Special Chapter 2

15 1 0
                                    


Special Chapter 2

Hindi ako nabigyan ng chance na makausap si Marcus kase dumiretso agad to palabas sa Starbucks. Mukhang may naghihintay talaga sa kanya kase may lumapit agad na babae kay Marcus pagkalabas niya pa lang dun sa pinto. Hindi ko alam kung nakita niya din ba ako o hindi. Im not even sure kung natatandaan pa ba niya ko o baka ako nalang yung nakakaalala sa mga nangyari noon.

Sobrang nakakahinayang talaga. Ang lapit na niya, e. Sayang.

Wala akong ibang nagawa kundi tingnan nalang yung pinto kung saan siya dumaan kanina hanggang sa mapagdesisyunan ko na pumunta na dun sa parking lot para dun nalang hintayin si Sky. Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko agad sila na mukhang kadadating lang din dahil pababa palang sila ng kotse.

"Rien, ayos ka lang?". Nag aalalang tanong ni Devin sakin.

Tumango naman ako agad tsaka ngumiti sa kanila. Lumapit ako para yakapin si Sky at si Devin kase sobrang namiss ko silang dalawa. Ilang taon ko silang hindi nakita at nakasama. Grabe. I missed them so much.

Kahit nung nasa New York ako, hindi ako nawalan ng connection sa kanilang magkakapatid lalo na kay Neriza na nasa Bataan at kasama sila tita. Lagi ko silang kausap at sila lang nila kuya Raen ang nakakaalam sa mga bagong account ko. Dineactivate ko kase yung mga luma kong account para wala munang ibang makacontact sakin.

Mas tumangkad si Sky at si Devin ngayon kumpara sa dati. Mas lumaki rin ang katawan nila at hindi rin matatanggi na mas lalo silang naging gwapo ngayon. Naging moreno si Devin at bumagay naman yun sa kanya, mas lalo siyang naging manly tingnan. Si Sky naman, nagbago ng hairstyle at may eyeglasses na suot. Ang gwapo nila pareho. Hindi na ko magtataka kung bakit sobrang daming nagfofollow sa mga social media accounts nilang magkapatid kahit na sobrang dalang naman nilang magpost.

"Namiss ko kayo".bulong ko sa kanila.

"Namiss ka rin namin. Akala namin wala ka ng balak na bumalik".sagot ni Devin after niyang halikan yung ulo ko.

Ang sweet. Pakiramdam ko mas lalong dumami ang kapatid kong lalaki dahil sa kanilang dalawa.

"Sus, pwede ba namang hindi ako bumalik? Ayoko ng maging missing in action sa kasal ni Sky tsaka ni Jess".sagot ko tsaka tiningnan yung dalawa na magkatabi na ngayon. Nakahawak pa si Sky sa bewang ni Jessica.

Ang cute nilang tingnan.

"Pasaway ba tong si Sky?".biro ko kay Jess after ko siyang yakapin sandali.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Si Sky naman, bulong ng bulong. Hwag ko daw siyang ilaglag kay Jess kase baka daw biglang magbackout yung bride niya.

Bumaling naman ako kila Devin at Sanya. Ang cute din nilang dalawa. Nakakatuwa.

"Kamusta ang buhay mag-asawa?".tanong ko after ko ring yakapin si Sanya.

Habang nag uusap ay pumasok na kami dun sa kotse. Kaming tatlong babae ang nasa likod. Si Sky ang nagdrive at si Devin naman ang nasa tabi niya.

Isang taon ng kasal si Sassa at si Devin. Sa province sila nagpakasal na dalawa last year. Sayang nga kase hindi ako nakaattend pero naintindihan naman nila yun. After ng wedding, nagdecide yung dalawa na umuwi na sa probinsya nila Sanya. Nagpagawa sila ng bahay dun at ang alam ko nakabili narin sila ng malaki-laking lupa para sa bago nilang negosyo. Nakwento kase sakin ni Devin na mahilig daw sa bulaklak si Sassa kaya naisip nilang magnegosyo. Yun namang negosyo na naiwan nila dito sa Manila, si Jess na ang naghandle habang si Sky naman, abala sa pagiging engineer.

"Masaya, syempre. Lalo na ngayon.. " biglang lumingon si Devin sa pwesto namin.

Bigla namang napangiti si Sassa kaya napalingon ako sa kanya.

