Kabanata 8Hindi ako dinalaw ng antok ng gabing yun dahil sa mga sinabi nung kambal.
'Bakit Devin ang pangalan, e si kuya Glean to!'
Shit. Nalilito na ako!
Kailangan kong malaman yung sagot. Gusto kong makasiguro sa lahat ng bagay. Kung sino ba yung lagi kong nakakasama at kung sino naman yung nakakatext ko at kung sino sa kanilang dalawa yung laging nagpapagaan ng loob ko!
Nagmamadali akong maglakad at wala na akong pake kung may mabangga man ako, ang gusto ko lang ngayon ay ang makausap yung dalawa.
"Hey miss beautiful. Nagmamadali ka ata?".napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humarang sa dinaraanan ko.
Lima silang lalaki at yung nasa gitna nila-- pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan ko siya nakita pero sure ako na hindi ito ang unang araw na nakita ko siya.
"Dashielle, umalis na kayo. Kaya ko na 'to".utos nung lalaking nasa gitna. Agad naman na umalis yung apat pa niyang kasamahan."Natatandaan mo pa ba ako?".
Nindig ang mga balahibo ko lalo na ng marealized ko kung sino siya. Siya yung lalaking nabangga ko nung nakaraan. Fuck. Dapat na akong umiwas sa kanya ngayon pa lang kundi baka mayari ako kay Skyler.
Tumalikod na ako sa kanya at aktong hahakbang na palayo ng bigla niyang higitin yung braso ko. Naramdaman ko ang dahan dahang pagbaon ng kuko niya sa braso ko.
"Nathan, bitawan mo siya!".sabay kaming napatingin nung Nathan dun sa nagsalita at yung kambal kaagad ang nakita ko. "Hindi mo ba ako nadinig?"
Biglang ngumisi si Nathan."Malamang nadinig ko, may tenga ako hindi ba?".sarkastiko niyang tugon at mas hinigpitan ang hawak sa akin.
Ramdam na ramdam ko na ang pamamanhid ng braso ko dahil sa higpit ang hawak niya. Hindi na nakadadaloy ng maayos ang dugo dun sa braso ko. Tangina.
Napatingin ako dun sa kambal at parehas na silang nakayukom ngayon ang mga kamao.
"Nadinig mo naman pala bakit hindi mo siya bitawan?!".nanggagalaiting sigaw ni Devin bago sinuntok sa mukha si Nathan.
Mabilis ang mga naging pangyayari at hindi ko masundan ang mga galaw nila dahil ang bibilis. Para silang mga kidlat kung kumilos hanggang sa nakita ko na lang na nakahiga na sa sahig si Nathan habang si Devin naman ay hawak hawak ang kamay ko at tumatakbo kami ngayon palayo sa mga tao.
Tama bang nangyari 'to. Is it allowed to build a gang group inside this school? Bakit walang pumigil? Nasaan ang mga guards?
Hinahayaan ba sila na mag away dahil mga anak sila ng may ari ng school na 'to? Ibang klase.
Nakasunod lang sa amin si Glean habang ang iba namang estudyante ay nakatingin lang sa amin. Ang iba naman ay nakatingin kay Nathan na hanggang ngayon ata nakahandusay parin sa sahig.
"Ayos ka lang ba?".
"Rien?".
"Rien are you alright?".
"Hey".
-*-
Masyadong maliwanag at nakakasilaw para sa akin ang puting kisame. Nagpalinga linga ako sa buong silid at kumpirmado nasa infirmary nga ako.
Napalingon naman ako bigla dun sa may pinto ng madinig ko ang mahinang pagtunog noon. Isang lalaki na may dalang basket na puno ng prutas, kulay itim ang mata, matangos ang ilong, matangkad, mapula ang labi at maputi ang balat ang agad ba bumungad sa akin.
"Buti naman okay ka na".mahina pero may lambing niyang sabi."h'wag kang malito ha? Ako 'to si Glean".paglilinaw pa niya at tumango naman ako.
"Ayos naman na ako".nakangiti ko ding sabi."Pero ano bang nangyari?".taka ko pang tanong.
Bigla namang napangiti si Glean bago umiling iling."Hinimatay ka lang naman po".natatawa niyang sagot.
Pinanliitan ko naman siya ng mata at tsaka hinampas ang kanyang braso. Pagtawanan daw ba ako, e. Huminto naman siya sa katatawa at bigla na lang nagseryoso.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at para bang unti unti na akong nalulunod dahil sa mga tingin niya sakin. Hindi rin ako maaaring magkamali na kahit na kambal sila ni Devin ay malaki pa rin ang pagkakaiba nila. Maaring sa physical appearance magkapareho sila pero sa ugali, aura at dating?
Ibang iba.
"Kumain ka ng kumain, iiwan ko na 'tong mga prutas dito".bilin pa niya bago tumayo."Mauna na ako".
Tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo ngunit nakaka ilang hakbang pa lang siya ng bigla na siyang napahinto.
Napahinto siya ng magsalita ako at mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Salamat, Devin!".mahina kong pasasalamat pero batid ko na nadinig niya iyon.
Nakataas ang isa niyang kilay at nakakunot ang kanyang noo ng humarap siya sa akin."Nalilito ka pa rin ba sa amin ng kakambal ko?".nagtatakang tanong niya.
Dahan dahan akong umupo at humarap sa kanya habang titig na titig parin siya sa akin at pasensyosong hinihintay ang sagot ko.
Isang mapait na ngiti ang kumawala galing sa akin."Ikaw ang totoong Devin hindi ba?".mahinang tanong ko na ikinasinghap niya.
"Kung iyon ang akala mo nagkakamali ka-- "
"Pero bakit sabi ni Rio at Iro si Glean talaga yung nasa picture pero Devin ang nakalagay na pangalan!".hindi ko na naiwasan pang magtaas ng boses.
Lalong kumunot ang noo niya."Imposible naman ata ang sinasabi mo at tsaka ako nga si Glean okay? Baka naman nalito lang din yung mga kapatid mo".paliwanag pa niya.
Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya at napangiti ng hilaw. Tama! Maaring nagkamali lang din sila Rio at Iro pero nakakainis kase hindi ko na maalis sa isip ko ang tungkol sa mga bagay na 'yun.
Nadinig ko ang mga yabag niyang palapit sa akin hanggang sa makita ko na lang siyang nakaluhod sa may harap ko."Ako si Glean, h'wg ka namang malito at tsaka lagi mong tatandaan, mas gwapo ako kesa kay Devin".nakangiti pa niyang sabi kaya naman hindi ko na napigilan pang mapangiti din.
Napailing na lang ako ng maalala lahat ng mga sinabi ko sa kanya kanina. Para akong tanga na pinagdududahan ang pagkatao nung kambal!
"Sige na, pahinga ka muna".malambing na sabi ni Glean bago ginulo ang buhok ko."Una na ako, okay?".
"Okay, Glean".
-*-

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...