Kabanata 13Susubukan ko!
Sana makita ko na siya ngayon kase gustong gusto ko na siyang makausap. Gusto ko na malaman niyang malinaw na sa akin ang lahat at gusto ko rin na malaman niya na hindi ako galit sa kaniya!.
Kaya nga lang paano ko masasabi ang mga bagay na 'yon kung hindi ko naman siya nakikita.
"Uy alam nyo ba? May game daw mamaya"
"Kaya nga lang hindi naman pupunta si Glean"
"E, si Sky kaya maglalaro?"
"Ang alam ko, oo. Kaya lang si Glean, hindi. Ano kaya ang problema niya at ayaw niyang maglaro ngayon?"
"Ewan. Sa pagkakaalam ko lagi na lang siyang malungkot ngayon, e"
"Kawawa naman siya"
Alam kong hindi magandang ugali ang makinig sa usapan ng iba pero kung tungkol na sa kanya? Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Hindi siya maglalaro dahil malungkot siya? Malungkot si Glean.
Isang lugar lang ang kaagad na namang pumasok sa isipan ko kaya naman nagtatakbo ako patungo dun at nagbabaka sakaling sa pagkakataong ito, makakausap ko na talaga siya.
Yung hindi na ako matatakot.
Habang papalapit ako ng papalapit dun sa kubo, ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Bumibigat din ang bawat yabag ko at para bang nabalot na ng kalungkutan ang buong lugar.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan, laking pagkadismaya ko ng wala akong nadatnan ni anino ni Glean.
Akala ko pa man din tama ako.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapayuko at isang mapait na ngiti ang kumawala galing sa akin. Siguro umiiwas na din siya. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba 'to sa parusa ni Skyler. O baka ayaw na lang talaga niya akong makita.
Tumalikod na ako dun sa pintuan pero napataas agad ang tingin ko ng may nakita akong nakatayo sa may harap.
"Hi".bigla aking nabuhayan ng magsalita siya.
Parang walang nangyari kung umasta siya ngayon. Parang wala lang lahat.
"Baka malaman ni Skyler na nag uusap tayo. Ayos lang ba?"
"I don't actually care. Sayo nga ako nag aalala pero ikaw na mismo yung lumapit. Ang importante magkausap na ulit tayo, Ri".
May kung ano sa puso ko ang bigla na lang parang gustong sumabog at kumawala. Hindi ako mapakali. Sobrang dami kong nararamdaman. Sabay-sabay pa.
"Sobrang namiss kitang kausapin, Rien. It's so hard to ignore yun. Damn. Sobrang hirap. Akala ko hindi ko na kakayanin".isang mahigpit na yakap mula sa kanya ang natanggap ko.
Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
Ito yun, e. Ito yung yakap na nakapagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa. Yung yakap na hinahanap hanap ko.
I don't know why pero sobrang komportable ko talaga sa kanya. Hindi ko alam kung nagkita na ba kami nun pero pakiramdam ko talaga matagal na kaming magkakilala.
"Namiss din kita, Glean".
Naramdaman ko na bigla na lang niyang sinubsob sa balikat ko yung mukha niya. Kasabay nun ay ang sunod sunod niyang paghikbi. Alam kong pinipilit niya na pigilan ang pag iyak pero wala naman akong pakialam kung umiyak man siya ngayon.
I want to see him cry in front of me. I want him to tell me what he's feeling inside. I want to know all about him.
I want to know him even more.
-*-
"Waaaahhhh, ayan na si Glean!".
"I love you Sky!".
"Go Devin!".
"Waaaaahhhhhh!".
Puro hiyawan ang maririnig sa buong gymnasium lalo na ng sabay sabay na pumasok ang mga member ng ESG lalo na ng makita nila yung tatlo.
Seryoso lang si Skyler pero mukhang hindi naman mainit ang ulo niya. Siguro ganyan lang talaga ang usual facial expression niya. Nakangiti naman si Glean habang tingin ng tingin dun sa bleachers na parang may hinahanap.
Nang magtama ang tingin namin ay kumaway ako sa kanya. Ngumiti ito sakin bago lumapit dun sa side nila.
Si Devin naman, nakatayo lang sa isang tabi. Walang imik at diretso lang ang tingin dun sa gitna.
Ang sunod namang pumasok ay ang mga miyembro ng EBD. Natahimik ang lahat at ramdam mo ang init sa pagitan ng dalawang grupo lalo na ang mga matatalim nilang tingin sa isa't isa. Ang kaninang mga nagsisigawang tao ay bigla na lang natahimik. Seryoso ang lahat at kinakabahan naman ako.
Damn. It's just a practice game for the up coming tournament pero bakit ganito kataas ang tensyon?
"Simulan na".sigaw nung leader ng EBD-- si Nathan.
Isang ngisi naman ang kumawala mula kay Skyler bago umiling."I just want to make everything clear. This is just a practice game, ayaw namin ng gulo. H'wag nyong pairalin ang kadayaan nyo lalo na ikaw Nathan".
Napatingin ako dun sa grupo ng EBD at laking gulat ko ng nandun si kuya Raen masama ang mga tingin sa akin.
What is he doing here? Hindi na siya estudyante dito.
"Ang dami mong sinasabi".galit na sagot ni kuya bago binato ang bola kay Glean pero sinalo niya lang ito gamit ang kanang kamay niya.
Nadinig ko ang paghigit ng hininga ng mga taong nasa gym. Wala ni isa ang makapag salita at napakatahimik ng lahat.
Hindi rin nagtagal at nagsimula na ang game. Ang may hawak ngayon ng bola ay si Glean at patuloy siya sa pagtakbo patungo sa side nila. Nilusutan niya lahat ng nakabantay sa kanya. Akala ko isushoot na niya ang bola pero pasimple niya iyong pinasa kay Skyler at ito ang nagshoot ng bola.
Pasok. Ang galing.
Ni hindi ko namalayan na nandun siya. Ang bibilis nilang kumilos.
Lahat ay nagsitakbo na patungo sa kabilang bahagi ng court at habang tumatakbo sila ay bigla na lang napako ang tingin ko kay Devin. Napakalungkot niyang tingnan ngayon at alam ko naman na kung ano ang dahilan.
Hindi naman ako ganun kasama para hindi makaramdam ng awa sa kanya.
Muling napunta sa ESG ang bola at ngayon ay si Devin naman ang may dala nun. Pinukol na niya ang bola pero masyadong malakas. Mabuti na lang at nandun si Glean na siyang kumuha ng rebound. Ipinasa niya ang bola sa isa pa nilang kamiyembro bago siya nagtatakbo dun sa may three point line. Nang makita nila na libre si Glean ay agad nilang ipinasa sa kanya ang bola. Bigla namang nagtatakbo si kuya para sana bantayan siya pero huli na dahil naipukol na ni Glean ang bola.
Three points.
"WAAAAHHHHHHHH!".
"WE LOVE YOU, GLEAN!".
Napailing na lang ako dahil sa mga sinisigaw ng mga kababaihan pero nabaling agad ang atensyon ko sa isang lalaki na nagtatakbo papunta sa gitna ng court at humarap sa direksyon kung nasan ako.
Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay at bahagyang yumuko.. DAB!.
"Waaaaaahhhhh!".
"Bumalik na talaga si Glean!".
"Ang aming DAB KING!".
Napangiti ako. Isang matamis na ngiti ang kumawala mula sa akin. Bumalik na nga siya. Bumalik na ang Dab King!.
Haggang sa matapos ang buong laro ay wala kang ibang madidinig kundi ang hiyawan ng mga kababaihan lalo na ng manalo ang Eloquent Son of Gun at ng muling mag-dab si Glean.
Lahat ay napasigaw niya sa kanyang simpleng ginawa at hindi ko rin naman maipagkakaila na talaga namang magaling siya.
Iba ka talaga!
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...