"Wait. Dont tell me you're—"

"She's pregnant. Two months na".nakangiting sabi ni Jess kaya napatili ako.

"Totoo ba? Ibang klase talaga tong si Devin. Congratulations sa inyong dalawa".sagot ko tas nakipag high five pa sakin si Devin. Mukhang proud na proud na tatay na siya.

"Wait until Jess and I get married, Rien. Mas gwapo at maganda ang magiging anak naming. Magkasunod agad para makarami".

"Siraulo".natatawang sabi ni Jess tapos binatukan pa niya si Sky.

Ang cute talaga nilang tingnan na apat. Mukhang ang saya-saya nila. Well, masaya rin ako para sa kanila. Sobra.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Sobrang gulo nga namin sa kotse tas kung anu-ano narin yung pinag uusapan namin. After one and a half hour, nakarating narin kami sa bago naming bahay dito sa Antipolo. Dito na tumira si mama at yung kambal matapos nilang maghiwalay ni papa.

Yes, naghiwalay sila mama at papa ilang buwan matapos kong umalis papunta sa ibang bansa. I dont know the whole story kung bakit nila napagdesisyunan na maghiwalay. Siguro isa sa reason ay yung madalas nilang pagtatalo pero bukod dun wala na silang ibang sinabi. Maayos naman silang dalawa hanggang ngayon. Sa totoo lang, parang wala namang nagbago sa kanila maliban nalang siguro dun sa fact na hindi na sila magkasama sa bahay at hindi na sila nagtatalo ngayon. Nasa Manila parin si papa, dun sa naunang bahay namin. Pero ang alam ko, madalas parin siyang dumadalaw dito sa Antipolo para makita yung kambal.

Inaamin ko na umaasa parin ako na magkakabalikan ulit sila pero kung anuman ang gustong mangyari ni mamat papa, susuportahan ko sila pareho. Besides, malaki naman na sila. Alam na nila kung ano yung tama at kung ano yung magpapasaya sa kanila.

Pumasok kami sa bahay at nagulat ako ng makitang nandito silang lahat. Sila tito Yohan, tita Alicia, mama, at papa. Hindi ko inaasahan na ganito ang aabutan ko.

Lumapit ako sa kanila para yumakap. Halos ayaw akong bitawan ni mama ng siya na yung niyakap ko. Paiyak na nga rin sana siya pero pinatahan siya ni papa.

"Ame, dont cry. Were here to celebrate di ba?".natatawang sabi ni papa bago tinapik yung likuran ni mama para pakalmahin.

See, parang wala talaga silang pinagbago. Parang mas naging okay pa nga sila ngayon sa isat isa.

After magkamustahan, dumiretso na kami dun sa garden. May nakaready ng mga lamesa dun, upuan at maski pagkain. Mukhang pinaghandaan nila talaga yung pagdating ko.

Bago kumain, nagpaalam ako sandali na ipapasok muna yung mga gamit ko. Tutulungan pa sana ako nila Devin at Sky pero sabi ko, kaya ko na mag isa. Pumasok ulit ako sa bahay at nagulat ng makitang kalalabas lang nung kambal dun ata sa entertainment room ng bahay at kasama pa nila si Neriza. Lumapit sila sakin para yumakap.

Ang tangkad na nung kambal tapos kaheight ko na si Neriza. Ang alam ko magkaklase sila ngayon. Nasa fourth year high school na silang tatlo. Nagkakamustahan kami ng biglang tumunog yung phone ni Rio kaya nag excuse siya bigla.

"Sino yung tumawag?".tanong ko dun sa dalawa.

"Maybe it's Shane, ate".sagot ni Iro.

"Who's she?".

"Nililigawan po ni Rio.. " sagot naman ni Neriz kaya napatango ako.

So, Shane pala ang pangalan nung babaeng kinukwento sakin ni Rio. Nakakatuwa na may nililigawan na siya. Akala ko walang balak na maggirlfriend ang isang yun kase masyado siyang masungit.

"E, kayong dalawa? Anong status niyo?".pang iinis ko dun sa dalawa.

Biglang namula yung mukha ni Neriz tapos napakamot naman sa ulo si Iro. Hmmm. Mukhang may something din sa pagitan nila ah. Napangiti tuloy ako dahil dun.

"Hay ang mga kapatid ko. Binata na talaga".

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon