Kabanata 10Matapos nang mga nangyari nung nakaraang linggo napakaraming nagbago hindi lang sa bahay kundi pati na rin sa Admerson.
Naging tahimik sa school, iniiwasan ako ng lahat at hindi na din lumalapit sa akin ang magkakapatid. Nakikita ko sila palagi at gustong gusto ko silang kausapin lalo na si Devin pero hindi ko magawa. Ayokong magkagulo na naman at tsaka sobra na ang nangyari kay Devin nung nakaraan.
Grabe ang ibinigay na parusa sa kanya ni Skyler. Wala siyang pwedeng kausapin na kahit na sino, hindi siya pwedeng makisama sa mga kaibigan niya pati na rin sa ESG. Kailangan niyang tapusin lahat ng mga requirements, tuwing umaga din nakikita ko siyang tumatakbo sa may field at higit sa lahat, hindi siya pinauuwe ni Skyler sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung saan tumutuloy si Devin ngayon and the punishment will last for two months.
Grabe! Wala atang puso si Sky.
Napatingin ako dun sa may field habang naglalakad ako sa may hallway. Gaya nga nung nakakaraan, nandun na naman si Devin at takbo ng takbo.
Kahit nasa malayo ako kitang kita ko kung gaano na kapawis ang mukha niya at basa na din ang damit nito. Tinitigan ko lang siya at laking gulat ko ng mapatingin siya sa direksyon kung saan ako naroroon.
Iniwas ko agad ang tingin ko at naglakad na pero ganon pa man pasimple ko pa rin siyang tinatanaw. Naaawa kase ako sa kanya, e.
Lingon ako ng lingon sa kanya kaya hindi ko napansin ang nasa harap ko.
Napatingin ako dun sa nakabunggo ko at napalunok na lang ng makita si Skyler na nakatayo sa may harap ko.
Diretso lang siyang nakatingin sa akin hanggang sa ako na mismo ang umiwas. Siya naman ay nilagpasan lang ako. Nilingon ko siya sandali tapos ay tiningnan ko rin si Devin.
Siguro nga dapat may gawin na ako.
Hinigit ko kaagad ang braso ni Skyler dahilan para mapaharap siyang muli sa akin. Damn. Nakakatakot talaga siya kahit kailan.
"What?".nakapoker face niyang bungad sa akin.
Tumayo muna ako ng maayos bago nagsalita "Pwede ba akong humiling?!".halos pabulong na tanong ko.
"Ano 'yon?".tunong niya.
"Pwede bang h'wag mo ng parusahan si Devin?".nag aalangang tanong ko.
bahagyang natigilan si Sky ng banggitin ko ang pangalan ng kapatid niya. Something is wrong. I can feel it.
Hindi siya kumibo."Pwede ba, Skyler?".
"Bakit? Naaawa ka sa kanya?".
"Yes. Naaawa ako and ndi ko kayang nakikita siyang nahihirapan kaya please--"
"No!".pagputol niya agad sa sinasabi ko.
"Skyler, please I'm begging you, tama na!".makaawa ko pa at halos maglumuhod na ako mapapayag lang siya sa hiling ko. "Please, sobra na yung punishment mo. It's not easy to avoid all the people you know. Can't you see? Nahihirapan na si Devin".
"Basta. Hindi parin ako payag sa gusto mo".
Nanamlay naman ang buong sistema ko dahil sa sinagot niya.
"How can I convinced you to stop this bullshit?".desperado tanong ko.
"You can't change my mind kahit ano pang gawin mo".seryoso niyang sagot. "Tumigil ka na kase nagsasayang ka lang ng oras k--"
"No! Hindi 'to pagsasayang ng oras. Hangga't hindi ka pumapayag hindi ako titigil!".matapang na sagit ko.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob.
"Kung siya nga tinanggap niya yung parusa mo, ako pa kaya? Kung kaya niyang magsakripisyo ako din--"
"Wait. Damn. Do you love my brother? In love ka ba sa kanya?".
Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko dahil sa tinanong niya.
"A-anong sinasabi mo?".taka kong tanong kahit malinaw naman ang pagkakadinig ko.
"Kaya mo ba 'to ginagawa kase mahal mo na siya?".ulit pa ni Skyler sa mga sinabi niya pero hindi ako nakasagot.
"I'm going to tell you one thing".muli niyang panimula."The man running in that field right now has a dangerous personality. He has a very short temper and once he get mad, hindi niya nakokontrol ang sarili niya. Last time na nagalit siya, muntik pa naming isugod sa ospital yung nakaaway niya. Ganun din si Glean, he can't also control his anger. Kaya umayos ka".
Nanindig ang mga balahibo ko ng madinig ang mga sinabi niya. Is that for real? talaga bang kaya nilang gawin yun ng dahil lang sa galit?
-*-
"Ate.. "
Ilang kurap muna ang ginawa ko bago ko tinapunan ng tingin yung kambal na diretsong diretso lang ang tingin sa akin.
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kaiisip kung paano ko mapapayag si Skyler na itigil na yung parusa niya kay Devin.
Damn. Bakit ba pati sila ay pinoproblema ko? Wake up, Rien.
"Bakit?".nagtatakang tanong ko bago sila inayang maupo sa tabi ko."May problema ba?".
Nagkatinginan naman yung kambal kaya naman kumunot ang noo ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sabay nilang kinuha ang kanilang phone.
Pinagmasdan ko lang sila at hindi na kumibo hanggang sa binalik na nila ang atensyon sa akin.
"Ate, we're going to show some pictures. You just have to tell us kung sino sila. Is it alright?".panimula ni Iro.
"All you have to do is to say their names. Okay lang po?!".dugtong naman ni Rio.
Sunod sunod na tango lang ang sinagot ko sa kanila. I have no idea kung bakit nila naisipan na magganito. Trip lang ba nila?
Ang una nilang pinakita ay yung picture na nasa phone ni Iro.
Gwapo, matangos ang ilong, maputi, may itim at bilugang mata at may mapula na labi. Iyon ang nasa unang picture.
"Sino siya sa tingin mo ate?!".tanong pa ni Rio.
"Si Glean. Bakit?".tugon ko naman.
"My turn".inilapit sa akin ni Rio ang kanyang phone.
Gwaapo, maputi, matangos ang ilong, may brown at singkit na mata at may manipis at mapula na labi.
"Sino siya Ate?".tanong pa ng kapatid ko.
Napailing na lang ako at napangiti."Ano ba kayo? E, pictures nung kambal yan. Tsaka sure naman ako na yang nasa phone mo Rio? Si Devin yan. Ano bang pinag iiisip nyong dalawa--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng ipakita nila sa akin yung pangalan nung nandun sa litrato. Halos malaglag ang panga ko ng makita ang mga pangalan na nandun.
Ang pangalan nung lalaking nasa phone ni Iro ay Devin at hindi gaya nung sagot ko. At yung lalaking nasa phone naman ni Rio ay si Glean at hindi rin gaya nung sinagot ko.
Bakit?. Bakit nila ginawa ang bagay na yun?
-*-
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen Fiction"People always do crazy things when they're inlove" Naniniwala ba kayo na kapag ang isang tao ay nagmahal, handa niyang gawin ang lahat para lang dun sa taong mahal niya? Well, if you're going to ask me that question, I will definitely say yes kase...