang miyembro ng Enormous Black Dragon. Gusto lang nilang makuha ng buhay si Rien kaya wala ding dapat na mamatay maliwanag?".sigaw pa ni Skyler na nakatayo sa hindi kalayuan habang hawak hawak ang kanyang baril.

Wala bang pulis na pipigil sa kanila? Nasaan na ba ang mga pwedeng rumesponde?

Bwiset. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga nangyayaring ganito. Ano bang ipinaglalaban nila? Bwiset talaga.

Bigla namang hinanap ng mga mata ko si Glean-- nakita ko siyang nakikipaglaban gamit ang kutsilyo habang si Devin naman ay kamao lang ang gamit.

'Ate alam mo ba, magaling sa martial arts si kuya Glean'

'Kaya nya ding makipaglaban kahit kamao lang ang gamit'

'Tss mas idol ko pa rin si kuya Devin, ang galing niya kayang humawak ng kutsilyo'

Damn. Bakit na naman iyon pumasok sa isip ko? Naalala ko na naman yung sinabi nung kambal.Nakakabwisit naman oh!.

"Rien.. "

halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may bigla na lang humawak sa kamay ko. Sobrang kaba ko habang dahan dahan kong nililingon yung nakahawak sakin at halos malalag na ang panga ko ng makita ko ang si kuya Raen.

Ang sama ng tingin niya sa akin at alam ko naman na kung bakit ganon ang tingin niya. Nalaman na niya na may koneksyon ako sa tatlong magkakapatid na Villa Fuente. Ang bagay na pinaka ayaw mangyari ni kuya!.

"Bitawan mo siya".napatingin naman ako dun sa lalaking nasa likod ng kapatid ko at laking gulat ko ng makita ko si Skyler na may hawak na baril at nakatutok iyon sa ulo ng kuya ko."Amin siya Raenard".

"Baka nakakalimutan mo Skyler na kapatid ko siya?".matapang naman na tugon ni Kuya at tinutukan din ng baril si Skyler pero imbis na sa ulo ay sa dibdib-- sa may puso niya iyon itinapat.

Shit. Ganito ba talaga ang kuya ko noon pa? Nasaan na ba ang mga pulis at tanod? Gusto ko ng matigil 'to.

"Baka din naman nakakalimutan mo Raen na kami ang batas?!".nabaling ang atensyon ko dun sa isa pang humawak sa kamay ko at agad na bumungad sa akin si Devin.

Mas hinigpitan pa ni kuya ang hawak sa akin pero pinili naman ni Devin na bitawan ako. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang siyang ngumiti ng mapait.

"Tama na. Tapusin na natin 'to".mahina pero may diin niyang sabi. "Mas gugustuhin ko na lang na kasama ni Rien ang kuya niya kesa naman sa naiipit siya sa sitwasyon. I hate it. Ayoko nito. Panalo na kayo Enormous Black Dragon!".dagdag pa niya bago tinapunan ng isang nanlilisik na tingin si kuya.

"Lahat ng Eloquent Son of Gun, umalis na kayo".sigaw naman ni Glean at aalis na sana ang mga kasamahan nila ng muling magsalita si Skyler.

"Ako ang leader niyo, wala akong sinabi na tapos na ang laban hindi ba?".matapang na tanong ni Skyler habang masama ang tingin sa aming lahat.

"Kuya h'wag ka nang kumontra".saway ni Glean sa kanyang kapatid."Lahat kayo sundin ang utos ko!".

Mabilis pa sa alas kwatro'y nawala na lahat ng mga miyembro ng ESG at ng EBD at tanging kami na lang nila Skyler, Glean, Devin at kuya Raen ang nandun sa may labas.

"Alam kong may parusa lahat ng ginawa ko lalo na ang pangunguna sayo kuya".nakangising sambit ni Devin bago tumingin sa akin.".. at handa ko yung tanggapin lahat basta para sa taong mahalaga sa akin".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon